CHAPTER 02

9 3 1
                                    

Nang uwian na ay sinunod ko ulit ang sinabi ni macey. Sabay kaming pumunta ng parking lot. Bago pa man ako makasakay ng kotse ay tinawag nya muli ako.

"Rhianna! Mamaya, mauuna ka ha? Tapos susunod ako sa iyo. Ibigay mo muna sa akin ang number mo, para matawagan kita kapag nakita kong nasa panganib kana. "Nag-aalalalang sabi ni macey.

"Sige. 09*******89. "Sagot ko.

"Sige. Magtetext ako sa iyo. I-save mo ang number ko ha? Sige na mauna ka na baka maabutan pa tayo dito ni Ann." Sabi ni Macey sa akin.

"Sige. Ingat ka." Sabi ko.

Pagkatapos namin mag-usap ay agad akong sumakay ng kotse ko. Papaandarin ko na sana ang kotse ko ng may natanggap akong text. Tinignan ko agad iyon.

From: 09*******76

Bilisan mo na rhianna, dahil palabas na sila Ann. Mag-iingat ka ha? Susunod ako sa iyo.

- Macey

Nang natanggap ko na ang text nya ay agad akong tumugon. Sinave ko agad ang number nya. Pagkatapos nun ay umalis na ako para umuwi sa bahay. Habang nagbabyahe ako ay matagal lang ako magpatakbo. Hindi ko pa nakikita si macey. Habang naghihintay ako ay biglang may tumawag sa cellphone ko.

Si Macey.

Sinagot ko yung tawag nya.

"Hello? "

"Hello Rhianna!"

"Oh? Nasan kana?"

"Andito sumusunod sa iyo. Kanina narinig ko sila Ann na ipinasunod ka. Kailangan mo ng bilisan umuwi. Nasaan kana ba? Malapit ka na ba sa bahay nyo? "Nag-aalalang tanong nya.

Grabe talaga to si Ann. Tsk.

"Malapit na ako sa bahay. Sige binibilisan ko na din." Sagot ko.

"Sige. Andito lang ako sumusunod sa iyo. Sige na." Sagot nya.

"Papasok na ako sa subdivision namin. Sige na bye na. "Sabi ko.

"Sige."Yun lang at ibinaba na nya agad. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagparking.

"Andito na po ako!" Sigaw ko habang naghuhubad ng sapatos.

Pagkatapos ko maghubad ay agad kong natanaw si Mommy na papunta na sa gawi ko.

"Hello Mom! "Pagkasabi ko ay agad akong nagmano kay mommy.

"How's your study?" Masayang tanong ni Mommy sa akin.

Sasabihin ko ba yung kay Ann? Tsk. 'Wag nalang.

"Ahh M-Mabuti N-naman p-po." Pagsisinungaling ko.

"Eh bakit nauutal ka? "

O_O

"AHH nagugutom na po kasi ako e. Ahm akyat na po ako mom, magbibihis po muna ako." Nagmamadaling sabi ko kay mommy.  Nang naka-akyat na ako ay agad akong tumawag kay Macey.

"Hello? "

"Hello? Naka-uwi ka naba?"

"Ahm oo. Ikaw?"

"Oo. Buti nalang at hindi tayo naabutan ni Ann. Bukas ganun ulit ha?"

"Ahh buti naman. Oo. Sige. Thank you Macey. "

"Your welcome. Sige na at kakain na ako."

"Ahh okay sige bye. "

Tooooot....

Binaba ko na.

Nang matapos kami mag-usap ay agad akong naligo at nagbihis. Bababa na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Nagtext si Macey.

From: Macey
Bukas sa pagpasok, pupuntahan kita sa labas ng subd nyo. Sabay ulit tayo.

From: Me
Oh sige. Mga ano oras ba?

From: Macey

Mga 5:30AM. Yun lang. Tatawag ako kapag andun na ako. 'Wag kang pupunta sa school ng hindi ako kasabay.

From: Me
Okay. Thank you.

Hindi na sya muli nagreply pa. Pagkatapos naming mag-usap sa text ay agad akong bumaba para kumain. Nadatnan ko na din si daddy patungo sa kanyang kwarto. Nagmano din ako sa kanya at agad na akong dumeretso sa kusina. Si Mommy lang ulit ang kumakain doon . Habang kumakain ay tahimik kaming dalawa. Nang matapos na akong kumain ay agad na akong nagpaalam kay Mommy na aakyat na para matulog. Dahil may usapan kami ni Macey na maaga kami magkikita bukas. Nang nasa kwarto na ako ay nagsipilyo muna ako. Nang matapos na ako ay agad na akong humiga at natulog.

Pero bago pa man ako natulog ay naalala ko yung mga nangyari kanina.

Goodluck bukas.


To be continued.

I'm Here Waiting To You (On Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang