Prologue

15 0 0
                                    

Prologue

Nababalot ng lamig at katahimikan ang gubat na pinaglalakbayan ng Pamilya Aduana. Nais nilang makarating sa Bayan ng San Pedro kung saan naghihintay ang bago nilang tirahan. Linakbay ng pamilya ang hindi naman gaanong kasukal na Gubat papunta sa Bayan. Tumigil muna sila upang magpahinga. Ani ng Padre de pamilya, mahirap maglakbay kapag gabi dahil hindi makikita ng maayos ng mga mata ang daan.

"Ina! Ina!" sigaw ng isang batang babae na tinatawag ang kanyang ina na tinutulungan ang ama ng bata sa pagluluto sa kahoy. Lumapit naman ang ina sa bata. Nakita niyang sabik na sabik ito. "Ina, pagmasdan mo ang mga nagliliwanag at nagsisikumislap na bagay na nasa langit, kay ganda nilang titigan." sabi ng batang babae habang tinuturo ang mga butuin sa langit.

"Ito ba lagi ang pinagmamasdan mo sa ating durungawan, anak? Yang mga bagay na nagniningning sa kalangitan?"
tanong ng ina sa bata habang nakakanlong ang bata sa kanyang ina.

"Opo, Ina. Sila nga po ang aking tinitingnan mula sa ating durungawan. Ngayon, mas nakikita ko po sila at talagang napakarami po nila." tuwang tuwa na sambit nang bata.

Hindi maalis sa mukha ng ina ang kanyang ngiti at labis na kasiyahan habang pinagmamasdan ng anak niya ang mga butuin sa langit.

"Ina, ang kaylaki ng po nun oh."sabay turo ng anak sa isang malaking bituin.

"Amelia, anak, alam mo ba na maari tayong humiling sa mga maliliwanag at nagniningning na bagay na iyan sa kalangitan. Sabi nila, kapag humiling ka daw sa mga bagay na iyan, ang mga hiling o kagustuhan mo ay dadalhin nila sa Panginoong Diyos at ito naman ay tutuparin ng Panginoon."

"Talaga po ba, Ina?"

"Oo, anak. Gusto mo ba humiling ngayon? Humiling ka doon sa malaking nagniningning na bagay na itinuro mo kanina sa akin."

"Sige po, Ina." at pumikit ang bata. Hindi pa din matanggal ang mga ngiti sa mukha ng mag-ina. Nang matapos humiling ang bata, sinabi ng ina sa kanya, "Anak, bigkasin mo itong mga sasabihin ko sa iyo ha, sa dulo ng bawat mga hiling mo."

"Mga nagliliwanag...." panimula ng Ina.

"Mga nagliliwanag.." agad na dugtong ng anak.

"Na bagay sa kalangitan..."

"Na bagay sa kalangitan..."

"Dalhin nawa ang mga hiling...."

"Dalhin nawa ang mga hiling...."

"Sa Kanyang kaharian."

"Sa Kanyang kaharian."

Yinakap ng ina ng mahigpit si Amelia. Nang biglang magsalita si Amelia, "Ina, alam niyo po ba kung ano ang hiniling ko sa kanila?"

"Ano ba ang hiniling mo, anak?"

"Nawa, hindi na po tayo magpalipat-lipat ng tahanan at hindi na po natin kailangan tumago o iwasan ang mga tao."

Nagulat ang ina sa hinilang ng kanyang anak. Bigla naman tumingin ang ina sa kanyang asawa na nakatingin na din sa kanilang direksiyon matapos mapakinggan din ang hiling ni Amelia. Hindi na muli nakapagsalita ang kanyang Ina at yinakap na lang ng mahigpit ang anak.

Bigla naman pinuntahan ng ama ang mag-ina, lumuhod sa harap ng mag-ina at sinabi sa anak, "Oo anak, hindi na ulit tayo lilipat ng tirahan at hindi na din natin kailangang magtago sa mga tao."

"Talaga po ba, Ama?" tumango ang kanyang ama. "Salamat po Ama." sabay yakap ni Amelia sa kanyang ama.

"Ama, kayo naman po ni Ina ang humiling sa kanila, upang madala po nila ang mga hiling niyo sa Diyos."

Nagkatinginan ang mag asawa, napangiti, pinikit din ang kanilang mga mata at humiling. Matapos humiling ay binigkas din nila ang tinuro ng ina sa kanyang anak.

Yinakap ng ama ang mag ina, "Mahal na mahal ka namin, anak. Kami nang iyong ina. Gagawin namin ang lahat para sa iyo at sa iyong kaligtasan."

"Mahal na mahal ko din po kayo, Ama, Ina.......at sila din pong nasa kalangitan." sabay turo ni Amelia sa mga butuin. Ngumiti naman ang kanyang mga magulang sa mga sinabi ng kanilang anak.

"Halina, tayo'y kumain na, para makapagpahinga na tayo ha at para magising tayo ng maaga upang makarating agad tayo sa ating pupuntahan." ani ng ama sa mag-ina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

University of the Lost Era : A Home and School of the LostWhere stories live. Discover now