She gave me a vintage stopwatch as a parting gift. May initial ng pangalan ni Abraham dito. Nung tinanong ko siya kung saan niya nakuha, iniwan niya ako nang halik sa noo at maliit na ngiti bago kami iniwang nakatanga sa mansyon niya.
"Kuya," Napabalikwas ako sa biglang tawag ni Annika sa akin.
Ngumiti ako sa tawag niya, "Hmm?"
"Bawal ka na matulog sa sofa." Nawala ang ngiti ko at napakamot ng ulo.
"Bakit? Eh wala namang nap-"
"Ano yun buong buhay ka na dun? May hotel ka naman ata, dun ka na lang muna bago ka humanap ng bagong apartment mo. Parehas kayo nung chain smoker na yun sa ugali."
"Ha? Ni Seymour bakit?"
Tinuro niya ang collection room ni Seymour. "Diyan natutulog yung taong yun."
"Eh?" Gulat na tanong ko.
"Oo nga. Dun siya natutulog sa massage chair niya sa dulong parte ng kwarto."
"What an eccentric man. Eh ikaw Annika? Saan ka natutulog?"
She scrunched her nose before pointing at the sofa.
"Dun ka sa sofa natutulog?" Tumango siya sa tinanong ko. "Ide inaagawan kita? San ka natutulog nung dumating ako? Diba hawak mo pa si Philo?"
"Dun sa massage chair ni Mour. Tapos dun siya sa beach chair niya."
Bumuntong hininga ako at nagmartsa papunta kay Seymour. Gaya ng sabi ni Annika sa sulok siya nakapwesto at ngayon ay masama ang tingin sa amin habang nakatalukbong ng kumot.
"Ano? Matutulog na ako. Umalis kayo. Young Austin maghanap ka na din ng apartment mo. Ginugulo mo sleeping schedule ni Annika. Bata pa siya at hindi dapa-"
Umirap ako at iniwan siyang kumuda dun. Bumalik ako kay Annika na nakapatong pa din ang ulo sa braso at nakapikit ang mata.
Mahina ko siyang tinawag, "Annika."
"Bakit?" Kinusot niya ang mata niya bago umayos ng upo.
"Samahan mo ako humanap ng apartment."
"Ayoko." Bumalik siya sa posisyon niya.
"Dun kita papatulugin kaya kaylangan mo sumama. Para may sarili kang kwarto. Ayaw mo nun?"
Mabilis siyang tumayo at tinulak ako palabas ng Arcanum.
Habang gamit ang itim na Mustang ni Seymour inikot namin ni Annika ang paligid sa mga naglalakihang buildings. Apartment studio o kaya ay condominium ang kukunin ko. I have a lot of money dahil sa business ko at sa malaking sweldo na binigay ni Seymour.
Besides, I have a kid with me. Wait ilang taon na ba siya?
"Annika ilang taon ka na?"
"Malay ko," sabi niya bago tumingin sa mga naglalakihang building. "Gusto ko dun."
Itinuro niya ang apartment complex na sa labas pa lamang ay masama na ang pakiramdam ko. I steeled myself as I attempted to drive away from the dingy apartment, but Annika's gloved hands stopped me.
ESTÁS LEYENDO
Arcanum: Polymaths of Time
Ciencia FicciónTime travel. Marami ang nagsasabi na imposible daw ito, na haka haka lamang. But when some fool really did time travelled, the world turned into something of the past. Mga palasyo na makikita mo lamang sa mga palabas ng mga bampira ay sumibol sa kal...
5 : A Strange Case of Hotel Zombies
Comenzar desde el principio
