Chapter 18: Touched by Wonder

Start from the beginning
                                    

I should've grabbed her hand before she walked away from me.

Nag-usap pa sina Mama at si Erlie sa hapagkainan pagkatapos kong madaliin ang pagtapos ng pagkain ko. Alam kong walang magagawa itong paga-alala ko kay Chord pero hindi ko parin kasi maiwasang maapektuhan at mag-isip. Chord said it herself that her suicidal tendencies are hard to control, and the fact that she might hurt herself already bothers me. Ngayon pa kayang maaring may contribution ako sa kung anumang maari niyang gawin?

Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko at tumitig ulit kay Miracle. Nakasandal ito sa headboard at bahagyang nakatingin sa direksyon ko. Bumusangot ako.

"Miracle...." Tawag ko sa kaniya habang mabigat ang mga paa na naglakad patungong kama. Lumundag ako rito at niyakap agad si Miracle.

"Ano nang gagawin ko, Miracle?" Tanong ko at tinitigan siya, "Diba sabi ko pagbalik ko dapat may sagot ka na? Tulungan mo ko, Miracle!" Bulalas ko.

Sa kalagitnaan ng pagdadrama ko ay may biglang nag-vibrate sa bandang tiyan ko. Napuno ako ng pagtataka at napabitaw kay Miracle.

Ano 'yun?

Nang lumingon ako pababa ay tsaka ko lang naalala na iniligay ko nga pala sa hita ni Miracle ang phone ko. Kinuha ko ito at binuksan. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit 'to nag-vibrate?

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang notification sa messenger.

Galing kay Chord.

Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang pinindot ang message niya.

Ang dami pala.

Chord:

Hey

Eindreid

Hey

Maybe you're busy.

I'm just going to flood you then.

Wala ka naman dito para makatanggi.

Wow, she still has her usual zing. Pero nakakakaba naman basahin 'yung mga susunod niyang sasabihin. Hindi ko alam kung handa nga ba akong marinig ang mga 'yon at kung paano ko 'yon sasagutin.

Sa hindi malamang dahilan, biglang bumagsak sa akin si Miracle. Napairap ako at isinadal ulit siya sa headboard.

"Ito na nga, ito na nga. Babasahin ko na." Saad ko at nag-scroll na pababa

Chord:

Sorry kung nabigla kita sa naging reaksyon ko.

Siguro hindi mo rin akalain na gano'n ang ire-react ko since hindi pa naman tayo gano'n katagal magkakilala.

"No Chord." Saad ko, "Kahit ilang buwan palang tayo naagkakasama, enough na sa akin 'yon para makita ko na importante rin ikaw sa'kin."

Napabuntong hininga ako. I really hate settling matters in chat. Hindi ko siya magawang sagutin para mawala na 'yung sama ng loob niya. Nagpatuloy ako sa pagbabasa.

Chord:

*Sighs*

I'm really sorry you need to see that.

Me, breaking down.

I'm also sorry if it made you awful.

O baka naga-assume lang ako.

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now