Chapter 6: Expedition

Start from the beginning
                                    

Unti-unti na kaming lumapit sa tulay kaya naman napansin kong sa amin pala nakatingin ang mga tao roon.

"Is that Primo?" I spotted a familiar man with much darker shade of red hair. One of the bosses. "He's with a few members of Les Noir Confreries." Saglit na inalis ni Lider ang tingin niya sa daan para sumulyap sa itaas.

When they saw us approaching, they readied their guns. Primo rested his machine gun on top of the railings while the two men beside him bent a bit to take a better view from their snipers. Pinabilis ni Lider ang pagpapatakbo at nang madaanan namin ang tulay, doon na sila nagpa-ulan ng mga bala. Nilingon ko ang mga kotseng humahabol sa amin, lahat ng iyon ay basag na habang ang isa ay sumabog kaya naman lumipad ang mga piraso nito sa mga katabing kotse na nagpapagulong-gulong.

Shattered windows. Burning engines. Wrecked cars.

All of that covered in gray smoke. 

➣ R Y D E

"So what brings you here?" Lider asked Primo as they walk together, entering our mansion. Nasa likuran lang kami ni Steer kasama ang dalawang kanang kamay ni Primo na sila Ace at Keen. The other members of Les Noir Confreries had left to deal with their underground business.

"I need some of your excellent racers. Can I take Blix and Skylar to accompany Ace's team?" Primo asked. Hinintay ko ang sagot ni Lider. Sa pagkakaalam ko kasi ay may mission ulit ang team nila bukas kaya hindi ko alam kung papayag siya.

"Anong oras ko sila ipapadala?"

"Whole day. From planning to execution."

Lider had to think about for a minute, but later on I heard him agreeing. Ako ang sunod niyang nilingon matapos makipag-usap kay Primo. "Kayong apat na ang bahala bukas, pumunta ka mamaya sa office para mapaliwanag ko ang dapat gawin."

"Wait, with Erie?" I asked, hoping. Tumaas pa ang magkabila kong kilay na para bang hindi na ako makapaghintay sa sagot. He suddenly grinned so I had my hopes up high. Lider already separated me to Skylar so I guess he wouldn't take Erie away from me too, right? Right?

"No."

Oh fuck, don't tell me...

"With Steer."

***

I sat in my bed, drying my long blonde hair with a towel. Suddenly, I heard four knocks from the door and based on how it sounded, I already know it was Erie. Umangat tuloy ang isang sulok ng labi ko. 

Pinagbuksan ko siya ng pinto at bumungad sa akin ang nakasimangot niyang mukha. Nauna pa siyang pumasok at padabog na umupo sa kama. "Problema mo?" I asked with a chuckle, still drying my hair.

"I heard you'll be taking over for the other team tomorrow." She glanced at me. Lukot ang mukha at naka-ekis ang magkabilang braso.

"Yeah." I sighed, dropping my arm as if it suddenly looses its strength. Naalala ko na naman tuloy na ang gagong 'yon na pala ang makakasama ko sa team. Pasalamat na lang ako dahil hindi pinalitan ni Lider ang mga papel namin. I'm still the gateway driver and the leader of our team. And I will always be. I'll make sure of it. Hindi pwedeng makuha sa akin ng iba 'yon. Lalong-lalo na si Steer.

"And without me?! Kung kailan namang natutuwa na ako sa trabaho ko!"

"Enjoy na enjoy ka naman sa pakikipaghalikan sa iba." Nginisihan ko si Erie.

"Not that!"

"Whatever you say." Iyon na lang ang sinabi ko. Alam ko namang hindi iyon ang dahilan, gusto ko lang siyang asarin.

Si Erie, gusto niya laging may ginagawa at may tinutulong. Ayaw niya ng nakatanga lang, ayaw niya ng naghihintay lang. Now that she'll be taking over Lider's side job—planning, distributing and tracking, I hope she won't get bored. That's not an easy job, but Erie just prefers to be on the actual execution rather than laying the groundwork.

"Ako nga makakatrabaho ko ang gagong 'yon pero wala kang narinig na reklamo sa akin." I told her. Pakiramdam ko talaga hindi kami magkakasundo ng taong 'yon lalo na't hindi maganda ang unang pagkikita namin. Mukhang hindi niya rin naman ako trip. Ewan ko ba. Pakialam ko sa kaniya. I'm just trying to be professional. It's always job over personal things. 

"Congrats! Mature ka na. Tama lang ang desisyon mo na gayahin ang professionalism ko." The sarcasm rolled out from her tongue once again. Nag-makeface na lang ako sa kaniya na agad niyang ginantihan. 

Tang ina. Mature and professional pala ha? Nasaan?

"Wait, Sam." Bumalik na ulit siya sa pagtawag sa akin no'n. I don't know, but I could feel inside whenever she calls me by my first name. It feels different.

Dito ako lumaki sa mansion kasama si Erie at Skylar. Everyone referred to us by our first name because that's how they want to. Wala pa naman sa isip namin ang tinatawag nilang code names.

Sa dami ng tumatawag sa akin ng Sam or Sameth, yung galing lang kay Erie ang maganda pakinggan. Ang sarap sa pandinig.

"Hmm?" I smiled a bit.

"Naalala mo ba yung kinwento ko sa inyo ni Sky na one night stand ko na hindi naman talaga one night stand?" Tumawa pa siya ng malakas kaya nawala rin bigla ang ngiti ko.

"Oo." Tanda ko ang bawat kwento niya, lalo ang isang 'yon. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako kung maaawa sa kaniya tuwing naaalala kong iniwan lang siya sa hotel nung lalake sa kalagitnaan ng madumi nilang gawain. 

"Hanggang ngayon kasi parang hindi pa rin siya nagagalingan sa akin." Bumagsak na ngayon ang tono niya na lalong kinakunot ng noo ko. 

"Bakit?" I asked.

"Anong bakit?" Tanong niya kaya lalo akong nakipagtitigan. Magsasalita na sana ako kaso bigla niyang iniba ang usapan. "Saan ba nanggaling ang sugat mo?" Hahawakan na sana nang pisngi ko kaso marahan kong tinabig ang kamay niya. Para pa siyang nagulat at nagpanic sa loob loob.

Why is she acting like this after bringing it up?

"Nakita mo na ba siya? Naulit na naman ba?"

_

Races and Eight (Les Mafias #1)Where stories live. Discover now