Chapter 3

260 9 1
                                    

CHAPTER 3

"Inayos ko na ang gamit mo, apo." sabi ni Lola habang nagmamadali akong nag to-toothbrush dahil anong oras na ako nagising. "Nasa bag mo na din ang baon mo." tango lang ang sagot ko dahil nagmumumog na ako. Agad akong nagpunas ng mukha at inayos ang uniforme ko tsaka sinuot ang I.D. Nang maayos na ako ay agad akong nag-paalam kay Lola at dali-daling umalis.

Pumara na ako ng jeep at buti na lang ay hindi traffic papuntang school ngayon. Nang makababa na ako ay lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa maka-rating ako sa school. Naabutan kong naka-pila na ang mga panghapon na estudyante kaya agad akong nakapila sa pwesto nila Nancy.

"Oh, akala ko hindi ka na papasok." bungad niya sa akin.

"Na-late ako, buti na lang hindi pa kayo pinapasok." sagot ko.

"Oo kasi inaantay pang lumabas ang mga pang umaga." sagot ni Nancy na tinanguan ko.

Araw araw ang mga PM Session students ay mag aantay sa covered court hanggang sa mag-uwian ang mga AM Session students. Paraan ito para hindi magulo ang mga estudyante.

"Bakit naka-lugay ang buhok mo?" nagulat ako ng marinig ang boses ni Sir Michael.

"S-Sir! Nagmamadali kasi ako." sagot ko habang tinatalian ang buhok ko. Sir Michael was my grade seven adviser at ayaw na ayaw niyang nakalugay ang buhok ko. Mukha daw akong bruha.

"Ayan, palagi kang magpupusod ng buhok mo para nagmumukha kang babae." sabi niya at naglakad na para tignan ang mga estudyanteng hindi tama ang gupit at may mga extrang hikaw tsaka make up.

Ganon palagi ang araw araw naming mga PM Session dito sa Maharlika. Bago kami pumasok ng room ay i-check ang mga estudyante kung sumusunod sa mga rules. Una na diyan ang tamang gupit at tamang pagsusuot ng uniform. Ang iba kasi minsan ang naka-P.E kahit monday na monday.

"Magsi-ayos kayo!" nagulat kami ng marinig ang boses ni Sir Gonzales. Bukod kay Sir Michael, si Gonzales din ang namamahala sa pagpapa-pila sa amin. Sa kanya kami takot dahil nakakatakot ito magalit. Ang ayaw na ayaw niya ang mga naka-make up. "Ilang beses ko ng sinasabi sa inyo na bawal ang kahit anong klase ng make up dito sa school!" pagpapatuloy niya.

Narinig ko ang usapan nila Nancy sa likod ko.

"Nako, ang daming nakumpis na liptint at eyeliner sa mga babae. Lalo na yung sa mga grade nine." sabi ni Nancy kay Rhea. Si Rhea ang kaibigan niya mula sa section Mabini.

"Yung isa nga isang set ata ng make up ang dala, ayun! Ubos lahat." sabi ni Rhea. Napatuloy pa ang pag-uusap nila hanggang sa unti-unti na kaming pinapunta sa classroom namin.

Puno ng ingay ang paglalakad namin sa hallway paakyat ng second floor. Nakasalubong namin ang pababang sina Neil kasama si Renato at Luis.

"Hi, Annie!" bati ni Neil sa akin pero ngiti lang ang sinagot ko. Simula ng maghiwalay sila ni Yanzee ay hindi ko na siya masyadong kinakausap.

Nakarating kami sa classroom at naabutan kong nagsisimula sa manila paper si Jessy, mukhang siya ang mag rereport ngayon sa Filipino. Lumapit ako sa kanya.

"Busy yan?" asar ko sa kanya dahil halata sa kanya na nagagahol na siya.

"Kailangan ko ng bilisan bago dumating si Sir Johnsons. Jusko dai!" sagot niya habang nagsusulat. I tapped his shoulder.

"Kaya mo 'yan, Jess." sabi ko at bumalik na sa upuan ko. Tumingin ako sa katabi ko na busy din sa pagbabasa ng notes.

"May report ka din mamaya?" tanong ko kay Dashiel. Umiling ito.

"Nah, nag-aadvance reading ako para makasagot mamaya." sagot niya sa akin.

"Grabehan na 'yan, Dashiel. Hahahaha." sagot ko. Ngumiti lang siya at tumuloy sa pagbabasa. Unti-unti ng nagdadatingan ang iba naming kaklase at napuno na ng ingay ang classroom namin.

"Oy, Kathleen! Nag ambag na kami sayo ah!" dinig kong sabi ni Al.

"Oo na! Paulit ulit ka! Kahapon ka pa, leche!" inis na sigaw ni Kathleen.

"Oh, Kathleen ambag ko. Wag nang iiyak ah." sabi naman Nico at inabot ang bayad.

"Buti naman." sagot ni Kathleen. Maya-maya ay pumasok si Clyde ng classroom bitbit ang flat screen tv ni Sir Johnsons. Nag flashback naman kaagad ang nangyari sa jeep kagabi.

Hayop na Clyde 'to! Naka-libre ng pamasahe kagabi.

Nahuli niyang naka-tingin ako sa kanya ng masama. Ngumisi ito na parang nang-aasar pero hindi ko inalis ang sama ng tingin ko sa kanya hanggang sa maka-upo siya sa upuan niya na katapat lang ng row ko.

Kumuha ako ng papel at nagsulat ko doon. Nang masulat ko na ang sasabihin ko ay binato ko iyon sa ulo ni Clyde. Napatingin naman siya sa akin at sa naka-crumpled na papel na binato ko. Kinuha niya iyon tsaka binasa ang naka-sulat doon.

'Bayaran mo yung pinamasahe mo kagabi! ://'

Ayan ang sinulat ko sa papel. Nang, mabasa niya ang tumingin siya sa akin. He mouthed.

'Asa ka.' and stick-out his tongue.

Ang kapal ng mukha!

Inis akong umayos ng upo ng makitang paparating na si Sir Johnsons.

"Anong kakainin natin ngayon?" tanong ni Finn habang pababa kami.

"May maling ata sila ngayon. Mag maling tayo!" sagot ni Nancy.

"Okay, maling here we go!" sabi ni Amiel.

Papunta na kaming canteen ngayon para mag recess napagkasunduan namin na kumain ng sabay sabay, ako, si Finn, Amiel, Simon, Nancy, Dashiel at Clyde.

Nang makarating kami sa canteen ay naabutan namin sina Janice sa isang lamesa na masaya at maingay na kumakain.

"Hi, Ma'am Cortez!" magiliw na bati ni Nancy kay Ma'am Cortez na nagtitinda sa canteen. Ma'am Cortez is the who manage our school canteen.

"Hello sayo Nancy." sagot ni Ma'am Cortez.

"Pitong mali at kanin po ang sa amin." sabi ni Finn. Tumingin naman siya sa amin. "Kayo na bahala sa mga iinumin niyo." at naunang pumili ng iinumin niya. Akmang pipili na din ako ng maramdam kong may yumakap sa likod ko nang lingunin ko ay si Yanzee.

"Oh, baket?" tanong ko dito. Umiling naman siya.

"Wala lang. Hihi." sagot niya at naka-yakap pa din habang hawak nito ang zesto. Abnormal talaga 'to paminsan-minsan.

"Ewan ko sayo, Yanzee." sabi ko sa kanya.

"Annie, kunin mo na yung pagkain mo." sabi ni Simon sa akin. Tumango naman ako at kinuha ang pagkain ko tsaka ako sumunod sa kanila habang si Yanzee at naka-buntot pa din sa akin.

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Yanzee ng maka-upo ako. Tumango naman siya at sumipsip sa zesto niya.

"Inaantay ko na lang matapos sina Mae na kumain." sagot niya sa akin. Tumango naman ako at nagsimulang kumain tsaka ko lang napansin na wala akong akong inumin. Akmang tatayo ako lara bumili ng may naglagay ng mineral water at ice cream sa gilid ko.

Napatingin ako kay Clyde na ngayon ay naka-upo na sa tapat ko. Tahimik lang din naka-masid sa amin ang kasama namin. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Maya-maya ay nagpaalam na si Yanzee dahil tapos ng kumain ang mga kasama niya.

Unti-unti kaming natapos kumain at nagsimula ng mag kwentuhan.

"Teka, may naamoy ako." sabi ni Amiel at sumisingot-singot pa.

"Ako nga din eh." dagdag ni Finn na kinakamot ang ilong.

"Amoy balikan, guys." sabi ni Nancy na nagpatigil sa akin sa pag-inom.

"Tumigil nga kayo." sabi ko sa kanila. Natawa naman sila sa sinabi ko.

"Sige, kunwari hindi namin nakita yung abutan ng tubig at ice cream. Kami na ang mag-aadjust." sabi ni Simon. Napailing na lang ako hinayaan na sila. Bumaling ako kay Clyde na naka-tingin din sa akin.

Hindi ko inalis ang titig niya sa akin. Pilit ko siyang binabasa sa pamamagitan ng pagtingin sa mata niya.

What do you want to happened, Clyde Ark Lopez?

- Madam L.

Section Series #1 - Ex Where stories live. Discover now