SEIS: CASE OF RED LIPS (4)

4 0 0
                                    

"The three C's in life: Choice,Chance, Change.
You must make the Choice, to take the Chance, if you want anything in life to Change." - Anonymous

RIAN POV:

Mabigat ang mga mata ko ngunit pinilit kong dumilat. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko at ramdam ko din ang pamamanhid ng katawan ko. Ang huli kong naalala ay kausap ko si Ave and sasamahan ko dapat si Ara na bumili ng makakain sa labas when suddenly I felt electrocated and then everything went black.

When my eyes adjusted, napansin ko na magulo ang lugar at puno ng kalat. Marami ding pinta sa pader. Mukhang nasa isang abandunadong lugar ako. Ang ilaw lang na maron ay nagmumula sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintanang natatakpan ng punit punit na dyaryo.

"Argh!!!" malakas na sigaw ang nagpabalikwas sa akin at duon ko lang napagtanto na nakatali ang mga kamay ko sa pader. Napansin ko din sa kabila ko ang isang babaeng puro pasa at sugat.

Bumukas ang pintuan at inuluwa nito si Ara na magulo ang buhok at mabangis ang mukha. Deredertso ito sa babaeng katabi ko sabay sipa.

"Punyeta!! Napaka walang kwenta mo talaga Ara!!" saad nito sa babae habang sinasaktan niya ito.

"Ara! Stop!" hindi ko napigilang sigaw. Parang nahimasmasan siya na tumingin sakin. Gumuhit ang nakakatakot na ngiti sa kanya at umigkis ang kamay niya kaya naman napapikit ako. Nag antay ako na dumapo ang kamay niya sa mukha ko pero wala akong naramdaman. Nang dumilat ulit ako ay napansin ko na nakangiti siya sakin.

"Ang ganda mo pala ate Rian!" saad niya sakin. Hinaplos pa niya ang mukha ko.

"Ara.. kumalma ka.." bulong ko sa kanya habang hinahaplos niya ang mukha ko.

"Naalala ko sayo si mama.. sana kasing ganda nyo din ako." saad niya sa malungkot na boses. Nagulat ako ng biglang lumapat ang palad niya sa mukha ko. Bumaling ang mukha ko sa lakas ng sampal niya sakin.

"Siguro kaya niya ako ipinamigay dahil hindi niya ako kamukha. Ang panget ko kasi ee. Iniwan nya ako sa impyernong lugar na yun. Sa demonyong Alfredo na yun!! Kasalanan mo lahat ito Ara!!" sigaw niya at muling binalikan ng sampal at sabunot ang babaeng katabi ko. 

"T-tama n-na!! hindi ako si Ara!!" pagmamakaawa ng babae sa kanya. 

"Ara!! Stop!! Ako nalang ang saktan mo!" nagsisigaw ako at nagpumilit na tanggalin ang pagkakatali sa kamay ko. Binalingan niya ako ng tingin.

"Wag kang magalala, mamaya lang magiging ako, ikaw and atlast magiging maganda nanaman ako hahahaha." saad niya sakin sabay tayo at pagpag sa damit niya. Nabalot ng nakakatakot na tawa ang buong kwarto. Hanggang sa umalis siya ay abot pa din ang tawa niya. Naiwan kaming dalawa sa loob ng silid.

"Ok ka lang ba? Anong pangalan mo?" saad ko ng kumalma sa pag iyak ang dalaga.

"Angelica po." saad niya.

"Ilang araw ka na dito?"

"2 days no po ako nandito." sagot naman niya.

"Wag kang mag alala, pulis ako and alam na din ng mga kasamahan ko ang mga ginawa ni Ara kaya alam ko na hinahanap na nila tayo." pagpapalakas ko ng loob sa kanya.

"A-Ate.."bulong niya sakin. Binigyan ko siya ng isang ngiti at napahikbi siya.

Ave,Eric, Capt. and Yvo bilisan nyo. May kakaiba kay Ara and I think hindi magtatagal ay babalikan nya kami at hindi malabong baka sa pagbalik nya ay duon na din kami matapos.

--------------------------------

YVO POV: 

"The reason why Ara kidnapped Angelica two days ago ay dahil sa meeting nila ng manager ng orphanage na si Alfredo. Hindi malabong tinakot din siya ni Alfredo para sa pera and when she refused, sinaktan siya nito kaya wala siyang choice kundi magbigay. After that she feels pathetic and then sakto pa na nakita siya ng mama nya at pinilit pauwiin. She feels more pathetic lalo na nung magkasagutan sila ng papa. Bumalik sa kanya lahat ng nangyari sa orphanage and she feels more betrayed dahil sa ginawa ng mama niya." pagkukuwento ko kay Ara.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Evil MindsWhere stories live. Discover now