Chapter 4

48 8 0
                                    




LINALARO ng paa ko ang maliliit na bato na aking natatapakan. Ilang oras na rin akong nakaupo sa pathway ng bahay nina Sky. Hinihintay ko siya pero alas-dies na ay wala pa rin siya. I wonder where he is. Kapag ganitong oras ay kami na iyong magkasama. Pagmamasdan ang mga bituin at buwan sa langit hanggang antukin kaming dalawa.

            Mabilis akong tumayo ng pumarada ang sasakyan ni Sky sa tapat ng bahay nila. He was startled when he saw me. Ngayong nasa harapan ko na siya ay tila nakalimutan ko na kung bakit ako naghintay ng matagal dito.

            "Why are you waiting outside, Luna? You should wait in my room." His forehead creased. "Bakit nga pala hinihintay mo ako?"

            Palihim akong napa-ismid sa sinabi niya. Kailangan pa bang itanong 'yan? Hindi niya ba naisip na halos isang buwan na kaming hindi nag-uusap? Hindi niya ba iyon namalayan dahil okyupado siya kay Savannah? Bakit ang bilis naman niyang makalimot. Mabilis niyang nakalimutan ang taong kailanman ay hindi siya iniwan.

            "Ah, wala. Sige, uuwi na ako." Mabilis ko siyang tinalikuran dahil ayokong masaksihan niya ang mga luha kong kay bilis nagkarerahan pababa sa aking pisngi. But before I could walk towards our house, he grabbed my hand. I wiped my tears before I turned to him.

            "I miss you, Luna." He almost whispered. May kung anong emosyong pinapahiwatig ang boses niya pero hindi ko mawari iyon.

            "Ganoon ba ako kadaling kalimutan, Sky?" I bit my lower lip to suppress the sobs that want to escape from my lips. Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya nang maramdaman ko na naman ang pangingilid ng aking luha. Bakas ang pagkalito sa kaniyang mukha. "It's been a month without any interaction but you failed to notice it."

            Sa ekspresyong ipinakita niya ay mukhang napagtanto nga niyang matagal na kaming hindi nagkakasama. Inalis ko ang kamay kong hawak niya at hindi na naman siya nag-abalang hawakan pa iyon.

            "I was busy with our requirements—"

            "I saw you with Savannah." Guilt appeared on his face. "You're always with her. Ilang beses ka naming dinadaanan ni Bailey pero hindi mo pansin ang presensya namin kasi masyado kang okyupado sa kaniya."

            May magagawa ba ako kung talagang kaibigan lang ang tingin niya sa'kin? Ipagsisiksikan ko ba ang sarili ko kung hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko? Like I said, I want him to be happy. His happiness is my happiness too. Kaya kahit masakit na makita siyang masaya sa iba ay kakayanin ko.

            "I'm sorry." His eyes softened. Napayuko siya at hindi na ngayon makatingin sa akin. But after a few minutes, he directly looked at my eyes. "I like her."

            Those words broke my heart into pieces. Mas masakit pala na marinig iyon mula sa kaniya. I couldn't explain the emotions suddenly awaken inside me. Why he can't like me?

            I bitterly smiled. "I'm happy for you." As long as you're happy, I'll try my best to be happy too.

            "Thank you, Luna. I know you'll understand me." Hindi mapatid ang ngiting umukit sa kaniyang labi. "She made our relationship official tonight."

            Kung gaano siya kasaya ngayon ay ganoon katindi ang pagkawasak ng puso ko. I've realized, I am not really his luna. I am just a shadow of the moon he waits to come. At ngayong dumating na ang hinihintay niyang buwan ay mawawala na rin ako... mawawala na iyong aninong naghahangad na mapansin na ngayo'y tuluyan nang binalot ng kadiliman.

            I really tried to be happy for him but I just can't stand here knowing Sky is harming himself. It's been weeks simula noong nakapag-usap kami ni Sky. Ilang beses ko siyang pinagtatakman sa parents niya kapag hindi siya umuuwi sa kanila, bagay na hindi naman niya ginagawa noon. Sinasabi ko na lang na sa kwarto ko natutulog si Sky kahit na maging ako ay hindi ko alam kung nasaan siya. But I am sure at one thing, he's with Savannah.

Take Him to the Moon✔Where stories live. Discover now