Chapter 2

300 9 0
                                    

CHAPTER 2

"Nandiyan na si Ma'am Rivamonte!" dinig kong sigaw ni Ed at mabilis na bumalik sa upuan. Ganun din ang ginawa namin. Nanatili kaming naka-upo ng maka-pasok si Ma'am.

"Malinis ba ang classroom niyo, Kathleen?" tanong ni Ma'am sa president namin. Tumango naman si Kathleen.

"Yes, Ma'am." sagot naman niya.

"Good. Magkano ang nakolekta mo para sa mga costumes ng sasali sa nutrition month?" tanong uli ni Ma'am habang kami ay tahimik na nakikinig sa upuan nila.

"Heto po ang nakolekta, Ma'am. Hindi pa lahat nakakapag bigay pero medyo malaki na din." sagot ni Kathleen. Nagpatuloy sa pag uusap at pagkwentahan ng mga ambag sina Kathleen.

"Sino ang gagawa ng props at costume?" tanong ulit ni Ma'am. Nakita kong nagtaas ng kamay si Simon.

"Kami na po ang gagawa ng props ng mga sasayaw at costume ni Calle." sabi ni Simon. "Si Amiel po ang gagawa sa costume samantalang kami po nila Finn, Clyde at Ella ang sa mga props."

"Very good, Simon. Maasahan ka talaga." sagot ni Ma'am Rivamonte at nag-thumbs up kay Simon.

"Thank you, Ma'am." sagot niya.

"Calle, kailan ang rehearsal niyo?" si Calle naman ang tinanong ni Ma'am.

"By next week na po, Ma'am." sagot naman ni Calle. "But this friday, may meeting po kami and photoshoot na din po."

"Okay." sagot ni Ma'am at bumaling kay Amiel. "Once na maibigay na kay Calle ang theme ng event simula niyo na ang costume niya." tumango naman si Amiel.

"Yes, Ma'am."

"And, Kathleen. Magfofocus ka sa mga kaklase mong hindi kasali nutri-jingel. Habang nag prapractice sila babantayan mo sila." tumango din si Kathleen.

"Yes, Ma'am."

"Magtutulungan tayo para ma-achieve natin ang inaasam natin. Maliwanag ba?" tanong ni Ma'am Rivamonte sa amin.

"Opo, Ma'am." we answered in unison. She smiled.

"Good. Napag-usapan na natin ang sa event ngayon naman ay ilabas niyo ang activity notebook sa english." sabi ni Ma'am. "And open your books to page 23..." dumako na kami sa lesson namin at tahimik kaming nakikinig sa lecture. Maya maya lang ay nag bell na, uwian na, yes!

Bago kami lumabas ay inayos muna namin ang upuan ay nagpulot ng kalat. Lumabas na ang iba naming kaklase samantalang naiwan kami nila Kathleen para isarado ang bintana at pinto.

Nang masara na ang lahat bumaba na kami at nakita naming nag iintay si Yanzee, Janice at Yesha sa bleacher sa tapat ng building namin. Agad lumapit si Finn sa kanila at nagpaalam na mauunang umuwi.

Lumabas na kami ng school at nagpaalam sa isa't isa bago maghiwalay ng landas sa paglalakad. Tinahak ko ang daan papunta sa sakayan.

Nang makarating ako ay pumara ako ng jeep at sumakay. Pagka-upo ko ay siyang sakay din ni Clyde ng jeep at kapag minamalas ka nga naman, wala ng bakanteng upuan kundi ang sa tabi ko.

Kumuha ako ng pera sa wallet na nasa bag ko at inabot iyon sa nasa unahang pasahero.

"Bayad po. Isang Banga po." sabi ko. Aabutin na sana iyon ng katapat ko ng kinuha iyon ni Clyde at siya ang nag abot.

"Bayad po. Dalawa po 'yan. Isang Banga at isang Meycauayan." sabi niya na kinagulat ko.

Ang kapal ng mukha!

"Hoy, bayad ko yan." sabi ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at inabot ang sukli ko tsaka ito ibinigay sa akin.

"Thank you sa pamasahe." sagot niya at kumindat.

"Tang'na mo." bulong ko. Padabog kong binalik ang sukli sa wallet ko at kinalkal ang bag ko para kunin ang earphone pero kamalasmalasan talaga hindi ko pa nadala.

Kasalukuyan kaming nasa biyahe at ako ay nakatulala lang at tinitignan ang dinadaanan namin. Maya-maya ay naramdaman kong sinuot ni Clyde ang isang earphone niya sa tainga ko.

And I will take you in my arms
And hold you right were you belong
'Till the day my life is through this I promise you...

Napatitig ako sa kanya nang marinig ang kantang pinapakinggan niya. Nakatingin lang din siya sa akin at ngumiti ng maliit tsaka bumaling ulit sa cellphone niya.

Hinayaan ko lang ang earphone sa tainga ko at tahimik na nakikinig. Nang makitang kong malapit na ako ay inalis ko na ang earphone niya tsaka nagsabi ng 'para'. Nang huminto ang jeep ay dali-dali akong bumaba at napahawak sa dibdib ko habang naglalakad.

"Hindi 'to pwede, hindi ito pwede." I mumbled at ramdam ko pa din ang bilis ng tibok ng puso ko. "Sana hindi na maulit yon."

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bahay. Naabutan ko si Lola na nanood ng tv. Agad akong lumapit at nagmano sa kanya.

"Oh, apo. Kumain ka na para magkapag pahinga ka na." sabi ni Lola.

"Opo. Magpapalit lang po ako ng damit, La." sagot ko at dali-daling umakyat sa kwarto at nagpalit ng damit tsaka bumaba ng kusina para maghapunan.

"Kumain ka na ba, La?" tanong ko kay Lola habang naghahain ng pagkain.

"Kumain na ako, Annie. Sige na, kumain ka na." sagot niya. Hindi na ako sumagot. Nang makapaghain ako ay agad akong kumain ng tahimik tsaka nag hugas nang matapos ako.

"Lola, anong oras na magpahinga na po kayo." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at pinatay ang tv.

"Oh, siya. Magpapahinga na ako. Isarado mo lahat ng bintana at pinto ah. Huwag ka ng magpapasok nang kung sino sino." bilin niya sa akin.

"Oho, Lola." sagot ko at sinamahan siyang maka-punta sa kwarto. Nang makahiga siya at kinumutan ko ito.

"Goodnight, La."

"Goodnight, Annie."

I smiled. Pinatay ko na ang ilaw at lumabas ng kwarto. Bumaba ako ulit para i-lock ang pinto at bintana. Nang masiguradong lock na ang lahat at pumanik na ako sa kwarto ko.

Dahil maaga pa ay napagdesisyonan kong mag open ng facebook. Tumambad sa akin ang mga messages sa gc namin.

10- Antonio Luna (S.Y 2020-2021)

President K.: Uulitin ko sa mga hindi pa nakakapagbigay para sa ambagan. Magbigay kayo. May plus kayo sa T.L.E. Hahahahahahaha.

Lira Ganda: Panget mo @President K. Hahahahahahaha.

Amiel Sexyganda hshs: Trully ka diyan @Lira Ganda.

V-Pres niyong pogi😎: @Amiel Sexyganda hshs bakit naman ganyan nickname m4o3?

Amiel Sexyganda hshs: Waleychi ka pakealams.

*A contact left the group*

V-Pres niyong pogi😎: Bakit ka nag-left Clyden?! Sumagot ka!😭

Napailing na lang ako sa kabaliwan ni Finn. Sa school man o sa chat, baliw pa din. Parehas sila ni Yanzee.

Pinatay ko na ang data ko at nagpasiya ng matulog pero hindi ko magawa dahil pumapasok sa isip ko ang nangyari kanina sa jeep. Piste!

- Madam L.

Section Series #1 - Ex Where stories live. Discover now