CHAPTER 03

9 3 3
                                    

KINABUKASAN. Ay agad akong naligo at kumain. Nang matapos na ako kumilos ay agad akong tumawag kay Macey.

"Hello?" Sabi ko.

"Hello? Tapos kana? Papunta palang ako. 'Wag kang aalis sa bahay nyo hanggat hindi ko pa sinasabi ha?"

"Ahh oo. Sige."

"Okay. I'll called you later." Yun lang at ibinaba na nya. Habang naghihintay ako kay Macey ay lumapit si Daddy at Mommy sa akin.

"Oh anak, how's your study yesterday? "Tanong ni daddy sa akin.

"Ah o-okay lan- "hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Mommy.

"No. Your not. I know you Rhianna. So, tell us how are you yesterday? "Pigil na galit na tanong ni mommy sa akin.

"Totoo ba yun Rhianna?" Tanong ni daddy sa akin.

"Ahh kase k-ka-kahapon po ano-"hindi pa natatapos ung sasabihin ko ng biglang may tumawag sa akin.

Si Macey.

"Ahhm mamaya kona lang po sasabihin bye!" Yun lang at nagpaalam na ako. Ng lalabas na akong bahay ay sinagot kona ang tawag ni Macey.

"I'm here." Yun lang at ibinaba na nya.

Eh? Hindi man ako hinintay tumugon? Tsk.

Agad akong lumabas ng subdivision. Natanaw ko na ang sasakyan ni Macey. Bumusina ako na ang sign ay aalis na kami at ako ang nauna. Habang nagbabyahe ay tanaw ko si Macey sa likod ko. Hindi sya masyado nagpapahalata kasi baka may makapansin. Nang nakarating na kami sa school ay agad akong nagparking sa parking lot. Nang bumaba na ako ay tinawag ako ni Macey.

"Rhianna! Tara na. Bilisan na natin at padating na yung pinsan ko. "

Agad na kaming nagtungo sa room. Nang nakarating na kami ay nag-usap kami.

"Mamaya, sumabay ka sa akin rhianna ha? I'm sure na may balak na si ann mamaya." Sabi nya at ngumiti sya sa akin. Mahigit ilang minuto din kaming natahimik dahil wala naman kaming sasabihin sa isa't isa. Kinuha ko ang ballpen at papel sa bag ko. Nang inilapag ko ang ballpen ay agad itong gumulong pababa. Nang nahulog na ito ay kukunin kona sana ngunit sabay pa kami ni stephen na pumulot sa ballpen ko. Nanlaki ang mga mata ko at natulala sandali sa kamay nya na nakapatong na din sa kamay ko. Ni hindi ko namalayan na dumating sya e.

Tsk.

*TUG TUG TUG TUG*

EH? 2nd day class bakit ganito ang pintig ng puso ko? Tsk. Wala lang to rhianna ok? Walang ganun.

Kinuha na nya ang kamay nya na nakapatong sa kamay ko at umupo ng maayos. Ako naman ay kinuha kona din agad ang ballpen ko at naupo ng maayos. Magsasalita pa sana ako pero biglang dumating si Ma'am Salazar at nagsalita agad.

"Okay class naalala nyo yung sinabi-" hindi pa nya natatapos ang sasabihin nya ng may dumating bigla sa room.

"Sorry ma'am I'm late." Mataray na sabi ni Ann.

"Okay. Next time sana hindi na maulit yan. Come in." Nang sinabi ni ma'am iyon ay hindi kona tinignan ulit si Ann. Alam ko namang tatarayan lang ako nun e. Bumaling ang atensyon ko kay Ma'am at nakinig.

"Btw,uulitin ko ang sinabi ko. Yung sinabi ko kahapon na aayusin ko kayo naalala nyo? Kung ganun ay tumayo na kayo agad at dalhin nyo ang gamit nyo. Lumabas kayo sa corridor para. Kapag tinawag ko kayo, pumasok kayo at umupo kayo sa ituturo kong upuan. Okay? Go ahead! "

I'm Here Waiting To You (On Going)Where stories live. Discover now