DOS: PRIDEFUL MAN (2)

25 8 4
                                    

Nang makabalik kami ng presinto ay nandoon na ang kotse nila Captain at Eric. Nang makita kami ni Capt ay agad siyang sumenyas sa conference room.

"How did it go?" paumpisa niyang tanong. Inilabas namin ang USB na naglalaman ng mga videos at ibinigay kay Rian.

"May alibi Boss! Negative tayo." wika ni Ave.

"Tagilid pero may possibility." wika ko naman. Kumunot ang noo nila sakin.

"What do you mean?" tanong ni Eric.

"Hoy newbie! Diba sabi ko sayo hindi nya kayang gawin yung krimen dahil kulang sya sa oras." katwiran pa ni Ave.

"Base sa observation ko, Jayson Fuentes is suffering from Narcissistic personality disorder. It is a mental condition in which a person has a deep feeling of admiration and confidence to himself but deep within they are vulnerable to slightest criticism and they have fragile self-esteem." paliwanag ko.

"In short mayabang to the highest level ganun?" tanong ni Rian.

"Parang ganun na nga, Pero may tendency na maging violent sila especially kung masasaktan ang ego nila. Madalas nakakaramdam sila ng pangangailangan na parusahan at sirain yung mga nagiging source ng frustration and pain nila." pagsagot ko. Napatango naman sila sakin.

"Kaya pala ibang level ang yabang nung hayuf na yun. Nakakastress sya! Pero hindi naman ibig sabihin nun sya ang killer kasi imposible talaga na makarating sya sa lugar nila Anette ng saglit lang dahil naka kotse sya tapos nag-usap pa silang diba." hindi pa rin natigil si Ave sa pangangatwiran.

"When we check yung area kung saan huling nakita si Anette, nakita namin sa black box ng isa sa mga nakaparadang kotse na dumaan si Anette roon. And then another CCTV shows Anette down the alley 2 blocks away from the store and that's the last time na nakita si Anette." Paliwanag ni Eric habang pinapanuod namin yung video.

"Rian balik mo nang konti." saad ko nang may mapansin akong kaka-iba. Agad namang tumalima si Rian. Muli kong nakita ang aninong nakasunod kay Anette.

"May sumusod sa kanya." saad ko at itinuro ang aninong nakita ko. Muling ini-rewind ni Rian ang video at napansin namin ang dalawang aninong lumabas sa screen before pa man makita si Anette sa mismong camera.

"So ibig sabihin magkasama sila kanina pa and then Anette walk passed by the car and yet the suspect move in the blind spot." si Captain ang nagsalita. PAra-parehas kaming tumango.

"Capt. Eto na yung hinahanap natin!" sigaw ni Rian. Muling napabalik sa monitor ang mata namin ng makita namin ang isang lalaking matangkad na nakahood ang sumusunod kay Anette.

"Suyurin nyo ulit lahat ng videos na nalakap natin. Kelangan nating makahanap ng iba pang detalye." utos ni Captain.

"Yessir!!" magkakapanabay naming wika.

Inabutan na kami ng hating gabi sa opisina pero wala pa din kaming makita. Nanakit na ang mata ko sa paulit-ulit na panunuod ng mga videos na nalakap namin. Tulog na si Capt. Si Ave din naghihilik na. Tatlo nalang kami nila Eric ang naghahanap.

"Yvo! Tulog ka na gigisingin ko si Ave para sya naman ang maghanap." saad ni Eric sakin.

"Paano kayo?" tanong ko naman.

"Naku~ wag ka magalala, sanay na kami sa ganito." paliwanag niya sakin. Tumango ako. Nakita ko na lumapit si Eric kay Ave at sinipa ang couch kung saan ito na tutulog. Nagulantang naman ito at bumalikwas sabay batok kay Eric. Lumapit ako sa couch para doon matulog. Rinig ko pa ang reklamo ni Eric at ang singhal ni Ave dito.

What a first day! Sabak agad sa matinding kaso. Nang makahiga ako ay ramdam ko ang pamimigat ng talukap ng mga mata ko. Unti-unti akong nilamon ng antok hanggang sa makatulog na ako.

Evil MindsWhere stories live. Discover now