Chapter 1

94 8 0
                                    




"ANO ba, Sky? Hindi nga pwede! Ako ang pagagalitan ni Tita Hazel kapag sinamahan kita." Iritado kong sabi at iniwasiwas ang kamay ko para hindi niya na mahawakan.

            We're inside my room. Pinuntahan niya ako rito para yayain akong pumunta sa playground at akyatin ang isang puno roon kung saan may ibong nananahan. We're just thirteen, grade 7, and we both study at the same school. Magkaklase rin kaming dalawa at pagkakarating sa eskwela ay sa kwarto ko o sa kwarto niya kami magpapalipas ng gabi para gumawa ng assignment. Magkatapatan lang ang bahay namin.

            "Hindi naman malalaman ni Mommy, unless sasabihin mo." Nakaupo siya sa gilid ng kama ko habang marahang hinihigit ang aking kamay para sumama na sa kaniya.

            "Saan mo naman itatago 'yong ibon kapag nakuha natin? Makikita pa rin yon ni Tita." Isinubsob ko ang aking mukha sa unan para mas lalong hindi niya ako mapilit.

            He has a weak heart.  Mabilis siyang mapagod kaya ingat na ingat sa kaniya ang parents niya. Since he was born, he already has that disease. Kaya laging sa bahay lang kaming dalawa naglalaro ng laruan o kaya ay bahay-bahayan. Iyong mga laro na hindi kailangan ng masyadong galaw.

            "Just go with me, please? He's lonely there." His eyes softened. "I don't want him to feel alone."

            Napaawang ang bibig ko at hindi agad ako nakapagsalita. Umupo ako sa kama tyaka siya hinarap. He's an only child. Lagi pang busy sa negosyo ang parents niya kaya naiiwan siyang mag-isa sa bahay nila bukod sa mga kasambahay nila. Kaya halos hindi kami mapaghiwalay kasi wala rin naman siyang ibang sasamahan bukod sa akin. Unlike me, I have one sibling older than me. Kuya Jake is a college student. Sa Manila siya nag-aaral. May mga pinsan din ako na minsan ay pumupunta sa bahay para bumisita. While Skyler's cousins were living abroad.

"Skyler... your heart..." hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko. I don't want to remind his condition. Parang nawawasak din kasi ang puso ko sa tuwing naaalala ko iyon.

He got the pillow that I am holding. Linagay niya iyon sa tabi at muling hinila ang kamay ko. "I'll be okay. Mabilis ko lang aakyatin iyong puno."

I know he won't let me climb the tree. He's kinda protective of me. Nagagalit siya sa'kin kapag nasusugatan ako. He's always been like this. Ayaw niyang mararanasan ng iba ang nararanasan niya.

He suffered a lot. Ilang beses na siyang sinugod sa hospital noong mga bata kami at naiinis siya sa sarili niya sa tuwing umiiyak ang mommy niya dahil sa kalagayan niya. He's so selfless. Mas mahalaga sa kaniya ang mararamdaman ng iba kesa gumaling siya.

"Please, Luna? Just this one," His eyes were enticing me. How could I resist him?

Wala akong nagawa kundi ang samahan siya sa playground. It's Saturday and for sure, there are so many kids playing there. Wala kasing pasok. Pagkarating namin doon ay hindi nga ako nagkamali. Hindi na lang namin pinansin ang mga batang katulad din namin na masayang naghahabulan.

"Are you sure about this?" Nag-aalala ko siyang tiningnan. Medyo mataas ang puno. Ayokong gawin niya ito pero ayaw naman niyang paawat.

He smiled before he took off his slippers and ready himself. "I'm always sure of everything, Luna."

I shook my head and looked away. "Be careful, Sky."

Hudyat iyon para magsimula siyang umakyat. Noong una ay nahihirapan siya dahil medyo mataas iyong sanga na pagkakapitan niya. Itinulak ko ang likod niya para maiangat niya pa ang sarili.

"Push me harder, Luna." Nahihirapan niyang sabi.

Binalot ng kaba ang puso ko. I want him to stop this. Pwede namang magpabili na lang siya ng ibon sa parents niya. He's so stubborn.

Sa wakas ay nagawa niyang makatungtong sa isang sanga hanggang sa magpalipat-lipat siya at maabot ang nest ng ibong gustong-gusto niyang makuha. Malaki ang ngiti niya sa akin nang makita niyang naroon pa rin ang ibon.

"Luna, sumali ka sa'min. Laro tayo!" Bailey went to me and grabbed my hand.

Hindi ako nagpadala sa higit niya kaya nanatili lang ang kamay niya sa braso ko. He's one of our neighbors. Katabi lang ng bahay namin ang bahay nila. Palagi niya akong dinadaanan sa bahay para yayaing maglaro pero madalas kong tanggihan.

"Hindi ako pwede, eh. Kasama ko si Sky." Akma kong aalisin ang kamay niyang nasa braso ko pero humigpit ang hawak niya sa'kin. Naging seryoso rin ang mga mata niya.

"You should enjoy your childhood days, Luna. Dapat sa akin ka sumasama para marami kang—"

"She's enjoying her days with me." Nagulat na lang ako nang magsalita si Skyler sa gilid ko. Hindi ko namalayang nakababa na siya. Hawak niya sa isang kamay ang nest at tinanggal ng isa niyang kamay ang kamay ni Bailey na nakahawak sa akin. Nagawa pa niya akong hilahin palapit sa kaniya. "We're having fun." His eyes were so serious.

Mas matangkad si Skyler sa kaniya pero kaunti lang naman ang deperensya ng height nila. Skyler's features are more enticing than Bailey though he's handsome too. Sa sukat naman ng katawan ay lamang si Bailey.

Bailey smirked. "Having fun inside your room while there's an oxygen tube on your nose every time you move a little?" Nagawa pa niyang tumawa.

Skyler's hand gripped me tightly. I can see how his face tense and how he is just controlling himself from anger. I glared at Bailey. "Stop it, Bailey! How could you say that?!"

"Why? It's true. Ikaw ang nagdudusa dahil sa sakit niya, Luna. Hindi mo magawang maglaro sa labas gaya ng ginagawa namin dahil sinasamahan mo siya. You're the one who's suffering here. Hindi mo naman obligasyong pasayahin ang may sakit. You are better if he's gone—"

The next thing I knew, my hand landed on Bailey's hard face. Nangingilid ang luha ko habang masama ang tingin sa kaniya. "You're the one who should lose! Sa susunod na magsalita ka ng ganyan, mabuting asal ang ipapakain ko sayo para magkaroon ka naman kahit kaunti sa katawan mo!"

Bailey was speechless. Napatigil pa ang iba at nakatingin na sa amin. The pain enveloped me when I see how Skyler's eyes glistened in sadness. Wala siyang imik habang hinihila ko siya pabalik sa bahay namin. Wala sina Mommy sa bahay ngayon dahil sa negosyo kaya malaya akong maglakad papasok sa bahay namin habang puno ng luha ang mukha ko.

I was still pulling Skyler's hand when we went inside my room. Nagtataka ko siyang tiningnan nang tumigil siya at bahagyang iginalaw ang kamay para hindi ko siya mahawakan. His eyes were cold as ice now.

"Bailey's right—"

"No! He's a jerk! Don't believe him. Inggit lang 'yon." Umiling-iling ako at pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko.

His eyes were sorrowful when he looked at me. "You can't play outside like what normal kids do because of me. You can't have more friends as you stay here with me, Luna." He looked so hopeless. "It's okay with me if you get along with them. Kahit gusto ko akin ka lang, hahayaan kitang makakilala pa ng iba."

Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang ganito. Nadudurog ako sa tuwing iniisip niyang pabigat siya sa akin. I chose to stay on his side because I want to; because I love to spend my every second with him. Why he doesn't understand that?

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. I put my hands on both cheeks and gently caressed it. I wiped the tears that successfully escaped his lips and hugged him so tight. Agad pumulupot ang isa niyang kamay sa likod ko habang hawak niya ang nest.

"As you said, we're enjoying our time together. I am contented with you, Sky. I don't need anyone else to go along with. Masaya naman tayong dalawa, 'diba?" Isinubsob ko ang aking mukha sa balikat niya. Ramdam ko ang pagtango niya dahilan nang paghikbi ko.

As I wait for the moon to bright, the realization hits me. I am in love with the sky where the moon and the stars belong.

*****

Wait for the next UD. Thanks.

Minnie Hwang

Take Him to the Moon✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon