Chapter 50- Epilogue

268 3 0
                                    

Monique's POV
Hindi ako mapakali na parang kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong meron na parang sinasabing kailangan kong tawagan si Kuya Seth, sa huling tawag ko sinagot niya ito muli.

"Monique, nasan ka?" tanong pa ni Kuya.

"Nasa kwarto po ako, nandito din po si Sakura," sagot ko naman.

"Ano kasi- si Sean," pagkasabi niya mas lalong nagkaroon ng kaba sa dibdib ko.

"Kuya? May nangyari ba?" tanong ko, narinig kong nagbuntong hininga siya kaya napalunok laway naman ako.

"Try ko pong kumalma pero mas lalo akong kinakabahan kapag pinapatagal mo pa, bakit po?" tanong ko na naman.

"Kinidnap siya, kasama ng mga kaibigan mo," pagkasabi ni Kuya nanlaki nalang ang mata ko at napatingin kay Sakura na busy sa pagbabasa ng encyclopedia.

"Po?" mahinang saad ko.

Matapos ng lahat-lahat parang paumit-ulit lang na nangyayari ito sa amin, ang biglaan, ang mga nakakabaliw na pangyayaring hindi namin inaasahan, kaya siguro mukhang nasasanay na ako kapag dinadahan-dahan ako kapag kinakausap ni nino man, haist.

Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko.

"Nakita na po ba sila? Okay lang po ba sila?" tanong ko na naman.

"Hindi pa namin nahahanap, pero huwag kang mag-alala magpakalakas ka diyan, hinahanap na sila ng mga police."

Huminga na naman ako ng malalim.

"Ang mga kaibigan ko, si Sean, mahalaga sila sa'kin," bulong ko sa hangin.

"Alam ko Monique, hindi ko na naman sila na protektahan."

"Kuya don't blame yourself again," ani ko.

"It's okay I'll find them," wika niya.

"Kuya mag-iingat ka din," saad ko.

"Sige, salamat."

"Uuwi ka po ngayon?"

"Nope, hindi muna," sagot niya.

"I have some things to be done."

"Basta kuya wag mong papabayaan ang sarili mo," wika ko.

"I will," ani niya.

Pagkatapos ng tawag pinagtakpan ko nalang si kuya kina nanay at tatay, sabi ko walang bantay si Sean kaya si Kuya nalang, okay naman sa kanila, anong oras na ngunit hindi pa rin ako makatulog.

Kinaumagahan.....

Seth's POV
Nagising ako sa napakalakas na ring ng cellphone ko, tiningnan ko kung sino ang tumatawag at unknown pala ito, agad kong sinagot baka kasi makakuha ako ng impormasyon tungkol sa kapatid ko at sa mga kaibigan ni Monique, dito na din ako nakatukog sa bahay nina Rosefell, nasa sala lang naman ako, nahihiya din naman kasi ako sa mga magulang niya.

Pinindot ko ang call recorder.

"Hello? Who's thi-"

"Hi Kuya? I mean, Seth Mondoñedo looking for-"

"Jax i know you, don't ever touch my brother and his friends," agad na sabi ko, tumawa lang siya ng malakas.

"Hahahahahaha!"

"Bukod kasi sa hindi ko makakausap ang gong gong na 'to, maiingay pa ang mga kaibigan niya, teka may naisip ako."

Nanlaki bigla ang mga mata ko, napaka-g¤gø talaga ng p0t*, alam kong mga galawang Cliffords!

Mobster AcademyWhere stories live. Discover now