Prologue

47 11 2
                                    

"Yvo.. Wag kang aalis dito kahit na anong makita o marinig mo hah!"

Nangingig ang kamay ni Mama nang isampa niya ako sa loob ng aparador. Bakas sa mukha niya ang sobrang takot at pangamba. Napatigil siya sa pag-aayos sakin ng marinig niya ang marahang yabag na papalapit sa amin.

"Tandaan mo Gil, mahal na mahal ka namin ni Papa mo.. Wag kang aalis dito.. Babalik ako." marahang hinalikan ako ni Mama bago nya itabon sakin ang mga damit at isarado ang aparador. Rinig ko ang pagbukas ng pintuan at kasunod nito ang malakas na sigaw ni Mama.

"Please!! Maawa ka.." nanghihinang wika ni Mama. Napatakip ako ng tenga ng muling kumalabog ng malakas.

"Haha! Binalaan na kita Anita pero hindi ka nakinig..." marahang tugon niya. Rinig ko pa din ang pagmamakaawa ni Mama ngunit natabunan ito ng malakas na tawa.

Napatakip ako ng tenga ng marinig ko ang nahihirapang paghinga ni Mama at ang mahina niyang pagmamaka-awa. Biglang may tumama sa aparador dahilan para umawang ito. Dahan dahan kong inalis ang damit na nakatabing sa mata ko. Napasinghap ako ng makita ko si Mama na nakahiga sa lapag habang nagpupumiglas sa lalaking sumasakal sa kanya. Nakasuot ito ng itim mula ulo hanggang paa at nakagloves din itong itim.

"Ack.. Ack.." unti-unting humihina ang pag pupumiglas ni Mama hanggang sa tuluyan na itong tumigil.

Napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang aking hikbi. Bumitaw ang lalaki ng makitang wala ng buhay si Mama. Nanginig ang buong katawan ko ng marinig ang hagikgik mula sa lalaki at naglabas ng isang maliit na kutsilyo na ginagamit ng mga doctor. Nakangiti niyang hiniwa ang leeg ni Mama at nang tumulo ang dugo ay sinawsaw niya and daliri niya at marahang ipinahid sa labi ni Mama.

"Hik!" napatakip ako ng bibig ng biglang kumawala ang marahang hikbi sa akin. Nakita ko na biglang tumayo ang lalaki at agad na nagpalinga-linga. Rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib lalo na ng makita ko na unti-unting lumalapit ang lalaki gawi ko.

Mabilis niyang binuksan ang aparador at akmang tatangalin na niya ang damit na nakatabon saakin ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napatigil siya at agad na sinagot ito. Nakita ko ang maliit na tatoo sa kamay nito. Hugis ibon ito at sa ilalim nito ay may nakasulat na WRATH.

"Ano?.... Bweset! Ayusin nyo na yan Bilis..." rinig ko na ang malalakas na mura niya. Nagmamadali siyang umalis ngunit bago pa siya makaalis ng tuluyan nakita ko na muli siyang lumingon sa gawi ko. Namutawi sa mga labi niya ang isang nakakakilabot na ngiti. Mabilis siyang umalis ng marinig ang wang wang mula sa pulis.

Matapos ang ilang sandali ay dumating na ang mga pulis. Hindi ko na din na pigilan ang sarili kong pumalahaw ng iyak lalo na ng tanggalin ng isang pulis ang nakatabing na damit sakin. Mabilis ang kamay niyang pumulupot sakin at inilabas niya ako mula roon. Naninikip ang dibdib ko at habol ko ang hininga ko dahil sa sobrang kaba at pag-iyak. Bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang pulis na marahang bumulong.

"Shh! Nandito na kami bata...tahan na.."

------------------------------------------

Don't forget to Comment your thoughts and share this story :)

Evil MindsWhere stories live. Discover now