Chapter 22

77 4 0
                                    

CHAPTER 22

"Annie, bakit hindi ka pa nagbibihis? Mag hahapunan na tayo." sabi ni Lola sa akin ng maka-pasok siya sa kwarto ko.

Nakahawak ako sa cellphone ko ay inaantay na mag chat si Clyde. Hindi kami nag sabay kanina sa recess at uwian, sa classroom naman ay hindi niya ako kinikibo. Kaya nag chat ako kay Clyde nang maka uwi ako.

"Nagpapahinga lang po ako saglit, La" sabi ko kay Lola. Napansin niyo naman na hawak ko pa rin ang cellphone ko at panay ang sulyap dito.

"May problema ba, apo?" tanong ulit niya. Umiling naman at ngumiti.

"Wala ho, La." sagot ko. "Mag bihis lang po ako at bababa na rin ho ako."

"Oh sige, mag hahain na ako sa lamesa. Bumili rin pala ako sa kapitbahay natin ng paborito mong leche plan." sabi ni Lola na nagpangiti sa akin.

"Salamat po, Lola." sabi ko sa kanya.

"Oh siya siya. Sige na, mag bihis ka na. Bababa na ako." paalam ni Lola bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

I look at my phone again.

To: Babe

Clyde, are u still angry at me? Im sorry, babe:(

To: Babe

Jgh, babe. Naka uwi ka na ba? Ingat ka. I love you. Sorry na.

To: Babe

Babe, Clyde please mag reply ka na oh. Nakauwi ka na ba? Please, text me back. Love you.

...and so many messages na hindi niya pa rin ni-rereplyan. Before I change my clothes, I decide to chat Antonette if he's got home.

Nakababa na ako nang maka-receive ako ng reply kay Antonette.

Frm: Antonette

Hello po, Ate Annie. Hindi pa po nakaka uwi si kuya pero nag paalam daw po siya kay mama na may pupuntahan muna saglit:)

To: Antonette

Ganon ba? Sige. Salamat, Antonette.

Saan naman nag punta si Clyde? Tinapos ko nang tahimik ang hapunan at nag ligpit na rin bago ako umakyat sa kwarto.

I tried to call Clyde but he didn't answer. Pinaulanan ko siya ng mga text messages pero ni-isang reply wala akong natanggap and its starting to piss me off!

I texted our friends kung alam nila kung nasaan si Clyde and their answers are same. Hindi nila alam. My tears are starting to fall because of frustration.

Gusto kong mag paliwanag. I want to fix this but Clyde didn't let me. He's ignoring me. Paano ko maayos 'to? Paano ko ma-eexplain ang side ko? He judged me too fast without hearing my explanation!

I waited to his reply until I fell asleep. Late akong nagising dahil anong oras na akong nakatulog kagabi. When I open my phone, still no messages from him. Agad na akong nag asikaso para pumasok.

Nakarating ako sa school ng 12PM kaya hindi naman ako masyadong na-late. Pumila na agad ako ng makapasok ako ng school. Si Clyde agad hinanap ng mata ko ng maka-pila ako.

"Sino sinusulyap mo diyan?" tanong ni Nancy na ginagaya ang pag tingin ko sa pila ng mga lalaki.

"Hinahanap ko si Clyde." sabi ko.

"Sa room mo na lang hanapin, mars! Umuusad na yung pila oh." sabi niya sa akin at sapilitan na hinarap ang ulo ko sa harap.

Umusad na ang pila namin at nang makarating sa classroom ay agad kong hinahanap si Clyde. Pero nakapasok na ang lahat ng mga kaklase namin ay wala pa rin.

Section Series #1 - Ex Where stories live. Discover now