CHAPTER 31

1 2 4
                                    

Eunice POV

Sinundan ko sila stephen at rhianna pauwi. Nabatid Kong bahay ni rhianna iyon kasi alam ko na ang bahay ni Stephen.

Akalain mo nga naman, magkapit-bahay pa kami?

Nakita 'kong malungkot ang mukha ni stanley kahapon. Nilapitan sya ni rhianna, makalipas ang ilang minuto, ang saya na nya.

Akala ko ba ako lang ang happiness mo?

Kumukyom ang mga kamay ko habang nakikita kong ang sweet nila. Pagkatapos ng ilang minutong paglalandian, umalis na din si Stephen.

Goodluck Rhianna.

Kinuha ko ang phone ko at tinext ko sya. Nakuha ko ang number nya habang nag-uusap sila Xavier at ang Macey ata iyon? Gustong makuha ni Xavier ang number ni rhianna. Napadaan ako ng uwian na non kaya narinig ko ang usapan nila. Nagtago ako sa pader para hindi nila ako makita. Kinuha ko ang phone ko at nagsimula ng makinig sa usapan nila. Nang nakuha kona, ay naglakad ako ng pasimple at dumeretso na sa kotse.

Akalain mo nga naman?

Tinext ko si rhianna.

To: Malanding Rhianna

Ang kapal ng mukha mong hayop ka! Nilalandi mo ung boyfriend ko? Pwes. Mapapasaakin pa din sya.

Nakangising pinasok ko ang phone ko sa bag at umalis.

Mapapasaakin din si Stephen.

Ann POV

Nakita kong umalis na si Stephen at Rhianna . Napansin ko din na sinusundan sila ni eunice.
Kaya't nag-usap kami ni Macey at ang mga kaibigan ko na pasimpleng sundan sila stephen.

"Baka naman patibong ito ate?" Nakangising tanong sa akin ni Macey.

"Anak ng! Bilisan natin, baka kung anong gawin ni eunice sa kapatid ko!" Nagmamadaling sabi ko.

Pumasok na ako sa kotse ko at nauna na.

Ayokong may mangyaring masama sa bunso namin.

Nakita ko sa side mirror ko na sumusunod na sila.

Tss.

Nang nakarating na kami sa subd nila, lumiko ulit ako sa kabilang kanto papunta sa kanila.

Paniguradong hindi kami makikita dito.

Huminto kami malapit kay eunice. Napansin ko ding lumapit na sila macey.

"Anak ng, baka mamaya may gawin itong babaeng to." Bulong sa akin ni Macey.

"Ate, yung kaibigan ko ingatan mo." Dagdag pa nya.

Nakita kong lumapit si may sa gawi ni eunice. Batid kong sisilipin nya kung sino ang katext ni eunice.

Bumalik si May ng gulat ang mukha?

"You look shocked may. Anong nakita mo?" Seryosong tanong ko.

"S-si eunice, katext nya si rhianna. Nakita kong "Rhianna malandi" yung nakalagay sa name." Seryosong sabi nya.

"Anong! Buset yon ha!" Galit na sigaw ni Macey.

"At ang sabi Ang kapal ng mukha mong hayop ka! Nilalandi mo ung boyfriend ko? Pwes. Mapapasaakin pa din sya." Seryosong dagdag nya.

"Paniguradong may gagawing kalokohan si eunice. Kilala ko yon." Seryosong sabi ko.

"Ganito, kung ayaw nyong mangyari ulit yung nangyari sa canteen, bantayan natin sila." Seryosong sabat ni rhie.

"Pasimple lang ba ?" Tanong ni Sam.

"Okay. Oo naman, pasimple lang." Sagot ni macey.

"Tutal madami tayo, dala-dalawa nalang ate." Sabi ni Macey.

"Sige ganito. Kaming dalawa ni Macey, kila Rhianna. Kayong dalawa may at rhie, reserba namin. Ikaw Sam, kay eunice. Taga report ka, okay ?" Sabi ko.

"Okay." Sagot nilang lahat.

"Bukas, magbantay kayo sa parking lot. Kayong tatlo, may, rhie at Sam. Kasi kaming dalawa ni Macey, ihahatid namin sila stephen at rhianna." Sabi ko.

"Magtago lang kayo. Magmasid din kung maaari." Dagdag ni Macey.

"Basta kami ni macey, sasabay sa dalawa. Mag text nalang tayo sa mga updates. Okay?" Sabi ko.

"Okay. " Sagot nilang lahat.

"Kailangang malaman ni rhianna lang ito. Okay?" Tanong ko.

"Bakit si rhianna lang?" Tanong ni Macey.

"Walang tiwala sa atin si Stephen. Kaya kay rhianna nalang." Sagot ko.

"Okay." Sagot nya.

Matapos ang usapan ay nagsi-uwian na kaming lahat.

We need to protect my sister. 

I'm Here Waiting To You (On Going)Where stories live. Discover now