10: From The Grocery Store To The Birthday Party

Beginne am Anfang
                                    

Nang sinabi ko na si Maddie, pakikumusta daw siya.

Nagpaalam na si Joey dahil magtatime-in na daw siya.

"It's no nice to see you, Mam. Sana po magkita pa tayo ulit."

"For sure. Dito lang naman ako malimit mag-grocery eh."

"Kapag nakaduty po ako, sa akin na kayo pumila."

Bago siya umalis, hiningi niya ang number ko.

Hinintay muna ni Joey na pumasok ang number niya.

"Kapag meron pong mga sale, text ko kayo."

"Sige. Gusto ko iyan."

Sinave ko sa contacts ang number niya.

Tumalikod na si Joey pero humarap din ulit.

Mukhang may naalala.

"Nga pala, Mam. Birthday po ni Hailey, yung kapatid ko dati na nagkasakit. Ten years old na po siya. Imbitahin ko po kayo sa Sabado ng alas singko. Punta po kayo sa bahay."

"Di ba nakakahiya?"

"Hindi po. Matutuwa po ang parents ko. Gustong-gusto po nila kayong makilala eh."

Gusto ko mang tumanggi, expectant si Joey na papayag ako.

Mula ng makilala niya ako kanina, hindi natanggal ang ngiti sa mukha niya.

"Okay. Text me your address. Hanapin ko na lang sa Google."

"Sige po, Mam. Isama niyo din po si Mam Maddie kung libre po siya para mas masaya."

"Sige. Sabihin ko sa kanya."

"Okay, Mam. Ingat po."

Sumaludo siya bago ako iniwan.

Pagdating ko sa bahay, nasa kusina si Maddie.

Nasa lamesa ang laptop at kausap niya si Hector at si Nathan.

Kumaway at naghello ako sa mag-ama.

Nagpaalam siya sa asawa at sinabi na tatawag siya ulit mamaya.

Gutom na daw siya at gusto niya ng kumain.

Nagflying kiss si Maddie sa monitor bago pinindot ang end call button.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa grocery.

Inimbita ko din siya ba birthday party.

"Grabe ano?" Kumuha si Maddie ng dalawang plato sa plastic dish drainer at pinatong sa wooden round table.

"Small world talaga? Sinong mag-aakala na iyong crew natin dati na iyakin eh nandito na din?"

"At makikita ko pa sa grocery." Naghugas ako ng kamay.

Sinabi ni Maddie na libre din siya sa Sabado.

"Good. Nahihiya kasi akong pumunta mag-isa."

Nang dumating ang Sabado, maliligo na ako ng biglang magtext si Maddie.

Nagsosorry dahil hindi siya puwedeng sumama.

Pinag-extend siya ng manager namin dahil absent ang isang closing staff.

"Sorry, Haze. Di naman ako makatanggi dahil alam mo na? Bago lang tayo."

Disappointed man ako, ano bang magagawa ko?

Naiintindihan ko din naman si Maddie dahil kung ako man, siguradong papayag.

Bukod sa sayang ang OT, kailangang maging maganda ang record namin sa work.

Ang NakaraanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt