Chapter 4

391 10 6
                                    

Dear Diary,

               Naglalakad ako ngayon sa daan, hinahanap ko ang bahay ni Eric isa sa mga crew ni Kurt. Sa madaling salita kasamahan din ni Liam.

Napakahirap pumasok dito sa subdivision nila, ang higpit ng guard sa may entrance. Kinailangan ko pang makipag-sex sa guard na iyon bago ako papasukin, wala na akong pake kung naging masaya ba siya sa ginawa niya sa akin.

Pero ako? Naging masaya ako dahil pinatay ko naman siya bago niya pa maipasok iyon sa aking perlas.

Inimbita ako ng guard na iyon sa may outpost para makipag-sex doon para makapasok ako, hinalikan niya ako sa leeg pero hindi ko na pinatapos siyang hubarin ang kaniyang pantalon ay sinaksak ko na siya.

Pinutulan ko din siya ng ari at inilagay sa ziplock bag, dalawa tuloy ang mai-uuwi kong ari ngayon. Isa kay guard at isa pa kay Eric.

Yung ari ni Liam ay inilagay ko sa isang garapon, binabad ko sa tubig ito. Kailan ko kaya maco-complete ang koleksyon ko?

Hawak ko ang phone ko ngayon at hinahanap ang katulad na bahay na nasa litratong tinitignan ko. Ang larawan na ito ay si Kurt at kasama ang lahat ng crew niya sa harap ng bahay ni Eric, silang lahat ay nakangiti sa camera at magkaka-akbay.

Ang gandang larawan kaya lang, tarantado lahat!

Nagtingin-tingin pa ako sa paligid kung nasaan ang bahay na may puting gate, napansin ko naman sa di kalayuan sa kanan ko ay may puti ngang gate roon.

Kanina ay bago ko iwan ang bangkay ng guard ay kinapkapan ko pa kung nasaan ang mga susi sa may power generator na nakalagay din dito sa guard post, subdivision ito sigurado akong mayroong CCTV na nakapalibot sa buong lugar.

Papatayin ko ang mga main source ng CCTV sa bawat street dito, para malaya akong makagalaw-galaw at magawa ang dapat kong gawin.

Naglakad ako palapit sa bahay na iyon, habang papalapit ako sa gate ng bahay na iyon ay lalo akong nae-excite sa aking gagawin.

Palapit pa lang ako ay nagulat ako ng biglang bumukas ang gate ng bahay na iyon kaya agad akong nagtago sa may likod ng malagong puno dito.

Sinilip ko kung sino ang ang bumukas ng gate.

Si Eric, kitang kita ko siya mula dito na nagtatapon ng basura sa may tapat ng bahay nila. Tumingin-tingin pa siya sa paligid kung mayroong tao at saktong napatingin siya sa direksyon ng puno na pinatataguan ko.

Umatras naman ako bigla kaya hindi ko napansin ang isang metal na tinamaan ko at lumikha ng ingay dahil bumagsak sa isang bato.

Palakol ang tinamaan ko, mabilis kong sinilip kung narinig ba ni Eric ang ingay na iyon. Nakita ko siyang palapit dito sa kinaroroonan ko, hinawakan ko ang palakol na tinamaan ko.

Hindi ko alam kung bakit may palakol dito pero baka naiwan ng magpuputol sana ng puno ito.

Pero salamat dahil nakalimutan niya ito, hindi ako mahihirapan na patayin si Eric. Mahigpit kong hinawakan ang palakol na hawak ko at pinapakiramdaman kung saan naba o malapit na ba si Eric sa kinaroroonan ko.

Sumulpot ang ulo ni Eric sa puno at nakita napa-atras siya dahil sa gulat, kaya walang akong sinayang na oras mabilis kong hinampas ang matalim na bahagi ng palakol sa kaniyang ulo.

Agad kong binawi ang palakol sa kaniyang ulo, ihahampas ko pa sana ng isa pa ang palakol pero madali siyang tumakbo. Kapag talaga masamang tao hindi madaling mamatay, nakakalakad pa siya palayo sa akin kahit na bumubulwak ang dugo sa kaniyang ulo pababa sa kaniyang puting damit.

Pumasok siya sa loob ng bahay niya, ika-ika siyang pumasok sa gate at hindi na niya inabala ang sarili na isara pa ang gate.

Ako naman ay normal lang na naglalakad habang sinusundan at inaapakan ko an patak ng kaniyang dugo sa dinadaanan ko.

Nakapasok na ako sa gate niya ng marinig ko ang mga aso niya na tumatahol dahil sa pagpasok ko, mabuti nalang at nakakulong ang mga ito.

Narinig ko naman na mayroong kumalabog sa loob ng bahay kaya agad akong pumasok para malaman at makita kung nasaan na nga ba si Eric.

Binitawan ko ang palakol na hawak ko at mabilis na pumasok sa loob ng bahay, sa entrance palang ng pinto ay nakita ko na si Eric na nakahiga sa sahig at tumitirik na ang mga mata.

Sinimulan ko ng buhatin siya sa kusina, ang bigat naman neto. Nakakainis pinawisan pa ako, binitawan ko siya sa may malapit sa lababo.

Nagpunta naman ako sa living room niya para lakasan ang aircon, talagang meron huh? Mayroon din siyang mga copy ng magazine shoot ko, tss.

Walang-kwentang Eric, may tinatago palang kati sa katawan. Binalikan ko siya sa kusina, napahawak nalang ako sa balakang ko dahil iniisip ko pa ang gagawin ko sa kaniya.

Hmm? Busog pa ako, kakakain ko lang ng drive-thru. Narinig ko naman na nagtatahol pa ang mga aso ni Eric, gutom? Ah! Ipagluluto ko ang mga aso! Mukhang masisiyahan ang mga aso sa naiisip kong iluluto.

Naghalughog ako sa mga cabinet niya ng pwedeng gamitin na pamputol, pero bawat subok ko sa mga nakikita kong patalim ay sobrang purol. Katulad ng purol ng utak niya este nilang lahat! Mga tarantado!

Tinigil ko na ang paghahanap ng matalim na bagay na pwedeng panghiwa, naalala ko bigla yung palakol na ginamit ko kanina.

Pwede! Lumabas naman ako agad at kinuha ang palakol. Bakit parang bumigat? Dahil siguro pagod ako sa pagbuhat kay Eric at sa paghahanap sa mga cabinet.

Nasa harapan na ako ni Eric, hinahanda na ang pagpalo ng palakol sa kaniyang hita. Ngunit dahil sa bigat ng palakol ay hindi ko tinamaan ang thigh part niya, tinamaan ko ay kaniyang tiyan!

Hays, kumalat tuloy ang dugo niya lalo. Nais ko sanang huwag galawin ang kaniyang tiyan, dahil gusto ko sanang may gawin pa roon. Pero wala nasira na!

Mas mabuting putulin ko na muna ang ari niya? Baka ito pa ang tamaan ko, ayaw kong maging lasog-lasog ang ilalagay ko sa garapon.

Naka-boxer lang si Eric at white t-shirt, kaya binaba ko nalang ito.

Not yet done, Mr. Eric Torres

                                                     Your Beauty Queen
                                                   -Ms. Elizabeth Miranda

______________________________________________________________________________________________________

Bloody Reading :)

                       Plagiarism is a crime.

                       ©YOURGIRLHAYME
                     FB: Jamie Ann Trinidad
                     IG: YOURGIRLHAYME

Case#1:Elizabeth Miranda(Psychopath Diary)[COMPLETED]√Where stories live. Discover now