Chapter 22

1.7K 83 18
                                    


Lumipas ang oras at uwian na namin. Nilagay ko na ang mga gamit ko na nilabas kanina. Naunang umuwi si James dahil nagka emergency sa bahay nila. Ayaw nya pa sanang iwanan ako pero sobrang urgent talaga ng emergency sa bahay nila. Wala narin syang nagawa kaya ito ako ngayon mag isang nag aayos pauwi.

Ayoko namang maging pabigat kay James kaya mas pinili kong umuwi na sya. Kahit pa na gusto ko syang kasabay wala akong karapatan para hadlangan yung pangangailangan ng mga magulang nya.

Natapos na ako sa pag aayos at napag desisyon ng lumabas ng room. Paglabas ko hindi ko inaasahang makasalubong si Steve. Wala na namang tao sa room bukod sa'kin, sino ang pupuntahan nya.

Kita ko rin ang pagkabigla nya ng muntik nya na kong makasalubong at maka bangga. Hindi ko masimot na magkatitigan kami kaya ako na ang aalis.

"Wait". Napalingon ako ng mag salita sya. Binigyan ko sya ng nagtatakang tingin. Ano sa tingin nya ang ginagagawa nya? Diba sa kanya na mismong nanggaling na ayaw nya kong makita at marinig, psh ang gulo ng utak nya nakakaloka.

Hindi ko sya pinansin at naglakad paalis. Malay ko bang ako talaga ang kinakausap nya, baka kasi may nakikita syang hindi nakikita ng normal na tao. Nakakailang hakbang ako ng mag salita ulit sya.

"Jen. Sandali" Napahinto ako ng banggitin nya ang pangalan ko. So ako talaga ang kausap nya. Nakaramdam ako ng mga yagapak ng paa patungo sa'kin. Huminto ang yapak ng mga paa. Alam kong nasa likod ko na sya. Hindi naman ako nag aksaya ng oras para umalis sa lugar na'to.

Ihahakbang ko na sana muli ang paa ko ng hawakan nya ang braso ko. Iniharap nya ako sa kanya. Agad kong sinalubong ang mga mata nya ng blanko kong mukha. Nakikita ko sa mga mata nya na mukhang nag aalinlangan sya sa mga pinag gagawa nya ngayon.

Agad kong tinapik ang mga kamay nya na naka hawak sa braso ko. Ano na namang problema nya, nananahimik na ko lapit pa ng lapit. Binigyan ko sya ng nakataas na kilay para iparating na ayokong mag pahawak sa kanya

Ilang segundo pa kaming nagtitigan. Mukha kasing ayaw nyang mag patinag sa mga titig ko. Hindi na'ko nag aksaya ng oras at tinanong na sya.

"Whatever if you don't want to hear my voice right now. But you are just wasting my time, if you have something to say just say it in other day. I don't want to waste my time with you" matigas kong sabi

Kitang kita ang lungkot sa mata nya pero hindi ako nagpatinag dito.

"Jen please Don't be like that...please" nakatungo nyang sabi. Napangisi na lang ako. Seriously sa dami ng taong mag sasabi nyan ikaw pa? Psh. Tatalikuran ko na sana sya pero nagulat nya ako ng bigla nya kong yakapin.

Tinulak ko sya palayo sa'kin. "What are you doing!" Malakas kong sabi. Ano bang problema ng tao na'to. Pagkatapos nya kong kamuhian nag gaganto sya sa'kin ngayon.

"Jen. I'm sorry for what i've said 3months ago... I know I was wrong that day please forgive me" ngayon ay nakatingin na sya sa'kin pero hindi ko  hinayaang maka kita sya sa'kin ng kahit anong expression. Napangiwi ako dahil sa sinabi nya. Totoo ba talagang nangyayari to. Hindi ko alam kung matatawa na lang ako dahil sa sinasabi nya

"Seriously Steve. Sa loob ng tatlong buwan. Tatlong buwan Steve ngayon mo lang naisipan yan?" Salubong na kilay na sabi ko. Napahawak ako sa ulo ko ng parang nababaliw. Iniwas ko ang tingin ko at marahan na tumawa na parang sarcastic

"Nauntog kaba sa pader?. Inuntog kaba ni Tita Kate? O baka inuntog ka na ni Liana" nakangisi kong sabi. Hindi ko na malaman ang mga expression nya dahil naging blanko ito ng ganun kabilis.

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon