Tinignan kami ni James at napahawak sa buhok niya.

"... Sama kayo samin Gab?" Aya niya saming dalawa.

This time nginitian niya naman si Kris.

Tinignan ko yung bestfriend ko tatanungin ko kung ok ba sa kanya na sumama kami sa group nila Brad pero sa tingin ko hindi ko na kailangan pang gawin yon.

"Sure." Sumagot na si Kris para saming dalawa.

"Gabby?"

"Sure... Ayos lang." Sabi ko.

"Tara na guys." Pinauna na kaming maglakad nila Brad masikip na kasi sa daan sa sobrang dami ng taong papunta sa canteen ngayon.

Marami na ngang suggestion na kung pwedeng i-extend pa yung canteen para maoccupied na lahat yun nga lang hindi pa rin confirmation sa office.

Nakita ko na sila Connor katulad ng sinabi ni James meron na kaming pwesto.

"Dito tayo..." Naglead ng daan si James sa dami ng tao na nagpangiti kay Kris.

I know that smile.

Yung smile na naiimpressed siya.

Nilink niya yung kamay niya sa braso ko at nagcheeky grin sakin.

Naku, Kris alam ko yung ngiti mong yan.

Nasabi ko na bang may 'something' siya towards James?

Nagconfess sakin si Kris dati na nagwagwapuhan daw siya sa lead guitarist ng 'The Vamps'.

Ok, akala ko dati hanggang ganun lang then later on shr told me na 'crush' niya si James.

Alam ko naman na don din yung ending non at hindi na ako magtataka dahil sino ba naman ang hindi hahanga kay James?

Sa members ng 'The Vamps' o sa '5SOS'.

Ok, they had the looks given na iyon but behind those thing yung talent and passion nila sa music yung nagpa-attract pa lalo ng mga tao para i-admire sila.

"Bes..."pabulong na tawag sakin ni Kris.

"Bakit?"

"Ang gentleman niya noh?"

Napailing na lang ako sa kanya. Sa dami ng tao hindi maiwasan na magkagitgitan sa daan at yun na nga yung nangyare.

"Sorry miss..."

 Napatingala ako agad para tignan yung taong nakabungo sakin.

"Gabby!"

Si Calum.

May hawak siyang can ng softdrinks.

"Ano ba naman yan. Hindi tumitingin sa dinadaanan e." Narinig kong sinabi ni Kris sa tabi ko.

"Ikaw ba yung nabunggo? Hindi naman diba?" Tanong ni Cal.

"Anong hindi bulag ka ba?" Kris.

"Hoy sunget--"

"ANONG HOY? May pangalan ako!"

"Sunget!"

"Manahimik ka kaloy!"

Nagpalitan na naman ng sagutan yung dalawa at hindi ko na magawang sumingit sa kanila.

RAKISTA Love Affair Season 1 (5SOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon