Chapter 7

248 10 1
                                    

Dear Diary,

                Nakasuot ako ngayon ng black dress above the knee at patungo sa isang sikat na bar, may balak akong sorpresahin.

Sana masorpresa sila, nagdala ako ng maskara ngayon. Red and black na maskara, naka red lipstick din ako. Ayaw kong mag-mukhang matamlay sa bar na iyon, gusto kong makakuha din ng pera. Paubos na saving ko.

Nag-taxi akong pumunta sa bar, maraming tao. Sabado ngayon kaya ang daming tao, bago ako bumaba sa taxi ay isinuot ko na ang aking maskara.

Kwento ko pala na kumuha ako ng apartment kahapon, ayaw ko na sa ilalim ng tulay kaya lumipat ako sa isang malayo at kaunting taong apartment.

Dinala ko ang mga gamit ko, nahirapan ng kaunti dahil ayaw kong mabasag ang mga koleksyon ko. Nagbubukod tangi ang mga ito at walang katumbas, wala akong maipapalit dito.

Puro usok, alak, at mga taong halos magwala kakasayaw ang bumungad sa akin. Nakaka-irita ang ingay, pero kailangan ko talaga magpunta dito.

Saan ko nga ba sila makikita? Saan ko magsisimula? Naalala ko bigla na kailangan ko pala ng pera, kung kukuha ako ng pera sa taong pakay ko ay baka kaunti lang. Tss, hindi magiging sapat ang pera niya. Gusto ko ay marami.

Nagpatuloy naman ako sa pagpasok at nagpunta sa dance floor upang sumayaw, isinayaw ko ang pinaka-sexy na galaw na alam ko.

Nakikita ko naman ang mga mata ng mga kalalakihan na napupunta sa aking katawan, ganyan nga tumingin lang kayo sa 'kin. Halatang hindi sila makalapit dahil sa may kasayaw sila at ayaw iwananq, mas iginiling ko naman ang aking balakang para mayroon ng maglakas loob na lumapit sa akin.

Nakita ko naman na may papalapit na matanda sa 'kin, mukhang bigatin. Ang kaniyang leeg ay may suot na makapal na ginto. Kahit ang kaniyang mga palapulsuhan ay puno ng ginto, pasado. Naglalakad palang siya palapit sa 'kin ay sinalubong ko na siya at gumiling sa kaniyang harapan.

Nakita ko naman na nakatingin siya sa pwet ko, you old dick man. Pasalamat ka dahil mukhang may pera ka, hinawakan niya naman ang beywang ko. Dahan-dahan niya akong dinadala sa may pinto sa back door ng bar, mukhang dito sa likod niya gusto mamatay?

Hinahalikan na niya ang aking batok, nakatalikod ako sa kaniya. Naririnig ko siyang sinasabihan ako na 'napakaganda ko at maswerte siya na nakita niya ako', mas maswerte ka tanda kase makakaramdam ka na ng peace ngayon.

Mabuti nalang at walang tao rito sa back door ng bar. Sinubukan ng matanda na alisin ang maskara ko pero hindi ko siya hinayaan at pinalo ang kaniyang kamay at humalakhak ako na kunwaring may nakakatawa o nasisiyahan ako.

Nandito na kami sa likod ng bar, idiniin niya ako sa pader. Naririnig ko naman ang belt niya na pumapalantik na ang ibig sabihin ay hinuhubad niya ito.

Narinig ko na nahulog sa lupa ang belt niya at kasama ang kaniyang suot na pantalon, itinaas niya ang dress ko. Naramdaman ko ang ari niya na inaabot ang aking perlas, inabot ko sa aking kamay ang kaniyang ari.

Akala niya ay ipapasok ko ito sa aking perlas, pero nagkakamali siya. Binunot ko ang dala kong swiss knife at agad pinutol ang kaniyang ari.

Napaatras naman siya at binigyan ako ng matalim na tingin, binitawan ko ang kaniyang ari sa damuhan at nilapitan siya. Patuloy siyang umaatras habang papalapit ako sa kaniya, tinawag niya pa ako ng 'babaeng puta'. Pero mas puta siya, tangina niyang bastos na amoy matanda!

Habang hawak niya ang pinagputulan ko ng ari niya, kita ko ang dugo na tumutulo mula roon. Pinaglalaruan ko sa aking kamay ang swiss knife at hindi naa-alis ang aking tingin sa matanda.

Nakita kong may binubunot siya sa bulsa kaya bago niya pa iyon mailabas ay sinaksak ko na siya sa puso. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko, sinubukan niyang hilahin ang aking maskara.

Dahil sa ginawa niya ay binunot ko ang swiss knife at isinaksak ko naman ito ang kaniyang isang mata, doon ay tuluyan na siyang napaluhod sa aking harapan.

Binunot ko ang swiss knife at sinunod ang kaniyang isa pang mata, biglang sumirit ang dugo roon dahilan para malagyan ang aking braso ng dugo niya.

Nakakainis dahil nadumihan ako, sa inis ko ay pinagsasaksak ko ng tuluyan ang kaniyang tiyan hanggangg sa makuntento ako. Masama sa akin ang mainis ng sobra, tss.

Iniwan ko ang matanda doon, iniwan ko ng wala na ang kaniyang alahas sa kaniyang katawan pati ang kaniyang wallet. Kinuha ko ang ziplock bag na nakaipit sa aking bra at nilapitan ang kaniyang ari sa may damuhan. Inilagay ko iyon sa ziplock bag, at iniwan muna malapit sa may tabi ng basurahan.

Mabuti naman ay may gripo malapit dito na ginamit kong panghugas sa braso kong nalagyan ng dugo.

Pumasok ako sa loob ng bar na masaya dahil may pera na ako ngayon, pero hindi ko parin nakukuha ang pakay ko dito.

Inilibot ko ang paningin ko sa bar at hinahap ang pakay ko. Natigil ang tingin ko sa isang lamesa na may dalawang lalaking umiinom at may kandong na babae.

Jackpot! Magkasama! Ariel Gomez at Jayron Cruz! Ang swerte ko talaga sa araw na 'to.

______________________________________________________________________________________________________

Bloody reading.

Plagiarism is a crime

Case#1:Elizabeth Miranda(Psychopath Diary)[COMPLETED]√Where stories live. Discover now