"Shut up Dick!"

Napatawa na lang kami dahil sa kanilang dalawa. Kaya naman pala parang wala sa mood si bruha, absent ang bebe niya. Hmp. Ang aarte ah.

"Who's first?" Selene asked

"Ako na lang!" Dike smirked. "So my first question, what do you think the color of my underwear is?"

Literal na napairap ako dahil sa tanong niya. Such a pervert. Tss. "Pink?" Cassandra guess

Mabilis na umiling si Dike. "Nope." popping 'p'

"Black? You like black diba?" Selene tried

And again. "Engk! HAHA"

Gosh. Seryoso sila dito? Nag suggest ako ng laro para may mapaglibangan kami. Hindi 'yung ganito. "I think, red." Ianthe said

At katulad kanina, mali ulit. Ano bang kulay ng underwear nito? "Yellow na may design na flowers." Juno simply said.

Kita ko kung pano napanganga si Dike. Nanlaki ang mata ko, habang ang tatlo tila nagulat sa sinabi ni Juno. What the hell?! Seryoso?

Napakagat labi ako para pigilan ang tawang gusto kumawala sakin. Damn it! "What the fck Dike? Nagsusuot ka ng ganun?" pang-aasar sa kanya ni Selene

"Shut up! I lost the bet, that's why." di makatinging sagot niya

"Floral underwear ah. You like it pala." Ianthe smirked at her

"Damn you girls! Shut up!"

And we burst into laughter.  Sobrang sakit na ng tyan ko sa sobrang pagtawa. Gosh! Hindi ko akalaing gagawin ni Dike ang magsuot nun!

"How did you know JC?" Cassandra asked

Juno smirked. "Na-wrong sent siya sakin."

Mas lalong sumama ang mukha ng pinsan ko kaya napatawa kami lalo. Kung hindi ba naman siya tatanga-tanga. Tssk. "Tssk! Stop laughing! Maglaro na lang ulit tayo." napipikong sagot niya.

Saglit pa ulit kami tumawa bago magsimula. "Okay, ako sunod." Cass cleared her throat. "Who is your celebrity crush?" she asked

Napakunot noo ako. "Seriously Cass? About crush?" tanong ko

She nodded. "Yup! Wala naman sigurong mali dun diba? C'mon girls! Just, answer it."

"I admire Bella Thorne." Juno said. "She's fcking gorgeous. I like her."

"Simula ng makilala ko si Achi, wala na kong celebrity crush. Sorry Cass." Sagot ni Selene

Napailing na lang ako. Talagang patay na patay siya kay Doctora. Tss. "How about you Vi?" Juno asked Vi

She shrugged her shoulder. "I'm sorry, I don't have a celebrity crush. Mas maganda pa ko sa kanila."

I chuckled. Yabang. "Wow! Conceited ah." I sarcastically said to her

"I'm just stating the fact here." She simply said .

Napailing na lang ako. Ibang klase talaga. Ang hilig talaga niya magbuhat ng sariling bangko. Mabilis kaming napatingin kami kay Dike na tahimik. "Ako? Well, I'm deeply madly inlove with my girl. Hindi ko na kailangan ng celebrity crush na 'yan."

I massaged my temple. Gosh. Ang yayabang nila. Oh edi sila na may lovelife. Tssk. "Ikaw Pen?" Cass asked me

Napaisip ako. Celebrity crush? Si Cardo, HAHA joke! Mabilis akong umiling sa kanila bilang tugon. "Wala ee." sagot ko

MistakeWhere stories live. Discover now