Chapter 2

54 8 0
                                    




I AM laying on the bed while Sky lay on my stomach. We're here inside my room. Pareho kaming tahimik habang may sarili-sariling ginagawa. Ako ay nagbabasa ng libro at siya naman ay busy sa kalalaro sa cellphone niya. Mga bata pa lang kami ay nasanay na ang mga magulang namin na laging magkasama sa kwarto. Even now we're in grade 11, it's not a big deal to us anymore.

Ibinaba ni Sky ang cellphone niya at marahan niyang hinawi ang kamay kong may hawak na libro para makita ang mukha ko. He lay down sideways in my stomach while he's directly looking at my face. Dahil sa pagkailang ay binaba ko na ang binabasa ko at tinapunan siya ng tingin.

"What if we spend our summer on a beach?" Suminag ang kasiyahan sa gwapo niyang mukha. Sa paraan nang pagtingin niya sa akin ay mukhang gustong-gusto niya nga ang ideyang iyon. "Would our parents allow us?"

"Tayo lang dalawa?" Tumango siya. Bumilis ang pintig ng puso ko sa isiping masosolo ko siya at ang buong atensyon niya ay mapapapunta sa akin. Tuwing summer kasi ay lagi naming kasama ang parents namin kaya hati ang oras niya sa'kin.

"My health's going okay now. I am not a dumbass weak." He laughed at himself but I saw how sadness glistened in his eyes.

Ilang segundo akong walang naging reaksyon sa kaniyang sinabi. I know it's painful to avoid the things you want to do. Maraming gustong gawin si Skyler pero dahil sa sakit niya ay halos lahat ng iyon ay hindi niya magawa. Yes, his condition is getting better now but he still needs to be careful.

"Baka hindi tayo payagan kapag tayong dalawa lang." Kahit ako ay nanghinayang sa isiping iyon. "But we can still try to ask their permission." Nabuhayan siya sa sinabi ko.

Tatlong katok sa pintuan ang nagpabangon sa aming dalawa. Ako ang nagbukas ng pinto at bumungad si Mommy na may matamis na ngiti sa labi.

"Nasa baba si Bailey. May dalang cake. Nag-bake daw ang Mommy niya at pinadalhan ka." Ngising-ngisi si Mommy. "Puntahan niyo na siya sa living room."

Naunang bumaba si Mommy. Nagkatinginan muna kami ni Sky bago sumunod sa kaniya. Mabilis siyang nag-iwas nang tingin sa'kin at hanggang sa makarating kami sa living room ay hindi niya na ako inimikan.

After the park incident, naging iba na ang trato ni Bailey kay Sky. Natauhan yata sa lakas nang sampal ko. Hindi na rin ito ang unang beses na nagdala siya ng pagkain sa bahay at nakakainis lang dahil binibigyang kahulugan iyon ni Mommy.

Agad tumayo si Bailey nang makita kaming parating. "Here... my mom wants me to give it to you." I can sense how uncomfortable he is when he looked at me.

"Thank you." Sambit ko nang kunin ko sa kamay niya ang cake na dala. Napasulyap ako sa kamay niyang may mga bandage at kumunot ang noo ko nang may ilang paso roon. Agad niya iyong tinago sa kaniyang likuran ng mahalatang doon ako nakatingin.

Katulad ni Sky ay lumaki ring gwapo si Bailey. Biruin niyong nasa Senior High pa lang kami ay marami ng admirers ang dalawa. Ewan ko ba, pero kay Sky lang talaga ako nahumaling ng ganito.

"Have you done with your lunch, Bailey? Kung hindi pa ay sumabay ka na sa amin." Ani Mommy.

Kahit siguro tumanggi si Bailey ay pipilitin pa rin siya ni Mommy na sumabay sa amin. Kaya ngayon ay tahimik kaming kumakain sa dining room. Wala si Dad dahil busy ito sa trabaho ngayon. Si Kuya naman ay sa Manila nagtatrabaho kaya hindi ko rin nakakasama.

Hindi naman ako manhid para hindi mahalata ang pananahimik ni Sky. He isn't like this. Sumasali siya sa usapan sa tuwing kumakain kami kasama ang pamilya ko. But right now, he's cold as ice. His eyes were mysterious and I couldn't name the emotions in it. Siniko ko siya pero mabilis niya lang akong tinapunan ng tingin.

Take Him to the Moon✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن