Chapter 4: Hydrolysis

Start from the beginning
                                    

"I-I... Um—"

"You don't need to answer, Monique."

Nilamon ulit kami ng katahimikan dahil sa sinabi niya. He clenches his jaw and divert his gaze from me bago huminga ng malalim. He slowly walks towards my table at inilapag ang isang case ng disc.

"That's the copy of the operation, the records of vital signs and all the pre-surgery test. Even the past medical records of the man. Andiyan lahat." I look at the disc and back to him ng makita kong parang nag-aalinlangan ang mukha niya.

"Okay, I'll check once I get home."

"Is your shift done?"

"Yeah, I'll just clean this and go na."

"Let's eat dinner."

"Attorney—"

"Why do I have to force you? Noong kumain naman kayo ni Dr. Valencia kanina ay hindi ka naman umangal."

Natahimik ako dahil sa sinabi niya and even saw how he slowly fixes his glasses and scratches the tip of his nose. Ang labi ay pumorma ng linya habang ang madilim niyang mga mata ay hindi makatingin sa akin ng diretso.

"I-I mean... i-it's just lunch." I feel so guilty when I blurted that out. Ang pagtatangis ng panga niya ulit at marahang pagbaling sa akin ang nagpatahimik sa aking muli.

"You don't need to explain, wala naman akong karapatan na magreklamo. We're not in a relationship anymore. I'm not depriving you of your freedom—"

"But you sound so upset!" Para akong sumuka ng marealize ko ang sinabi ko. I immediately shut my eyes close dahil sa kahihiyan. Napatakip pa ako sa mga matang nakasarado gamit ang likod ng palad ko at inihilig ang ulo sa backrest ng swivel chair ko.

"Of course, I'm upset! The girl that I'm eyeing for the past fucking years had lunch with another guy! I can't even ask her to say yes to me for dinner-"

"Fine! We'll eat dinner!"

A smirk formed in his lips. Ang mata ay parang may bituin ng makita kong nagningning iyon. He slightly twitched his head to hide the adoration in his face pero ang ngiti roon ay hindi na niya maitago pa mula sa akin. I slightly shook my head in disappointment for myself habang siya ay parang aliw na aliw sa akin.

"I'll fucking wait you at the basement." He said and storm out of the room with that smirk in his face. Napabuga na lamang ako ng isang buntong hininga ng mawala na siya sa loob ng kwarto ko.

Seriously?! Monique Angel? Dios mio! Sige at hindi ka nga pahaharot at haharot sa work place mo! After work naman! Jesus!

Inayos ko na ang mga gamit ko sa loob ng office ko bago pumanik sa locker room para makapagbihis na. I want to take my scrub with me dahil gusto ko iyong malabhan naman.

I change into my black tank top and some beige wide leg pants. I grab my white gold necklace from the locker at isinuot na iyon. I place my lab coat and my scrub in one of my paper bag. Kinuha ko na 'rin ang handbag ko bago lumabas.

When I reach the basement ay ganoon ulit ang ayos ni Rahim, nakahilig ng bahagya sa yamanin niyang kotse, ang isang kamay ay nasa bulsa at ang isang kamay ngayon ay nasa kanyang labi, marahang hinahaplos iyon at parang tuwang-tuwa sa sariling iniisip dahil nakaawang pa iyon at marahang kinakagat ang pam-ibabang labi.

Nang makita niya akong papalapit ay napaayos agad siya ng tumayo. The amusement in his face didn't even fade kahit noong nakalapit na ako sa kanya. The whole night in his eyes makes me shy on his fiery gaze on me.

"I'll just... um put it in my car." Nahihiya kong sabi at tinuro pa ang kulay puti kong kotse sa gilid. He nods at me at binalingan naman ang sasakyan ko. Para akong binalot ng hiya dahil hindi naman iyon high-end kagaya ng sa kanya.

How Do We Live?Where stories live. Discover now