CHAPTER 1

1.6K 86 122
                                    


"BADDIE IMPERIAL!" rinig na rinig sa buong kulungan ang sigaw ng daddy ko. Pinalaya naman ako ng pulis na humuli sa akin kanina.


"Bert, calm down," pagpapakalma ni mommy sa kaniya. 


Bumuntong hininga ako at naglakad palayo, dinig ko pa rin ang pagbubunganga ni Daddy. Hanggang sa sasakyan ay binubungangaan niya ako. Halos gusto ng umalis ng driver namin dahil pinapagalitan niya ako.


"Hanggang kailan ka magloloko?! You're eighteen and mag-co-college ka na!" sigaw muli niya habang nasa passenger seat.


We're on our way home. My mom looked disappointed again, I sighed. 'Yon naman lagi ang dinadala ko sa kanila. Hindi tulad ng mga kapatid ko na matitino, always obeying dad. 


"You're taking law!" Tinignan ako ni Daddy sa mirror ng sasakyan. "You're gonna take law, you're gonna quit drag-racing and shits! Nakakahiya ka!"


"Bert, kumalma ka na, ang dugo mo..." Pagod na hinimas ni Mommy ang balikat ni Daddy mula sa likod.


"Drag-racing isn't shit, Daddy. It's-"


"Damn reasons, Baddie! Ano ba, ha?! Binibigyan mo kami ng dahilan para mas lalo kang paghigpitan! Paano kung makaabot ito sa company? Nakakahiya ka!"


"I know, for fuck's sake," bulong ko at tumungo sa bintana.


Buong byahe ay wala siyang ginawa kundi bungangaan ako habang si mommy ay panay buntong hininga. Nang makarating kami sa bahay ay nauna akong bumaba at pumasok.


"You're giving us so much disappointments, Baddie! We're family of lawyers tapos ikaw, pabalik-balik sa illegal drag-race-fucking-shit!" Galit niya akong hinarap pagkapasok na pagkapasok sa bahay namin. "You're taking law, whether you like it or not!"


"Bert," banta ni Mommy. "We don't decide for their dreams."


"Irna!" galit ding tawag ni Daddy kay Mommy. "Pwede bang wag mong i-spoil yang bunso! Kaya nagiging ganyan ang ugali! Hindi tumulad sa ate't kuya niya!"


"She's taking architecture, Bert. That is her dream!"


"Tapos ano?! Sasayangin niya pagpapa-aral natin sa kaniya dahil sa letseng katarantaduhan niya?!"


"What is going on?" I heard my brother's voice. He's the eldest.


"Isaac Nathan," bati ni daddy sa kaniya sa napakamalumanay na boses.


Of course! He's the heir of our company, paanong hindi siya magiging paborito? And he's taking law, kaya gustong gusto talaga siya ni daddy.


"Hey, Dad, Mom. What's going on?" kalmadong tanong nito, ang mata ay nasa akin.


Truth or Lies [Manila Girls Series #1]Where stories live. Discover now