Chapter 14

306 6 1
                                    

Present

"Nararapat ang lahat ng iyon dahil sa ginawa nila sa akin!" sigaw ng nagwawalang dalaga mula sa kaniyang upuan sa kaniyang upuan na iyon.

"Pagkatapos nung patimpalak na iyon ay dinala ako ni Kurt sa isang abandonadong gusali, hindi ko alam kung saan iyon. Pinilit ko siyang huwag akong saktan! Humingi ako ng tulong sa mga kasamahan niya sa crew!" Dama ng lahat ang gigil ng dalaga sa bawat pagbitiw niya ng mga salita. "Kasamahan niya rin pala ang mga ito!"

Kumunot ang noo nang abogado na humahawak sa kaso nito. "Ano ang ginawa nila sayo?"

"Nandoon lahat sila, nakita ko kung paano sinenyas ni Kurt kay Liam na paunahin na siya sa akin! Silang lahat...ginahasa ako! Naaalala ko pa kung paano ipasok ni Liam ang daliri niya sa ari ko!" Patuloy pa rin sa pagpapakawala ng dalaga ng hikbi habang nagkwekwento. "Dama ko hanggang ngayon ang paghaplos nila sa katawan ko."

"Ang haplos ni Eric sa mga hita ko, araw-araw kong naiisip! Karapat-dapat lang na pinutulan ko siya ng hita!"

Dahil sa sinabi ng dalagang ito ay nagsinghapan ang mga nasa hukuman na iyon, batid nila na napakahirap ang pinagdaanan ng babaeng ito.

"Kung paano nila ako pinagpasa-pasahan, kung paano ko nakita sa mga mata nila ang kahalayan!"

"Kung paano ako umiyak at nagmakaawa sa kanila ay hindi nila ako tinigilan."

"Itinali nila ako sa isang lamesa, mayroon akong posas sa dalawa kong kamay na konektado sa lamesa. At lubid naman sa aking mga paa."

"Birhen ako, hindi nila ako inalalayan. Basta nalang nila akong binaboy! Kung nakita niyo lang at narinig ang mga ngiti at tawa sa mga mukha nila!"

"pagkatapos nila akong gahasain ay kanila akong itinapon sa ilog, ang akala nila ay hindi ako mabubuhay. Ngunit maswerte ako dahil sumabit ako sa isang sanga."

"Paano naman ang mga ibang hindi crew pero iyong pinatay?" tanong ng abogado.

"Sa mga ginawa lang ng mga iyon sa akin ay karapat-dapat ba silang mabuhay?!"

"Ngunit Ms. Miranda, dapat ay hindi mo inilagay sa mga kamay mo ang batas," sabi ng attorney na nasa tapat ng babaeng nililitis ngayon.

"Mga tarantado!"

Biglang tumahimik ang buong hukuman dahil sa sigaw nito, lahat ng nanonood ay nakakaramdam ng awa para sa dalagita. Nawala na sa tamang pag-iisip nito at nagbabago-bago bigla ang ugali nito.

Tumayo ng tuwid ang abogado at sinabing.

"Dahil sa mga sinabi ni Ms. Elizabeth Miranda ay nagpapakita lamang na mayroong naganap bago niya ginawa ang lahat ng ito."

Huminga siya ng malalim.

"Iminumungkahi kong siya ay ipadala sa isang Mental Hospital, tuluyan siyang paghilumin at ibalik sa tamang pag-iisip bago siya sintesyahan sa kaniyang mga ginawang krimen."

"This Case no#1 of Elizabeth Miranda is now ended."

______________________________________________________________________________________________________

Do not copy.

Case#1:Elizabeth Miranda(Psychopath Diary)[COMPLETED]√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon