Regrets

188 37 19
                                    


"Hi!"
Chat ko sa new friend ko sa fb.
"Ang sungit mo naman"
Muling chat ko, si-neen niya lang kasi ako.
"Notice me po!"
Muling Chat ko sa kanya.
" I don't talk to strangers "
Chat niya bago siya nag log out.

___________________

Me: Psst! Masungit na lalaki!
*seen*
Me: Seener mo talaga!
*seen*
Me: Alam mo ba ang lungkot ko ngayon, pero ang galing ko kasi naitago ko yung sakit at lungkot na nararamdaman ko.
*seen*
Me: Paano ko ba siya makakalimutan?
___________________

Me: oist!
*seen*
Me: kilala mo pala si kurt?
(Tukoy ko sa Ex ko)
*seen*
Me: kamusta na siya? Pakisabi naman lagi niyang ingatan yung sarili niya!
*seen*
__________________

Me: Uy! Alam mo bang nag-away ngayon si mommy't daddy.
Him: Pakialam ko sa kanila!
Me: whooah!! Nag reply ka!😊
*seen*
__________________

Me: Psst! I need someone to talk to, pwede ka ba?
*seen*
Me: Bala ka diyan, mag sheshare pa din ako sayo. Baka kasi di ko kayanin pag di ko nailabas to eh.
Him: what do you want from me?
Me: ayiee, nag-reply siya magpaparty na ako!
*seen*
Me: Please! Wag ka munang mag a out,
Kailangan ko talaga ng kausap ngayon. Subrang bigat na kasi talaga ng nararamdaman ko.

Napangiti ako ng mapait ng makita kong si-neen niya lang ulit ang message ko.
Ang totoo, hindi ko alam kung bakit sa lahat ng friend ko sa fb siya ang madalas kong i chat kahit madalas sine seen lang naman niya ako.

Him: okay!
Me: whoaah!Thank you!

At yun na nga ang simula ng palagi naming pag-uusap.
Nalaman ko na makulit din pala siya, madalas din niya akong napapatawa at  ang dahilan kaya siya nagsusungit noon sa akin ay dahil galit siya, dahil iniwan siya ng taong mahal niya ng walang paalam.
In short pareha pala kaming nasa stage ng pag momove-on.

Him: I have a suggestion
Me: anu?
Him: Gusto mo ba tayo nalang?
Me: what do you mean?
Him: well, Broken ka di ba?, broken din ako. Bakit hindi naten subukan na maging tayo for 1 month, malay mo makatulong yun para pareho tayong maka move-on.
Me: sige!

Mula nga nun, nagsimula ang pagpapanggap namin bilang mag-on.

"Tigilan mo na yang kalokohan na yan!"
"Baliw ka ba? Masasaktan ka lang, paano kapag nahulog ka?
"Bat ka pumayag, tanga ka ba?"

Ilan lang ang mga yan, sa mga narinig ko pero binalewala ko.
Dahil ang totoo, masaya ako. Masaya akong kausap siya at nakakalimutan ko ang lahat ng dinadala kong mabigat pag magka-usap kami.
Pinaparamdam din niya kung gaano ako ka special sa kanya. And I must admit na dahil dun, mabilis akong naka move on kay kurt.

Me: ito ng huling araw naten bilang mag bf/gf.
Him: I know
Me: Mamimiss kita!
Him: Bakit? Ayaw mo na ba?
Me: Syempre, gusto pa. Pero kasi di ba end of contract na, ibig sabihin wala ng 'Babylove'
Him: Drop the end of contract! I love you babylove!

Ipinagpatuloy namin ang relasyon namin at hindi ko maitatangging subra akong naging masaya.
Pero gaya ng mga normal na relation madalas din kaming nagtatalo napaka seloso at irrational niya kasi kung minsan.
May mga pagkakataon pa nga na nauuwi kami sa pag boblock sa isat-isa at break-ups but at the end of the day nagkakabati din naman agad kami.
Kahit madalas kami magkatampuhan alam ko at alam din niya na mahal namin ang isat-isa.

Him: Babylove, ilang gusto mong anak pag kinasal tayo?
Me: 2
Him: 2? Gawin nalang nateng 4 para 3 lalaki 1 babae.
Me: panu ka makakasiguro na 3 ang lalaki?
Him: I'm a sharp shooter di ba?
_________________________

Me: babylove ano ba talagang height mo?
Him: 5'11
Me: whoaah! Ang tangkad mo talaga! 4'11 lang ata ako eh
Him: anu naman, ang cute mo nga e, baby talaga kita!

__________________________

Me: BabyLove anong gusto mong ipangalan sa mga magiging baby naten?
Him:gusto ko mga colors
Me: bakit?
Him: kasi sila ang magbibigay kulay sa buhay pamilya naten.
_____________________________

Me:Babylove! Anong gagawin mo kapag nagkita tayo?
Him:Bubuhatin ka para pantay tayo pag hinalikan na kita
_______________________

Him: Babylove pwede bang magkita na tayo?
Me: saan naman?
Him: Sa bahay niyo, gusto ko legal tayo eh. I LOVE YOU!!
__________________________

Him: Babylove, kailan mo ba ako papayagang pumunta sa inyo? Gusto na talaga kita makita.
Me: nakita mo na naman ako ah!
Him: sa picture, gusto ko sa personal eh, para official na tayo.
Me: tsaka nalang, hindi pa kasi pwede ngayon eh.Tiis lang muna babylove ah. I love you!
Him: may magagawa pa ba ako?. Haist! I love you too!
_________________________

Him: Baby love, ano kaya kung puntahan kita sa school mo?
Me: wag!, Babylove, nextime nalang
__________________________

Me: BabyLove ,kailangan mo na nateng maghiwalay, nalaman na kasi ni mommy yung tungkol sa atin eh.
Him: eh ano kung nalaman na niya? Wala naman tayong ginagawang masama ah..handa naman akong ligawan ka ng formal kung yun ang gusto niya. Bakit kailangan pang makipag hiwalay ka?
Me: Sorry!
Him:walang maghihiwalay okay? I love you!
____________________________
Him: Babylove I already told you, handa akong magpakilala sa family mo di ba? Bakit nakikipag hiwalay ka na naman?
Give me your damn address pupunta kao diyan ngayon din!
Me: Baka saktan ka ni mommy, sinampal na niya ako!
Him: wha the F***! and so what kung saktan niya ako? Just give me your fucking address pupuntahan kita!
Me:Sorry but I can't, please understand me babylove!
_____________________________

Me: Babylove Sorry na!
Him: you don't really love me don't you?
Me:No, I love you! I love you so much!
Him: No, you don't cause if you really love me, you'll trust me na kaya kitang ipagtanggol sa parents mo..
Me: I trust in you!
Him: trust? Address niyo nga di mo magawang ibigay sa akin. Tapos sasabihin mo you trust me?
Alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon?
Pakiramdam ko, tinangalan mo ako ng backbone para ipaglaban ka ng hindi ko namamalayan!
Me: sorry!
Him: sorry? Wala ka talagang balak?
I thought you we're different from her!, pero mas malala ka pa pala sa kanya. Fine!kung yan ang gusto mo..
I'm setting you free!
____________________________

It's been a year mula ng mangyari yung huling pag-uusap namin.
Been a year since the last time na may tumawag sa akin ng Babylove.
Been a year mula ng ngumiti at humalakhak ako ng totoo.
Been a year mula ng hinayaan ko siyang mawala sa akin.
I really missed Him! Pero wala akong magawa kundi ang umiyak nalang dahil alam kong galit din siya sa akin.
Hindi ko namaa siya masisisi
I was a coward back then, gustuhin ko mang baguhin lahat ng naging decision ko na naging dahilan ng paghihiwalay namin wala na, hindi na pwede!
Ang dami-daming 'what if's na, nabuo sa isipan ko.

'What if pumayag akong makipagkita sa kanya?'

'What if binigay ko kahit address nalang ng school ko?'

'What if pumayag ako na pumunta siya sa bahay namin para pormal akong ligawan?'

Kung sana lang pumayag ako sa gusto niyang mangyari..
Kung pumayag lang sana ako na ipakilala niya ang sarili niya sa family ko bilang boyfriend ko.

Kung sana nagtiwala ako sa kanya..

Hindi sana kami nagka ganito.
Hindi sana kami nagkahiwalay
Hindi niya sana naramdaman na wala akong tiwala sa kanya..
Hindi ko sana siya nasaktan..
Hindi sana siya nawala sa akin!.

Pero nangyari na ang mga nangyari..
Gustohin ko man mabago ang lahat, huli na ako..
Dahil hindi na ako ang taong mahal niya at isa na ako sa mga taong kinamumuhian niya..

"I regrets every single day I did to let it End"

____________ THe END_____________

Collection Of  One shot  Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon