Chapter 26: James

Começar do início
                                    

Pagkatawag nito saakin, mabilis na lumakad ito palapit saakin. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit sa gitna ng maraming estudyanteng narito.

Para akong naestatwa sa kaaniyang ginawa. Hindi agad nakapagresponse ang aking isip sa ginawang iyon ni Jonathan. Hanggang ngayon ay nasa shocked level pa rin ang aking utak. Naramdaman ko namang kumalas na ito sa pagkakayakap niya saakin.

“Do you wanna come with me, James?” Nagulat ako sa biglaang pag-aya saakin ni Jonathan na lumabas.

“Where are we going? Why so sudden bigla kang nag-aya?” I teased him.

Napakamot naman ito sa kaniyang ulo at napatawa na lamang. Ilang segundo bago niya ako sagutin sa aking tinatanong sa kaniya.

“There’s nothing especial naman. It’s just that, I just wanna go out with someone who I wanna to be with. Wala naman sigurong restrictions ‘yon, ‘di ba?”

“Uhm—wala naman. Nakakapanibago lang. I mean, I was surprised.”

“Uhm—ano? Sasama ka ba? Don’t worry, my treat.”

Dun ako pumayag sa “My treat” niya. Siyempre, ayokong gumastos lalo na kung wala naman akong importanteng bibilhin. I have to save my money for those important things. I don’t wanna spent my money for some nonsense things.

Well, tutal at libre naman ni Jonathan. At hindi niya naman alam na may nararamdaman ako sakaniya. I can consider this out as our first ever date. Ewan ko ha? Medyo kinilig ako sa aking naisip.

Habang nasasakyan kami ni Jonathan. Kapwa kami walang imik. Tanging pag-andar lamang ng sasakyan ang maririnig sa buong biyahe namin. Ilang minuto ang tinagal ng pagbiyahe namin ni Jonathan nang marating namin ang Mall ‘di kalayuan sa University na aming pinapasukan.

Jonathan asked me if I’m hungry. Syempre, choosy pa ba? Agad kong sinagot ang taning niyang iyon. Inaya niya naman ako sa isang kilalang fastfood chain. Itong fastfood chain na aming pinuntahan, ay isa sa pinaka paborito kong kainan.

Syempre, mula nung bata pa ako, dito na ako lagi dinadala ng mga magulang. Kaya siguro, nakasanayan at naging loyal ako sa fastfood na ito.

“Ano gusto mong kanin?” Tanong saakin ni Jonathan habang patuloy sa pagtingin sa menu.

Nang makapamili na ako ng gusto kong kainin, sinabi ko na agad iyon kay Jonathan. Agad niya naman iyong inorder at humanap kami ng table na available for only two persons.

“Good afternoon, Sirs. Here’s your orders. 2 pcs of C1, 2 regular size of fries, and 2 chocolate sundaes. Anything sir?” Nagtaka naman ako sa mga pagkaing nakahain sa harapan namin.

Napaisip naman ako kay Jonathan. Ngayon lamang ba siya nakakain rito? Bakit ginaya niya ‘yung mga inorder ko? Hindi kaya, nagtitipid rin siya?

“Wala na po, Sir” Magalang na sagot ni Jonathan sa crew. Umalis na ang crew nang matapos niyang madala sa table namin ang mga inorder ni Jonathan.

“Bakit parehas tayo ng pagkain?” Hindi ko maiwasan na tanungin ito dahil siguro, ay dala na rin ng aking curiousity.

“Ngayon pa lamang kasi ako nakakain rito. Kaya ginawa ko na lang kung ano ‘yung inorder mo.” Natatawang pagtatapat nito saakin.

Kung hindi lang kita mahal, malamang nakatikim ka na ng kutos saakin. At pasalamat ka, ang guwapo monf mahiya ah? Napatawa na lamang ako sa aking mga naiisip.

Habang kumakain kami ni Jonathan, hindi ko maiwasang ilibot ang aking mata sa labas ng estante ng fastfood. At sa hindi ko inaasahang pagkakataon, nakita ko lang naman ang kaibigan kong si Jess na may kasamang lalaki.

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora