Chapter 17

95 3 0
                                    

Monique's POV
At ngayon ano naman ang trip nitong isang 'to?

Medyo naiilang na ako sa mga ginagawa niya, pagkatapos niyang dampihan ng cotton ang sugat sa kamay ko, sunod naman niyang nilagyan ng bandage.

"S-salamat," wika ko sa kanya, 'di man lang siya sumagot, pero infairness parang iba siya kaysa nung una.

"Sebastian," humarap siya sa'kin, bigla namang parang kinabahan ako, bakit ba kasi bigla-bigla nalang 'tong humaharap? Kakatawag ko pa nga lang eh.

"Ano kaya kung bumili ako ng pagkain, tapos isama kita," wika ko, taas naman ang kilay niya, 'nyari?

"Ano?" ani ko ulit.

"I'll stay here, 'di rin kasi ako lumalabas," saad niya, parang naawa ako ng kaunti sa kanya.

"'Di ka lumalabas? Bakit? sinasaktan ka ba sa labas?" tanong ko sa kanya, napayuko nalang siya at hindi man lang sumagot.

"Halika na, akong bahala sa labas," wika ko, kahit pa man alam kong may nambubully sa'kin sa labas, kailangan ko rin sigurong ipakita na hindi siya nag-iisa, at dahil magkasama nga kami, kung takot siya, maaaring maging matapang din ako, Paano kami pareho kung pareho kaming takot?

"Ayaw ko," saad niya pero hinila ko na siya palabas.

"Bibili tayo ng makakain," ani ko, pagkatingin ko sa kanya seryoso lang siya.

"May problema ba Sebby?" tanong ko, tiningnan niya lang ako ng masamà.

"Oh easy ka lang," wika ko at nang makarating kami sa labas.

"Balot!" napangiti ako nang marinig ang sinisigaw ng mamang nagtitinda ng balot.

"Kuya, pabili nga po," saad ko, binitawan ko naman si Sebby, kumuha naman si Manong ng balot.

"Magkano po isa?" tanong ko.

"Kinse," ani niya.

"Dalawa po," saka ibinigay ko ang bayad, napatingin naman ako kay Sebby nang matanggap ko na ang balot.

"Salamat Kuya," wika ko saka hinila na si Sebby.

"What is that?" tanong niya, nginitian ko lang siya, Iba 'yong Rich Kid.

"Try mo," sabay bigay ko, tiningnan niya lang ito sa kamay ko.

"Ano? Kukunin mo o kukunin mo?tanggapin mo na," sabay abot ko, kinuha ko nalang ang kamay niya saka pinahawak ang balot na nasa plastik.

"Mamaya na 'don nalang tayo sa library," ani ko, saka naglakad kami papunta doon.

"Don't you there trick me," wika niya, trick him? Baliw ba 'to?

"ANNOUNCEMENT-" rinig namin mula sa speaker dito sa may corridor.

"OUR FIELD TRIP WILL BE THIS AFTERNOON," ulit na rinig namin mula sa speaker, paano 'to? Sige na hindi na nga ako sasama, tutal wala namang mas masaya pa 'don, para sa'kin, gastos lang talaga ang haharapin ko.

"Hmmm sasama ka?" tanong ko sa kanya, umiling lamang siya.

"Bakit? natatakot ka ba sa maraming tao?" tanong kong muli, tiningnan niya lang ako sabay sabing-

"I never answers personal questions," saad niya, napalaki naman ang mata ko, kasabay ng pagbilog ng bibig ko.

"Aba't grabi 'to, personal questions talaga? 'di ba puwedeng i-share mo lang?" tanong ko.

Mobster AcademyWhere stories live. Discover now