Chapter 3

53 7 0
                                    




TIME really flies so fast. First year college student na kami ni Sky. Pareho kami ng university na pinasukan maging ni Bailey. I am taking AB COMM while Sky is taking Architecture and Bailey is taking Civil Engineering.

            Dahil nga hindi na kami mga bata, tuluyang nahubog ang katawan ni Sky. He's so tall now and his body isn't thin anymore. And of course, walang hindi makaka-ignora sa taglay niyang kagwapuhan. He grew up so handsome that sometimes made me think about why I became close with this Greek God.

Bad boy looking si Bailey at si Sky naman ay misteryoso ang datingan. Iyon tipong mai-intimidate kang lapitan kasi pakiramdam mo ay hindi ka kakausapin. Mas lalong dumami ang admirers ni Sky at syempre hindi magpapahuli si Bailey. Sa tuwing kasama ko ang dalawa ay maraming masasamang tingin ang bumabaling sa akin. They hate me for being close to those Greek Gods. It's the reason why I didn't get friends. Ang tingin kasi nila sa akin ay kalaban kasi nga close ako sa dalawa.

"Nakaka-stress 'yong isang minor subject namin. Ang daming requirements na pinapagawa! Kainis! Feeling pa-major, eh!" Reklamo ko habang linalantakan ang pagkain ko. We're here in the cafeteria and I am always eating with these two. Hindi nabago sa akin ang mga matang nakamasid sa mesa namin sa tuwing kakain kami. Dahil nga walang gustong makipag-close sa akin, laging sila ang kasama ko sa tuwing lunch time o kaya may mga pareho kaming vacant.

Sky is sitting beside me. Nakangisi siya sa'kin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. It feels like his smile is hypnotizing me.

Right.

Kahit ngayong college na kami ay hindi pa rin nawala ang mga paru-paro sa loob ng tyan ko sa tuwing kasama ko si Sky. Instead, it grew wilder.

"I can help you with your requirements. I'll go to your room tonight." Sky said.

Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit maraming galit sa akin. They misinterpreted the things that I shared with Sky. Gaya nga ng sabi ko ay hindi na big deal sa amin na magkasama lagi kami sa kwarto. Kahit nga ngayon ay nagtatabi pa rin kami sa pagtulog at walang kaso iyon sa magulang namin. But these ladies that admire my Sky, thought it differently. Wala naman akong pakialam sa iniisip nila kaya hindi ko na pinag-aksayahan ng oras na itama ang iniisip nila sa tuwing tinatanong nila ako.

"I can also help you." Bailey offered. "Can I also come to your room tonight?" Nahihiya niya pang tanong. Dahil nasa harap ko siya ay kitang-kita ko kung paano namula ang magkabila niyang tenga. For all those years I'm with Bailey, I observed that the tip of his ears are always getting red every time he's shy.

Sky glared at Bailey. "You aren't allowed. I'm the only one that Tita trusted." Pagyayabang ni Sky.

Bailey's forehead furrowed. "Are you saying na may gagawin akong masama kay Luna?"

"Wala ba?" Sky sarcastically uttered.

Palihim kong sinipa ang kanang paa ni Sky. Nagtatanong naman ang mga mata niya nang bumaling sa akin. I frowned at him. With all those years too, naging aso't pusa ang dalawa. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo nila sa isa't isa pero kadalasan ay si Sky ang nagsisimula kaya laging napipikon si Bailey.

"Ayos lang, Bailey. Pumunta ka sa bahay kung gusto mong tumulong." I smiled at him and the tip of his ears getting redder.

Hindi ko na nilingon pa si Sky kasi alam kong masama na ang tingin niya sa akin. I don't know but I have this feeling that Sky doesn't want me to share with Bailey. Thinking of that makes my heart beats fast than normal.

"I will. What do you want me to bring? I can bake.... I mean I can ask my Mom to bake a cake." Bailey said.

"No need. Bahala na si Mommy sa kakainin natin mamaya."

Take Him to the Moon✔Where stories live. Discover now