PROLOGUE

32 3 2
                                    

May isang eskwelahan na kilalang-kilala sa lugar namin. Doon nako mag-aaral sa taong ito. Dahil noon pa 'man ay hinahangad ko na maka-aral sa sikat na eskwelahan.
Sa sobrang pananabik, ay hindi na ako nakatulog ng gabing iyon. Nang sumapit na ang oras na pinakahihintay ko, agad akong bumangon para maligo. Habang naliligo ako, hindi mawala ang aking pananabik. Iniisip ko kung ano kaya ang pakiramdam na nag-aaral sa sikat na eskwelahan. Nang matapos na ako maligo ay agad akong nagbihis. Hindi talaga mawala ang aking pananabik. Nang matapos na ako magbihis ay dumeretso na ako sa hapag-kainan para mag-almusal. Naabutan ko din sila mommy at daddy na nagkukwentuhan. Nang matapos silang magkwentuhan ay agad akong tinanong ni daddy.

"How's your feeling anak?" Masayang tanong ni daddy sa akin.

"I'm good dad. Thank you for your sustain dad." Masayang tugon ko kay dad.

Pumayag si daddy na mag-aral ako sa ' MIS ' o mas kilalang MANILA INTERNATIONAL SCHOOL.
Lagi kong sinasabi sa kanila na gusto kong mag-aral sa sikat na school. Tinapos ko ang anim na taon ko sa elementarya. Noon pa man ay hangad ko na talagang makapag-aral sa MIS. Ngayong high school na ako, ay natupad na ang pinakahihiling ko. Laking pasasalamat ko kila Daddy at Mommy na pumayag sila na makapag- aral ako sa MIS.
Nang umalis na si daddy ay kami nalang naiwan ni mommy sa kusina.

"Oh anak, pinagbigyan ka namin ni daddy mo na makapag-aral sa MIS, sana ay maging maayos ang pag-aaral mo. "Paliwanag ni mommy sa akin.

"Yes mom. I hope also mom." Sagot ko kay mommy.

Nang matapos na ako kumain ay nagpaalam na ako kay mommy na umalis para pumunta sa MIS. Pero bago pa ako makasakay ng kotse ay tinawag nya muna ako.

"Anak, mag-aral ng mabuti ha? Mag-iingat ka. "

"Yes mom. I will." Sagot ko kay mommy. Agad akong lumapit kay mommy para yumakap at humalik. Nagpaalam na ako kay mommy na aalis. Habang nagmamaneho ako ay may natanggap akong text. Hindi ko muna tinignan 'yon, dahil nagmamaneho ako at ayaw ko ring mahuli sa klase dahil first day. Nang nakarating na ako ay agad kong ipinark ang kotse ko sa parking lot. Bago ako bumaba ay kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung sino ang nag text.

Bukod kay mommy at daddy, wala ng iba pang nagte text sa akin. So i think na isa sa kanila ang nagtext.

Tumpak! Tama ako. Si mommy ang nagtext sa akin. Binasa ko ang nilalaman ng text at agad akong napangiti.

From: Mommy
Anak, nakarating kana ba sa school mo? Kung oo, magreply ka ha? Mag-aral ng mabuti. I love you.

Napangiti ako sa sinabi ni mommy, kaya nagreply ako agad.

To: Mommy
Hello my beautiful Mother, I'm here na mom. Thank you for your concered mom. I love you too.

Nang nasend ko na ang reply ko kay mommy ay bigla kong niyakap ang cellphone ko. Nakangiti ako at nakapikit habang yakap ko ang cellphone.
Nang naidilat ko na ang aking mga mata ay tinago ko ang cellphone ko sa bag ko, at bumaba na ng kotse.
Habang papasok na ako sa school ay hindi ko mapigilan ang pananabik. Hinanap ko agad yung room ko at dumeretso na ako pumasok. Nang nakapasok na ako ay madami na sila sa loob at tahimik. Wala pa ang adviser namin. Nakita ko ang isang bakanteng upuan sa likod kaya doon nalang ako umupo.

Mukhang nahuli na ako ha? Sabi ko sa isip ko.

Tinignan ko ang relo ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

7:15am na pala. 15 minutes na akong late?

Biglang pumasok ang babae na maputi, maikli ang buhok at chinita. Dumeretso sya sa table ng teacher at inilagay ang mga gamit nya.

Adviser na namin yan? Mukhang mabait. Sabi ko sa isip ko.

Nang inilagay na nya ang mga gamit nya sa table nya ay agad syang nagsalita.

Authors note: Bukas po ang update. Thank you!

To be continued.

I'm Here Waiting To You (On Going)Where stories live. Discover now