Chapter 28

67 1 0
                                    

Kinaumagahan.....

Monique's POV
Tsk! Patay ako nito kina tatay, gumising akong magà ang mata. Kakatapos ko lang maligò at sinuot ang sunglasses.

Lalabas na ako ng kuwarto, naglakad na ako papuntang pintuan at binuksan ito, agad kong nakasalubong si Tatay.

"Tay-"

"Saan ka pupunta sabado ngayon ah?" tanong nito.

"Ah ano tay, may kukunin lang sa school," paalam ko, nakangiti naman siya.

"Tay naman, anong klaseng tingin 'yan?" tanong ko pa.

"Baka naman hindi lang talaga magkaibigan lang kayo ni Sebastian," may duda sa mga mukha ni Tatay.

"Tay naman, Alis na po ako," paalam ko saka humalik sa pisngi niya.

"Nak," sinalubong ako ni Nanay Sab.

"Alis na po ako," sabay halik ko din sa pisngi nito.

"Teka lang anak, mag-umagahan ka muna," wika ni Nanay.

"Tapos na po ako, siya nga po pala nagluto ako at inilagay ko po sa mesa," ani ko.

"Ah," saad na lang ni Nanay.

"Sige na po," wika kong muli saka tumalikod.

"Saan naman pupunta 'yon?"

"Sa school daw may kukunin."

Rinig kong usapan nila pero nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Sa School

Nang dumating na ako sa school. Isa lang ang nais ko Si Sebas- teka dalawa ba? Oo na gusto ko ding makita si Sebastian at lalo na't gusto kong makuha ang kuwintas kay Sean.

Teka? Sino naman ang uunahin ko? Oo na si Sean muna, kaya naglakad na ako papunta sa leisure room.

Marami-rami din pala ang nandito sa school ngayon, lalo na ang mga mukhang kakagising lang na mga kababaehang gulo-gulo pa ang ayos ng mga buhok, lasing din ang itsura ng mga kalalakihang nakakasalubong ko.

Pagkadating ko sa leisure room nila, nakita ko sina Luke at Ralph pero hindi ako tumingin sa kanya, kung hindi niya man ako kakausapin tungkol sa nangyari, eh 'di rin ako mag-aabalang kausapin siya, siya kaya ang gumawa ng kalokohang 'yun.

"Oh you're here but Sean isn't here," pagkasabi niya nun ay napatingin lang ako kay Luke na agad din akong nag-iwas tingin at tumango kay Ralph sabay sabing-

"Sige, alis na ako," paalam ko saka tumalikod na, kung hindi ko man siya makita dito, baka wala talaga siya? Sige sa library muna ako.

Third Person's POV
Habang sa Principal's Office naman, si Professor Daelus na Principal ng school nila na involve kay Santiago Mondoñedo ay kasalukuyang hawak ang telepono.

"Hello, Mr. Mondoñedo?" tawag niya sa telepono.

"Did you confirmed that Lim Shao was truly the head of that teacher?" tanong ni Santiago sa kabilang linya.

"Yes Sir, Professor Vivian is confirmed that she's involve with Lim Shao, Sir, " sabi ni Prof. Daelus.

"Ok, may inutusan na ako para ligpitin siya," ani Santiago.

Sa Library

Monique's POV
Kakarating ko lang din dito, at wala pa si Sebastian dito.

Mobster AcademyKde žijí příběhy. Začni objevovat