Chapter 9

208 8 1
                                    


Dear Diary,

                Nagsimula na akong maglakad papunta sa kanila, nakatingin ako kay Ariel. Binibigyan ko siya ng mapang-akit na tingin sa kabila ng aking maskara.

Nakita kong nawala ang atensyon niya sa kasama niyang babae at natuon na sa akin iyon. Nakita ko kung paano siya lumunok ng dinilaan at kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, ganyan nga Ariel.

Tignan mo ako kung paano mo ako tignan noon at ng bago ko bunutin ang mga matang yan sa mukha mo.

Habang papalapit ako ay nakikita ko na ang babaeng kasama niya ay nagpapapansin na sa kaniya dahil sa akin nakatingin si Ariel.

Ang kaninang mga kamay ni Ariel na nasa bewang kanina ng babae ay biglang nawala, nakita ko naman na kina-usap ni Ariel ang babae.

Nakita kong pumait ang mukha ng babae sa kung ano man ang sinabi ni Ariel sa kaniya. Tumayo bigla ang babae at sinampal si Ariel at padabog na umalis.

Kahit nakatanggap na ng sampal si Ariel ay hindi nawala ang tingin niya sa akin, talagang walang hiya ang bastos na lalaking ito.

Sinenyasan ko siya gamit ang daliri ko na lumapit at sumunod sa akin. Naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa isa sa mga Vip room, nililingon-lingon ko siya at binibigyan ng ngiti sa tuwing magtatama ang mga mata namin.

Ganyan nga sumunod ka lang, pinihit ko ang door knob ng pinto at pumasok dito. Isinara ko ang pinto, para maghanda sandali sa pagpasok niya.

Nahiga ako sa kama ng VIP na ito, medyo itinaas ko rin ang palda ng aking dress para mas lalong lumitaw ang aking mga hita. Ginawa kong dim ang lights dito sa kwarto para mas maganda ang mangyayari.

Narinig ko ang tunog ng door knob, na ibig sabihin ay bubuksan na ito. Nakita kong unang sumilip ang kaniyang ulo sa pinto, agad ko namang binigyan siya ng ngiti at hinamon na lumapit sa akin.

Nakita ko ang pag-alab ng kaniyang habang papalapit sa akin, gumapang siya sa kama at nagpunta sa itaas ko.

Sinimulan na niyang halikan ang aking leeg, nararamdaman ko din na kinakapkap niya ang pagkakabuhol ng maskara ko sa likod. Pero bago niya pa mahawakan at mahila iyon ay pinagpalit ko ang aming pwesto, ako nasa taas niya ngayon.

Sa ginawa kong iyon ay sinabihan pa ako ni Ariel ng "I like wild girl", tarantado! Lahat ay gusto mo! Basta malabas mo lang ang libog mo!

Hinawakan ko ang kaniyang belt para hubarin ito sa suot niyang pantalon, tinulungan niya pa akong hubarin ito sa kaniya.

Kinuha ko ang belt at itinulak ang braso ni Ariel pahiga sa kama dahil akma siyang tatayo para hubarin din ang kaniyang pantalon.

Inabot ko ang mga kamay ni Ariel at pinagsiklop ito, itinali ko ang belt sa kaniyang kamay. Bigla naman siyang nasiyahan sa ginawa ko, akala niya mangyayari ang gusto niya?

Itinali ko ang mga kamay niya kasama sa headboard ng kamang ito.

Kinuha ko ang swiss knife na itinatago ko at pinaglaruan iyon sa aking kamay, pinaglalaruan ko ang talim nito sa aking mga kamay.

Naramdaman ko ang gulat sa kaniyang katawan dahil sa paraan kung paano ko siya titigan habang hawak ang patalim.

Naramdaman ko din ang nginig sa kaniyang katawan dahil nakasampa ako sa kaniya. Inilapit ko ang patalim sa kaniyang mukha, sinusundan ang mga detalye ng mukha niya sa talim ng swiss knife.

Bigla naman siyang naglikot sa kama at sinusubukan niyang makawala, dahil sa inis ko sa likot niya ay sinaksak ko na ng swiss knife ang kaniyang braso.

Napasigaw naman siya sa sakit dahil sa ginawa ko. Pero wala namang makakarinig sa kaniya, dahil sa ingay sa labas.

Kinausap ko si Ariel at sinabihan na "Natatandaan mo ba ako?"

Nakita ko naman na bigla siyang natigil sa pagsigaw dahil sa sinabi ko. Natatandaan ako ng tarantadong ito.

"Ikaw?! Hindi maari! Ang boses mo ay familiar!"

Sigaw niya sa akin, dahan-dahan kong inabot sa likod ng ulo ko ang buhol ng tali ng aking maskara. Dahan-dahan ko itong tinatanggal habang hindi naalis ang tingin ng mga mata ko sa kaniyang mata.

Inalis ko ang aking maskara, nakita kong nanlaki ang kaniyang mata ng makita ang aking pero bago siya pa makapagsalita ay sinaksak ko ang kaniyang tiyan ng paulit-ulit hanggang hindi na siya gumagalaw at tumigil na sa pagsigaw.

Binuksan ko ang kaniyang bibig at dinuraan ito, bagay sayo ito tangina mo!

______________________________________________________________________________________________________

Do not copy.

Case#1:Elizabeth Miranda(Psychopath Diary)[COMPLETED]√Where stories live. Discover now