DOS: PRIDEFUL MAN (2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Boy! Ilang taon ka na?" maring tanong sakin ng pulis. Tatlo silang nakapaligid sakin at inaantay nila ang sagot ko.

"Eight po!" mahina kong sagot.

"Anong natatandaan mo?" tanong naman nung isa.

"Lalaki po sya tapos naka itim na damit. Sinakal po nya si Mama tapos yung dugo ay pinahid nya sa labi ni Mama." pagkukwento ko.

"Gaano katangkad yung lalaki?" muling tanong nila.

"Kasing tangkad po ni Kuya na yun." saad ko sabay turo sa isang pulis na naroon. Tumango naman sila. Nag tanong pa sila ng paulit ulit ngunit hindi ko na masagot dahil wala na talaga akong maalala.

"May naalala ka pa bang iba?" umiling lamang ako. Nagtinginan naman sila.

"Mag pagaling ka ah! Sige aalis na kami." saad nung isa at akmang aalis na ng maalala ko yung tatoo.

"Mister! Naalala ko po yung tattoo nya sa hand na bird tapos may nakasulat po na letter W.R.A.T.H pero hindi ko po alam kung anong ibig sabihin nun." muli kong pagkukwento. Namilog ang mata nila at nagtinginan. Ngumiti sila sakin bago lumabas ng kwarto. Sumunod ako sa kanila ngunit hindi ako lumabas ng kwarto. Rinig ko ang usapan nila sa labas ng kwarto.

"Mukhang malaking kaso ito."

"Oo nga! Pero ano naman kaya ang kinalaman ng babae sa sindikatong iyon?"

"Anong sindikato ba yan?"

"Bago kalang kasi Gil kaya hindi mo pa alam. Sila ang malaking sindikatong matagal ng hina-hunting ng grupo. Iyon ay ang---"

Isang malakas na kalabog ang gumising sa akin. Napabalikwas ako at napansin ko na sabay sabay kaming bumangon nila Ave, Rian at Eric. Nakita namin si Capt na nakatayo sa harap ng lamesa. Mukhang pinukpok ni Captain iyon kaya kami nagising pare-parehas.

"Rise and Shine Kiddos!! Kamusta ang pinapahanap ko?" tanong niya samin. Nagtinginan namin kaming apat. Napansin ko na umasim ang mukha ni Captain. "Tinulugan nyo lang?" nakakatakot na tanong niya samin.

"No Capt. May nahanap si Rian na kakaibang sasakyan na pumarada sa tapat ng store. Mio 125 kulay yellow." depensa ni Eric. Ipinakita pa niya ang printed na kuha nito kay Capt.

"That yellow Mio is also seen at the convience store where Jayson Fuentes came." saad ni Ave.

"Good job! Natrack mo na ba Rian kung sino ang may-ari?" tanong ni Captain.

"Ariel Reyes, 26 years old. Kaibigan sya ni Jayson Fuentes. He lives in same condominium with Jayson 2nd floor 106 ang room nya." wika ni Rian.

"Ok! Ave! Yvo! Ihanda nyo ang warrant of arrest then after nun pumunta na kayo kay Jayson. Kami nang bahala kay Ariel. Rian handa mo ang interogation room. Magsi-ayos muna kayo bago kayo magsipunta!"

"Yessir!!" kaming apat.

------------------------------

Halos apat na oras na kami ngayon dito sa loob ng interrogation room pero wala pa din kaming makitang pag-amin kay Jayson Fuentes. Mariin niyang itinatanggi ang krimeng ginawa niya. Halos maputol na rin ang litid ni Ave sa kakasigaw sa lalaki ngunit puro wala pa rin siyang reaksyon.

"Anong kinalaman mo kay Ariel Reyes?!!" muling sigaw ni Ave. Nakakailang ulit na tanong na ni Ave sa lalaki.

"Wala... He's just my employee." mariing wika nito. Malakas na hinampas ni Ave ang lamesa sabay tayo at kwinelyuhan ito. Napatayo rin ako at agad na inawat si Ave.

Evil MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon