CHAPTER 22

1 2 1
                                    

Rhianna POV

Seryoso. Hindi ako makapaniwala. Yung sakit andito pa din.

Bakit mo nagawa sa akin yon stephen?

Pero may point din sya, nag-aral si eunice ng tatlong taon sa america, pinigilan ni stephen si eunice pero hindi nakinig si eunice.

Siguro, talagang nalimutan na nya na may girlfriend pa sya. Tch!

Umuwi agad ako sa bahay. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha ni stephen.

Nako self, that is coincidence. What the hell of coincidence!

Bakit ba galit na galit ako sa kanya? Eh hindi pa naman kami? Tch! Kailangan kong kalimutan sya, hangga't maaari hanggang kaibigan nalang ang turing ko sa kanya.

Nang nakauwi na ako sa amin, ay naabutan kong nag-aaway sila mom at dad.

Away na naman?  Tch!

Naalala ko yung time na ganyan ang sitwasyon, kay stephen lang ako lumapit.

Tch! I need to forget him! Because she had a girlfriend! Malaking sagabal lang ako sa kanila!

"Bakit ba puro ann nalang ang bunganga mo?! Hindi ka ba nag-aalala kay rhianna? Ree ann naman eh! Anak ko din si rhianna! Kaya sana hangga't maaari, 'wag mong babanggitin ang pangalan ng ANN NA YAN!" SIGAW ni dad.

Anong nangyayari?

Nagtago ako sa labas at sumandal sa pader para makinig.

"Alam ko! Pero anak ko din si ann! " Si mom.

Bakit puro nalang sya ANN? TCH!

"OKAY! FINE! pero wag kang magsisisi na kapag nawala na ang tiwala ni rhianna sa iyo, BAKA IKAW PA ANG LULUHOD SA HARAPAN NYA PARA MAKUHA ULIT ANG TIWALA NYA!" Gigil na sabi ni dad.

What?! Anong ibig nilang sabihin?

" Oo na! Pero kailangan ko ding protektahan si ann!" Sigaw ni mom.

I can't hear that.

Pumasok na ako sa loob ng seryosong mukha.

"A-anak? Kanina ka pa-" hindi pa natapos magsalita si mom ng nagsalita na ako.

"Bakit mom? Bakit? Bakit si ann? Bakit sya nalang? Bakit ako? Bakit ako parang wala kang pake? Bakit mom?" Naluluhang tanong ko.

Sakit e, puro ann nalang! Imbis na ako, ANNNNN ANG NARIRINIG KO!

"Alam kong anak mo din sya mom, pero mas obligasyon mo akong panagutan." Sabi ko at agad na umakyat sa kwarto ko.

Aakyat na sana ako ng pinigilan ako ni mom.

"Anak, alam kong nagseselos-

"Alam mo naman pala eh! Kung alam mo edi sana NA SA AKIN ANG FOCUS MO! " SIGAW KO.

"RHIANNA?! WHY DID YOU DO THAT?" ANGAL ni dad.

"Bakit? Tama naman po ah? Bakit si ann? Ano po ba ako sa inyo?! Ampon!? Walang silbi?! Walang-" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng SINAMPAL AKO NI MOM.

Masakit na nga ang naramdaman ko kanina, pati pa naman ngayon? Buset.

Kusang tumulo na ang mga luha ko.

"S-sorry nak, sorry, hindi ko sinasadya." Nag-aalalang sabi sa akin ni mom.

Tinitigan ko sya ng masama at umakyat na sa kwarto ko.

I'm Here Waiting To You (On Going)Where stories live. Discover now