"Geez hindi ko alam kung matutuwa ako dahil tumigil ka na sa kahibangan mo. Tama nga si Ruth," Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kapag nakuha mo na ang gusto mo wala ka ng gana. Tell me, Levi really love you right?" Inayos ko ang unan sa lap ko at naglilikot ang tingin sa paligid.

"Aha! Kaya mo siya gustong makuha kasi akala mo hindi ka magsasawa! Akala mo mananatili ang nararamdaman mo... Coleen I pity you."

Humina ang boses niya sa huling nasabi. At inangat ang braso ko kaya nagtatakang napatingin ako sa kaniya.

"G*ga ka ano na naman 'to?"Agad kong binawi ang braso ko sa kaniya.

"I'm stress okay? Just leave me alone."

"G*ga ka! Hoy Coleen ayusin mo naman sarili mo. Sinisira mo lang balat mo sa ginagawa mo eh. Dadalhin na kita sa mental tamo ka," Tumayo siya at bumaba ng kama.

"O-orasan kita. Kapag lumipas ang isang oras na hindi ka lumabas sa kuwarto mo, susunugin ko 'tong condo mo." Nagtaas baba ang dalawa niyang kilay. I just roll my eyes on her. Binato ko sa kaniya ang unan at nasalo niya iyon. Binato niya naman pabalik sa akin ito bago pabagsak na sinara ang pinto. Tamo 'yong babae na 'yon may bahay naman pupunta punta pa rito.

Ipinikit ko ang mga mata ko... Daddy... What am I gonna do? Humiga ako sa kama.

Napakunot noo ako nang may maamoy akong kakaiba. Hindi ko iminulat ang aking mga mata dahil inaantok pa ako. Tinatamad din akong bumangon.

Nagmulat mata ako at naubo. Inilibot ko ang tingin sa silid ko,

"Oh my gosh! Oh my! Oh my!"

Napatayo ako at dali-daling lumabas ng kuwarto. Nagpalinga-linga ako dahil sa parang may nasusunog.

"Help!" Agad kong sigaw. Saan galing ang sunog?!

Napaupo ako sa sulok. Natatakot ako, puno na ng apoy ang paligid. Nakakasuffocate!

Naramdaman ko nalang na may basang towel ang bumalot sa balikat at ulo ko. Hindi ko ito maaninagan pero alam kong lalaki siya.

"Hala! Akala ko na-litson ka na! Bakit ba hindi ka lumabas noong usok pa lang?! G*ga ka tinakot mo ako!" Napaubo ako at pinaningkitan ng mata si Elyza.

Nasa labas kami ng condo ko. May mga staff na rin na nagpatay ng apoy.

"I-ikaw ba? Ikaw ba ang sumunog ng condo ko?"

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Napalunok naman siya.

"Sabi ko naman sayo eh, lumabas ka..."

Nandidilim paningin ko sayo Elyza.

"Pinsan ba talaga kita?" I greeted my teeth.

"Miss towel ko?" Napalingon ako sa lalaking tumapik ng balikat ko. Napakunot noo ako.

It was the boy in the taxi.

"Pahiram muna okay? Babayaran ko nalang-"

"Okay, throw it away. No need to pay me back." At umalis na ito.

The Secret Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon