CHAPTER 16

7 1 0
                                    

Xavier POV

Pumunta ako ng park dahil malungkot ako. Oo, malungkot ako kasi may namimiss akong tao.

Si rhianna.

Hindi ko alam kung bakit. Pero simula ng first day ko sa school, hindi ko akalain na may makakatabi akong maganda at mabait katulad nya. Nung time na iyon, habang naglelesson ang mga teachers namin, tinititigan ko sya. Mukhang hindi nya nahahalata kasi focus sya sa nagtuturo. Nung time den na magpapakilala na sya, nainis ako nun kasi hindi ko alam na may boyfriend na sya. Aaminin ko, may gusto na agad ako kay rhianna. Ewan bigla nalang ako nagkagusto simula nung nakita ko sya. ( Love at first sight ) ang tawag dun.

Pumunta ako ng park dahil sabi nila, kapag malungkot ang taong mahal mo, dalhin mo sya sa lugar na iyon. (Sa park). Eh wala naman akong girlfriend. Edi pumunta nalang ako doon mag-isa. Nung nakarating na ako, syempre nagulat ako. Sa totoo lang ang baduy kasi halos lahat ng tao doon, puro couple.

Aksidente kong nakita sila stephen at rhianna. Nagyayakapan sila sa gilid ng kotse nila. Parang bigla nalang tinusok ang puso ko sa nakita ko. Nakita kong malungkot si rhianna, pero nung niyakap sya ni stephen, namula sya at ngumiti.

Siguro, kung walang kayo, ako ang kayakap mo ngayon.

Nakita kong aalis na sila patungo sa loob ng park kaya't sinundan ko sila ng pasimple. Habang naglalakad ako ay nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Nakita kong nag-uusap din sila. Nakita ko din na namamangha si rhianna. Nakita ko ding niyakap nya si stephen. Nakita ko ding hinawakan nya ang kamay ni stephen.

Ano ba xavier? Mag bf/gf sila kay normal lang iyon.

Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko. Nasasaktan ako ng sobra. Kaya humiwalay na ako sa kanila. Pumunta ako sa restaurant at kakain. Nang nakapasok na ako ay naghanap agad ako ng bakanteng upuan. Masyadong marami ang mga tao ngayon. Nang may nahanap na ako ay agad akong nagtungo doon. Tatlo ang upuan na bakante. Umupo ako sa harap at nakatalikod ako sa entrance. Nag-order lang ako ng kakaunti. Habang inaantay ang order ko ay naalala ko ang magandang mukha ni rhianna. Nalulungkot ako kasi hindi ko man lang nahawakan ang kamay nya. Medyo matagal ding makarating ang order ko sa sobrang dami ng tao. Habang inaantay, natulala lang ako sa lamesa. Hindi ko namalayan na may tao na sa harapan ko. Hindi ko sila pinansin kasi tulala ako. Pero nung hindi ko inaasahan kung sino ang narinig ko ay bigla kong iniangat ang ulo ko.

Rhianna ko.

" May inaantay kaba dito xavier?" Tanong sa akin ni rhianna. Nakita kong nakahawak kamay sila ni stephen. Hindi ko pinahalata na naiinis ako.

Meron. At ikaw yon rhianna.

" Oh rhianna and stephen, andito din pala kayo. Kung may inaantay man ako ay ung order ko lang." Nakangiting sabi ko sa  kanila.

Nakita kong tinitigan ako ni stephen ng masama. Pero binalewala ko lang iyon.

"Pwede na kayong umupo." Nakangising sabi ko sa kanila.

Tinitigan ulit ako ng masama ni stephen. Inilalayan nya si rhianna na maupo. Nang nakaupo na sila ay may lumapit sa kanila na babae at binigay ang order list. Tinignan ni stephen si rhianna at ibinigay sa kanya ang order list.

"Alin gusto mo love?" Tanong ni stephen kay rhianna.

Tss.

"Tch. Love amputek." Bulong ko.

Tinitigan ako ng masama ni stephen.

"Siguro eto nalang, sa iyo love? Alin sa iyo?" Tanong ni rhianna kay stephen.

I'm Here Waiting To You (On Going)Where stories live. Discover now