Chapter 1

704 11 1
                                    

"Let's welcome Candidate No.#4!" Nagpapalakpan ang mga tao ng lumabas ang isang dilag na confident at nakangiting rumarampa.

"Elizabeth Miranda, 19 years old. Pampanga!"

Nakangiting sinabi ng dalaga sa harapan ng maraming tao, ngayong araw na ito ay nagkaroon ng malaking patimpalak.

Sa bawat probinsya ng Gitnang luzon ay magkakaroon ng representative upang ilaban at malaman kung sino ang angat na mga dilag sa bawat probinsya at sa buong gitnang luzon.

Napakasaya ni Elizabeth na sumali sa mga ganitong patimpalak lalo na at maraming nanonood at sumusuporta sa kaniya.

Mula sa kaniyang pamilya, mga cabalen at ang kaniyang nobyo.

Mula sa kinatatayuan niya sa stage ay kitang-kita niya ang kaniyang nobyo na nakangiti at pumapalakpak sa kaniya.

Si Kurt Davidson ay photographer na nakilala ni Elizabeth noong nag-photo shoot sila sa beach sa subic, nagpakita agad ng motibo si Kurt kay Elizabeth na nais niya itong ligawan.

Noong una ay ayaw na ayaw ni Elizabeth kay Kurt ngunit hindi rin nagtagal ay napasagot na 'rin ito dahil sa determinasyon at pangungulit sa kaniya ni Kurt.

Kakakilala pa lang nila at pagkalipas ng dalawang buwan ay sinagot na niya ito, iniisip ni Elizabeth na masyado niyang minadali ang pagsagot kay Kurt.

Nagkakaroon sila minsan ng hindi pagkaka-unawaan dahil madalas na magselos si Kurt sa mga nakakatrabaho ni Elizabeth.

Lagi namang sinasabi ni Elizabeth na katrabaho lamang ito, sa loob ng tatlong buwan nilang magkarelasyon ay walang isang linggo na hindi nagseselos si Kurt.

Parte ng trabaho ni Elizabeth ang mga ganitong bagay, madalas na lagi siyang may nakakahalubilong mga kasamahan niyang male models.

Masayang bumalik si Elizabeth sa backstage ng may nakalapad na ngiti sa kaniyang mga labi.

Naghahanda siya ngayon para sa kanilang swimsuit attire, medyo kinakabahan si Elizabeth dahil sa pagrampa nila sa stage ay mayroong naka-escort sa kanila na mga male models. Hindi alam ni Kurt na mayroong ganito sa kompetisyon, hindi ko alam kung paano sasabihin at ipapa-intindi sa kaniya ito.

Sana ay hindi ito magalit, napakaseloso pa naman nito at minsan ay nakakapanakit dahil sa selos. Minsan na niya akong nasakal dahil sa pinagseselosan niyang male model na yumakap sa akin bigla.

Humingi naman ng tawad sa akin si Kurt ngunit ako ay medyo natatakot para sa kapakanan ko.

Tinawag na ng mga staff ang mga kandidata upang mag-ayos na at pumila dahil sila ay tatawagin na.

"Let's welcome candidate no.#4, Elizabeth Miranda!"

May confident na lumabas si Elizabeth sa backstage na kasama ang isang male model na naka underwear lang at habang si Elizabeth ay naka ocean blue two piece.

Habang siya ay rumarampa ay pahapyaw niyang sinulyapan ang pwesto kung nasaan ang nobyo niyang si kurt.

Nakatiklop ang mga kamay at braso ni kurt sa kaniyang dibdib at masama ang titig kay Elizabeth.

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Elizabeth dahil sa madilim na tingin at aura na ibinibigay ni Kurt sa kaniya.

Napaigtad pa siya ng maramdaman niyang hinawakan siya sa baywang ng kasama niyang male model.

Mabilis naman na nag-focus siya sa ginagawa at nag-pose. Nginitian ni Elizabeth ang nanonood sa kaniya, iniwasan niya ang lugar kung nasaan nakatayo si Kurt.

Isang lovely smile ang ibinigay niya saka na pumihit patalikod.

Nakarating na siya sa backstage ng makita niya si Kurt na naroroon at masama ang titig...

______________________________________________________________________________________________________

Bloody Reading :)

                       Plagiarism is a crime.

                       ©YOURGIRLHAYME
                     FB: Jamie Ann Trinidad
                     IG: YOURGIRLHAYME

Case#1:Elizabeth Miranda(Psychopath Diary)[COMPLETED]√Where stories live. Discover now