Chapter 5

60 7 0
                                    




"ARE you okay, Luna?" Bailey worriedly asked.

            Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatulala. Nasa loob kami ng kwarto ko at kasalukyan akong tinutulungan ni Bailey na tapusin ang requirements ko. Tapos na kasi siya sa kaniya kaya ngayon ay nagpresinta siyang tulungan ako. Iyon nga lang ay halos siya na ang gumawa ng lahat dahil kanina pa akong wala sa sarili.

            "Sorry, may iniisip lang." I shyly smiled at him.

            Kung noon ay si Sky ang kasama ko sa kwartong ito. Siya ang katawanan ko, kakwentuhan at higit sa lahat alam niya ang iniisip ko. But now, everything is different. I am thankful as Bailey is here for me. Hindi man katulad ng samahan namin ni Sky ang meron kami ni Bailey ngayon ay masasabi kong swerte pa rin ako sa kaniya.

            "C'mon, you don't have to hide your thoughts from me. I am willing to listen." His eyes were like reading my soul.

            Masyado niya na rin akong kilala. Alam niya na kung may bumabagabag sa akin.

            "Hindi lang kasi mawala sa isip ko iyong kondisyon ngayon ni Sky." Hindi ko naitago ang lungkot na bumalatay sa mukha ko.

            Narinig ko sina Mommy at parents ni Sky noong isang araw. Pababa ako ng hagdan at nagkukwentuhan naman sila sa living room namin. Hindi nila pansin ang pagdating ko kaya dere-deretso sila sa pinag-uusapan. Narinig kong sabi ni Tita ay lalong humina ang puso ni Sky.  Na triggered daw ito dahil sa mga activities na ginawa ni Sky na alam naman nitong nakakasama sa kalusugan niya. The painkiller wasn't working anymore on him. Kaya sabi ng doctor ay matinding sakit talaga ang pinagdadaanan ni Sky sa tuwing inaatake ito.

            Ang mas hindi ko matanggap ay ang pagkawalang pag-asa ng mga doctor. Ang sabi nila kapag muling inatake si Sky, wala ng kasiguraduhan kung makaka-survive pa ito. Gumaling na si Sky noon at alam kong gagaling ulit siya ngayon.

            "Why are you avoiding him if you're concern?"

            It's been weeks when I started to avoid Sky. Hindi ko magawang tingnan man lang siya sa mata. Hindi ko kasi maiwasang sisihin ang sarili ko. Alam kong may magagawa ako para pigilan siya sa pagsama kay Savannah. But instead of stopping him, nagawa ko pa siyang pagtakpan.

            "It's my entire fault, Bailey. Ako ang dahilan kung bakit ganito na ngayon ang kondisyon niya." I tried so hard to stop myself from sobbing but I failed.

            Hindi ko inaasahan ang paglapit ni Bailey at yakapin ako. I am leaning on his broad chest and I can hear his heartbeat. "It's his choice, Luna. Don't blame yourself please." He's rubbing my back to calm me. "Pinili niyang gawin ang mga bagay na makakasama sa kaniya. Hindi mo siya pinilit gawin 'yon."

            "Hindi na sana ito mangyayari kung pinigilan ko siya. I'm at fault too." My tears continued to flow.

            "We don't hold the decision of others, Luna. Even if you stop him but if he still wants it to do, you can't do anything about it."

            Hindi ko na nagawa pang sumagot dahil sa patuloy kong paghikbi. Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong ayos hanggang sa ayusin ko ang sarili ko.

            "Dito ka na mag-dinner." Anyaya ko at tumayo na.  Nasa likuran ko lang siya ng buksan ko ang pinto ng kwarto ko.

            My heart fell for the nth time when I saw Sky standing in front of my room. Our eyes met and I couldn't name the emotions on it. Lumamlam ang kaniyang mga mata nang tumagos ang tingin niya sa likuran ko. Alam kong si Bailey ang tinitingnan niya. I looked away when he looked at me again. Umawang ang kaniyang mga labi at ganoon na lang ang kabang naramdaman ko.

            "Mukhang nakahanap ka na ng iba." He sarcastically said then turned his back on me and walk away.

            Gusto ko siyang pigilan. Gusto kong sabihing kailanman ay walang hihigit sa kaniya, na siya lang ang pipiliin ko ng paulit-ulit. But my knees wobble and the tears are consistently flowing again. Nawala lahat ng lakas ko dahilan para hindi ko siya masundan.

            Ang sakit.

Ang sakit-sakit na makita siyang naglalakad palayo sa'kin. It feels like the sky where I only belong, denied me.

The next day, I find Savannah. Ayokong malaman ni Sky na kinausap ko ang girlfriend niya kaya tyaka ko lang nalapitan ito noong nag-iisa sa locker. Bago pa man siya umalis ay linapitan ko na.

"Can I talk to you?" There's no friendliness in my voice. I don't care if she finds me a bitch. I just need to talk to her.

"We're talking now." She smirked.

Halos umikot ang mga mata ko sa paraan ng pananalita niya. I don't understand why Skyler likes her. Bukod sa maganda ito ay hindi naman kaayaaya ang ugali.

"Somewhere private," I said.

She giggled. "I don't have time to go anywhere, Skyler's best friend." She emphasized her last words. Sa tono pa ng pananalita nito ay parang gusto niyang iparating na hanggang doon lang ako. Isang kaibigan na malabong mahigitan kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Sky.

"I heard you know about Sky's condition." I started. She just nodded. "Why did you let him do those things? Alam mong makakasama iyon sa kaniya."

My blood boiled when she laughed. Wala bang halaga sa kaniya ang kalagayan ni Sky? Then the realization hits me. Did she use Sky to kill her boredom? Na kahit alam niyang bawal dito ang ginagawa nila ay hindi nito pinigilan kasi wala naman siyang pakialam.

"I just encouraged him to do the things that he wants. Nakakaawa naman kung mamamatay siya na hindi man lang niya 'yon nararanasan—"

Before she could finish her sentence my hand already landed on her face. Natigilan siya sa ginawa ko at ng matauhan siya ay nagngangalit siyang sumugod sa akin. I stop her hand that was about to slap me. I pushed her hard and slapped her one more hard time.

Alam kong nakakaagaw na kami ng atensyon pero wala na akong pakialam. She doesn't care about Sky's condition. She doesn't care about his death. Hindi ko mapigilan ang lumuha sa harap niya. Hindi ko makaya na ang taong pinapangarap ko ay binabasura lang ng iba.

"You don't know how he faced his illness just to survive, Savannah." I stop talking when my tears flow consistently. "I love him. But I let him be happy in your arms. Mas pinili kong pagmasdan siyang masaya sayo kahit na sobrang sakit n'on sa'kin."

Her eyes softened. "Every time we're together, there's no time he didn't mention you to me." She looked away when a teardrop on her face. "I really like him, Luna. He told me he likes me too. But I don't understand why his mind is always about you. Hindi man lang niya nagawang tanungin kung anong mga gusto ko. Sa tuwing may mga bagay na nagpapaalala sa inyong dalawa, hindi na siya titigil sa pagkukwento."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa inamin niya. Tuloy-tuloy lang tumutulo ang luha ko.

"Sinabi niya sa'kin ang mga bagay na gusto niyang gawin kasama ka pero sabi niya hindi niya magawa kasi ayaw mo." Savannah sarcastically smiled.

"Inaalala ko lang ang kondisyon niya." I defended myself.

"Ganoon din naman ako noong una. Ayokong gawin kasi alam kong mapapahamak siya. But then, I've realized, I want to do the things that you couldn't do for him. Gusto kong punan ang mga bagay na hindi mo kayang ibigay sa kaniya." Her eyes became serious. "I intentionally don't pay a visit every time he's hospitalized because guilt is killing me. Hindi ko gustong mangyari 'to, Luna. But I want to make him happy."

"If you really care for him, hindi mo dapat siya hinayaang gawin ang mga 'yon! His illness became worse." I shouted at her. Wala na talaga kong pakialam sa mga nakakakita sa amin.

Hindi siya natinag. Seryoso pa rin ang mga mata niyang nakatingin sa akin. But I saw agony and sorrow in her eyes. "I want to replace you, Luna. I want him to fall for me before he realized he's already fallen for you."

I was stiffened. Tila nalunok ko ang sariling dila dahil walang lumabas na kahit anong salita sa akin. Then another teardrop from my eyes as my heart aches so bad when I realized that the sky is still there, it never denies me.

****

Minnie Hwang

Take Him to the Moon✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora