Chapter 35: Acknowledged

98 7 0
                                    

➣ R Y D E

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

R Y D E

Hawak ko ang medal na nakasabit sa aking leeg pagkababa ko ng kotse. Matapos ng announcement ng mga nanalo kanina, konting celebration lang roon sa raceway tapos dumiretso na agad kami sa Casa Real para ituloy ang kasiyahan. 

Bumungad sa akin ang palakpakan nilang lahat. Karamihan ng nakikita ko rito malamang ay galing sa organization namin. I could only spot a few from other organizations. They have their own jobs that's why. Hindi kami magkakatugma ng oras sa mga bagay bagay. 

"Congratulations, Ryde." 

"It was such an honor! Congratulations."

Ilan din ang kinamayan ko.

Everyone is chanting for me. My name could be heard in every corner. Ngayon ko lang naranasan 'to na ako lang. Yung para sa akin lang.

"They are very proud of you, Ryde." Si Lider na pinauna ako maglakad kanina ay sinabayan na ako ngayon. Nagpatong siya ng isang kamay sa aking balikat at dalawang beses iyong tinapik.

"They are?" Nagawa ko pang magtanong. Hindi kasi talaga ako makapaniwala na naipanalo ko 'yon.

"You could see it from their eyes." He answered with a smile. 

Lider was extra kind to me tonight.

Pagkaapak ko sa grand foyer, sinalubong agad ako ni Sky na kabababa lang ng hagdan. "Bro, what the fuck ka!" He offered a high five and when I accepted it, he pulled me and firmly tapped my back. "Galing mo!"

"Gago." I chuckled.

"You're welcome ha?"

Muli ay tinawanan ko na lang iyon. I was damn flustered, okay? I don't know! Mukhang naiwan pa yata sa kalsada ang katinuan ko. Hindi pa nagsisink-in sa akin ang lahat.

"Inom!" Kast barged in and handed me a glass of whatever. Our favorite liquor maybe.

Isa-isa ay nagsilapitan sa akin ang Infinito at isa-isa akong binati. Ilang tapik sa likod ang natanggap ko.

Infinito celebrated with me. Pinapalibutan nila ako ngayon. May lumapit sa aming server at nag-offer ng wine. Doon ko lang napagtanto na napakagrande ng gabing 'to. May catering pa. Only Keach and Blix accepted the wine dahil hard liquor na ang hawak ng ilan.

Laman na agad ako ng Roadracing World Magazine. Kada scroll sa website, sa kahit anong social media accounts ay makikita ang pangalan ko.

"May itsura ka pala kapag candid?" Hininto ni Kast ang pags-scroll sa phone ni Sky at pinindot ang picture sa isang article. Kuha iyon habang nakataas ang kamay kong may hawak na helmet, malawak pa ang ngiti at halos iyon na lang ang kita sa mukha ko dahil ang mahaba kong buhok ay halos tabunan na ang magkabila kong mata.

"Tang ina, kadiri nga. Tumutulo pa pawis ko." I said. Nakiscroll na ako doon sa phone at tiningnan pa ang ibang candid photos sa article. Ang daming shots. Mula sa simula ng racing hanggang sa pagtapos.

Races and Eight (Les Mafias #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon