Chapter 12

127 5 0
                                    

Monique's POV

"Bagong kaibigan niya daw ako," ani ko, napatingin nalang siya sa kung saan, saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa kanila," wika niya.

"Mabait naman siya eh," sagot ko.

Luke's POV
May pinakain siya sa'king tinawag niyang taho, But wait i don't know what I am going to do, basta ang gusto ko ilayo siya kay Master Sean, but how? May mga instances talaga na tumatawag para ilapit siya, sa kanya.

Nakita ko si Sean mula sa malayo may masamang tingin sa'kin, I know what he was thinking about.

"Alis muna ako," I said.

"Aalis ka?" pagkatanong niya 'di na ako sumagot.

"Stay away from Maddie and Her friends," paalala ko at tinalikuran siya.

Alam kong maya't-maya lang nito Hindi na siya makakalabas ng gate.

Monique's POV
Dahil iniwan niya ako dito at may pinapaalala sa'kin si Master Luke about 'don kina Maddie, iniisip kong siguro mas mabait pa ngang makisama sina Maddie kaysa sa kanila nina Master Sean.

"Hey commoners," napatingin ako sa tumawag sa'kin.

Mga lalaki sila siguro binubuo sila ng limang miyembro.

"I'm Jax, come with us let's talk about something," pakilala ni Jax.

Hala, Ano na namang kabaliwan 'to, mapapasama na naman ako sa gulo.

"Ano kasi may pupuntahan pa ako," ani ko, tiningnan niya ang mga kasama niya na parang may sinenyas siya.

"Teka anong gagawin niyo?" tanong ko naman, naramdaman ko ang dalawang braso ko ay hawak na nila saka hinihila na nila ako.

Nakarinig ako ng tahol papalapit sa amin.

"Ang aso ni Luke, nandito na naman," saad ni Jax.

"Let her go," wika ni Luke.

"Paano kung ayaw ko?" tanong ni Jax.

"Calais here boy," tumahol muli ang aso.

Kinakabahan na ako, Anong action na naman ang pagdadaanan ko.

Nilapitan ako ni Master Luke, saka hinablot ang kamay ko mula sa dalawang lalaki.

"Hayaan niyo siya," Jax.

"Monique," Master Luke, itinago niya ako sa likod niya, tiningnan niya ako mata sa mata, kinabahan ako sa ginawa niya, hayop! 'Yong puso ko naramdaman kong tumalon.

"Tsss," nakita kong reaksyon ng kasama ni Jax.

"Don't you ever use her, again," wika ni Luke.

"No I won't use her, Luke, I like her," nakangiting ani Jax, saka isang nakakadiring tingin ang pinakita niya sa'kin, ewz Monique pinagnanasahan ka ba nung hayop na 'yon?

"Wag na wag Jax," inis na sabi ni Luke saka hinila niya na ako saka naglakad na kami sa kung saan.

Nakarating kami sa Leisure Room nila.

"Sean," tawag ni Luke.

"Bring her with you," Sean.

"Sean-"

"To the covered gym ," wika ni Sean.

"Anong gagawin niyo?" tanong ko na naman.

"Sumama ka nalang," ani Ralph.

Mobster AcademyWhere stories live. Discover now