Chapter 2

564 15 6
                                    

Dear Diary,

             Kakatapos ko lang gilitan ang leeg ni Liam dito sa condo niya, napaka baboy ng lalaking ito. Ang dami kasing nagkalat na mga condom dito sa condo niya, gamit pa ang iba iww.

Hinihintay ko na matapos ng pakuluan ang dugo ni liam sa kawali, balak kong iluto ang mga daliri ni liam tutal naman ay makasalanan ang mga ito. Nakakainis kasi nahirapan akong patayin siya. Hinintay ko pa silang matapos mag-sex ng babaeng kasama niya.

Kung saan-saan nagse-sex nakakairita, ang tagal kong nasa ilalim ng kama niya. Nagkaroon lang ako ng tyempo na lumabas sa ilalim ng kama nung lumabas sila sa kwarto at itinuloy ang ginagawa sa may kusina. Pero hindi parin ako makakalabas ng kwarto niya kaya bumalik nalang ako sa lugar ko.

Naghintay naman ako ng napakahabang oras sa ilalim ng kama, isa at kalahating oras sila gumagawa ng kababalaghan.

Nagpahinga sila sa kama ng isang oras, lalabas na sana ako sa ilalim ng kama para patayin na sana silang dalawa dahil naiinip na ako.

Pero naramdaman kong gumalaw ang kama kaya agad akong napabalik sa pwesto ko, nakita kong tumayo ang babae at pinupulot ang kaniyang damit.

Mukhang swerte siya, dahil hindi siya masasama sa aking papatayin. Mabilis na sinuot ng babae ang damit niya at lumabas na ng kwarto ni Liam.

Ito na ang oras ko, dahan-dahan akong lumabas sa ilalim ng kama at pinagmasdan si liam na walang saplot na nakahiga sa kama niya.

Kinuha ko ang pagkakataon na mahimbing siyang natutulog para gilitan ang kanyang leeg gamit ang kutsilyo na kinuha ko kanina sa kaniyang kusina.

Bigla namang dumilat ang kaniyang mga mata pagkatapos kong ginilit ang kanyang leeg, halata sa mga mata niya ang gulat. Nanginig din ang kaniyang katawan habang lalo kong nilalaliman ang kutsilyo sa kaniyang leeg.

Sumirit ang dugo sa kaniyang leeg, ang daming dugo ang lumalabas na kinangiti ko. Biglang pumasok sa aking isipan na masarap iluto ang kaniyang dugo, mabilis kong tinignan kung paligid kung mayroon ba akong magagamit na lalagyan para sa dugo niya.

Nakita ko ang thumbler niya sa may malapit na lamesa kaya agad ko itong kinuha at binuksan upang malagay ang dugo ni liam na sumisirit ngayon sa kaniyang leeg. Sinimot ko ang dugo ni liam hanggang sa wala na masyadong tumutulo sa kaniyang leeg, sinaksak ko pala ang mga mga ni liam gamit ang tinidor.

Wala nakakairita ang mga mga mata niya na nakatingin sa akin kaya ibinaon ko ang dalawang tinidor sa kaniyang mga mata upang hindi na ako titigan pa ng mga ito.

Nagpunta ako sa kusina ni liam para sa balak kong gawin sa kaniyang dugo, kinuha ko ang kawali at inopen ang electric stove. Tumingin tingin ako sa mga pampalasang naroroon sa may cabinet niya, mukhang wala siyang sapat na sangkap para sa dinuguan.

Ang ginawa ko ay nilagay ang dugo ni liam sa kawali, bumalik ako sa kwarto kung nasaan si liam na walang buhay.

Habang hinihintay kong kumulo ang dugo niya ay sinimulan ko ng putulin ang mga daliri ni liam sa kamay.

Inilalagay ko sa pinggan malapit sa akin, ang saya sa feeling ng ginagawa kong ito. Natapos ko ng putulin ang mga daliri niya kaya bumalik ako sa kusina para ilagay na ang mga ito sa kumukulong dugo ni liam.

Hihintayin ko pang lumambot ang mga ito, habang hinihintay ito ay nagpunta ako sa  living room niya para manood muna ng TV habang hinihintay na maluto ang kakainin ko.

Umupo ako sa isa sa mga sofa at tinurn on ang TV, habang nanonood ay may napansin akong mga magazine sa may side table.

Tumayo ako para makita kung ano ang mga naroon, ako pala ang mga nasa magazine.

Mga original copy ng mga shoot ko, isa si liam sa mga crew ni Kurt kaya natural na mayroon talaga siyang copy ng mga ito.

Naamoy ko naman ang lansa ng niluluto ko kaya binitawan ko ang magazine na hawak at mabilis na nagpunta sa kusina.

Sumandok ako ng kanin sa rice cooker na mukhang kanina pa naluto, mabilis akong lumapit sa niluluto ko at pinatay na ang electric stove.

May nakita akong ketchup at paminta sa may cabinet kaya inilagay ko ang mga iyon, inihalo ko ng dahan-dahan ang ketchup sa dugo ni liam.

Naglagay ako ng dugo ni liam sa kanin ko at naglagay din ng tatlong piraso ng daliri ni liam sa pinggan ko.

Binudburan ko din ng paminta ang pinggan ko, dahil sa gutom ko ay nagpunta na ako agad sa living room.

Kumakain ako habang nanonood ng 'Sofia the first' sa tv ni liam, medyo hindi masyadong lumambot ang mga daliri pero okay pa naman. Medyo nahihirapan pa akong alisin ang mga kuko ni liam, mahirap ipaghiwalay dahil narin siguro sa hindi masyadong naluto.

Ang linamnam, busog na busog ako. Dinilaan ko pa ang pinggan ko dahil sa natitira pang dugo sa pinggan, sobrang linamnam ng dugo ni liam.

Pagkatapos kong kumain ay nagpunta ako sa banyo ni liam para alisin ang dugong nagkalat sa aking mukha at kamay dahil sa pagkain.

Pagkalabas ko ng banyo ay nagpunta ako sa kusina para kumuha ng ziplock bag at nagpunta sa kwarto ni liam.

Nilapitan ko siya sa kama at hinawi ang kumot na nakatabing sa kaniyang pinaka iingatan na bahagi ng katawan.

Nakita kong nakatayo ang kaniyang alaga, swerte ni liam dahil nakapag sex pa ang alaga niya bago mamatay.

Kinuha ko ang kutsilyo sa kanyang tabi at pinutol ang kaniyang alaga at ipinasok sa ziplock bag na hawak ko.

Iniwan ko ang condo niya ng mga ngiti sa labi ng gabing iyon.

Done, Mr. Liam Pangan.

                                                    Your Beauty Queen
                                                   -Ms. Elizabeth Miranda

______________________________________________________________________________________________________

Bloody Reading :)

                       Plagiarism is a crime.

                       ©YOURGIRLHAYME
                     FB: Jamie Ann Trinidad
                     IG: YOURGIRLHAYME

Case#1:Elizabeth Miranda(Psychopath Diary)[COMPLETED]√Where stories live. Discover now