Chapter Ten

2.5K 88 2
                                    

Kinabukasan ay nagising nang maaga si Pia. Dumiretso siya sa mall para mag-grocery dahil ubos na ang laman ng refrigerator sa apartment. Tanghali na nang matapos siyang mamili dahil nahirapan siyang i-budget ang pera niya. Kailangan na talaga niyang magka-trabaho dahil nalilimas na talaga ang laman ng wallet niya.

Pagkatapos kumain ay nagbalak siyang umuwi. Pasakay na sana siya ng jeep nang mag-ring ang cellphone niya. It was France calling. Malamang ay hinahanap na naman siya nito.

"Hello."

"Nasa'n ka, Pia?"

"Nandito lang sa mall. Namimili." Iginala-gala niya ang tingin at naghahanap ng paparating na jeep.

Nagulat pa siya nang makita si France sa may entrance ng mall na pinaglabasan niya. She couldn't help the smile that formed her lips at the sight of him. Kakawayan niya sana ito nang mapansin na hindi ito nag-iisa. May babaeng bumaba sa motor nito at ibinalik kay France ang helmet. Biglang naglaho ang ngiti niya. Sobrang ganda ng babae at ubod ng sexy. Maputi ito at mamula-mula ang mahabang buhok. Matangkad din at parang model ang tindig. Sandaling naumid ang dila niya.

"Nasa'ng mall ka?" untag ni France sa kaniya. Nanlaki pa ang mga mata ni Pia nang lumapit ang babae kay France. She gave him a quick peck on the lips. France smiled at the girl and waved goodbye. "Susunduin kita."

Hindi alam ni Pia ang isasagot doon. Hindi niya alam kung tama ba na sumama ang loob niya sa nakita. Matagal na niyang alam na palikero si France. Kaya hindi na dapat bago ang mga nakikita niya ngayon.

But he promised me a week! Kontra ng utak niya.

"Hey, Pia. Nasaang mall ka? This is supposed to be our third day. Sayang ang araw."

"Naku, 'wag mo na ako'ng sunduin. Kaya ko naman."

"Hindi. Susunduin kita. I'm on my way."

"Hindi na nga sabi!" Dahil sa inis ay sumigaw na siya. Pagkatapos ay basta-basta na lang binabaan ito ng tawag.

Wala lang. Naiinis lang talaga siya sa nakita niya at hindi niya alam kung bakit. Hindi naman nakatali sa kanya si France. At may buhay pa rin naman ito maliban sa pagtulong sa kaniya sa manuscript. Pero naiinis pa rin siya. Kagabi lang ay solong-solo niya ito. Wala pang beinte-kwatro oras ay may iba na naman itong kasama.

Nagmamadali siyang sumakay ng jeep pauwi. Sa daan ay abot-abot pa rin ang inis niya kay France. Maya-maya pa ay nag-ring ulit ang cellphone niya. Si France ulit. Pasinghal na niya iton'g sinagot.

"Bakit ba?"

"Look behind you."

Tumingin nga siya sa likuran niya. Nakita niya si France na nakasakay sa Ducati nito at sumasabay sa andar ng jeep.

"Ano'ng ginagawa mo diyan?" asar niyang sabi. Napansin niya na naka-head set ito at doon ito nagsasalita.

"Nakita kita habang paalis ako ng mall. Tatawagin sana kita pero nakasakay ka na ng jeep."

"O, ayan. Nakausap mo na ako. Ano pang gusto mo?"

"Nagagalit ka ba sa'kin?"

"Hindi. Masayang masaya ako," she was sarcastic. Nabi-bwiset talaga siya sa nakita niya. At hindi nakakatulong ang pag-papainosente ni France para payapain ang nararamdaman niya. "Sobrang saya ko nga, bababaan kita ng tawag." Ini-off din niya ang phone.

Pero nakita niya na nakasunod pa rin ang motor ni France hanggang makarating sa apartment niya. Pagkababa niya ng jeep ay dali-dali siyang naglakad. Nakasunod pa rin ang motor ni France.

"Teka. Bakit ka ba nagagalit? May nagawa ba ako?"

"Hindi nga ako galit!"

"Eh, bakit ayaw mo ako'ng tingnan?"

She turned to him, eyes ablazed. Kung hindi siya nanghihinayang sa pera niya ay ibinato na niya dito ang supot ng mga pinang-grocery niya.

"Tiningnan na kita. Masaya ka na?"

Pagkatapos ay tuloy-tuloy siya hanggang makapasok ng apartment. Nang makita niyang ipinarada ni France ang motor ay dali-dali siyang nanakbo sa front door at ikinandado iyon. Nag double-lock pa siya.

France knocked on the door. "Open this up, Pia. Mag-usap tayo."

"Ewan! Manigas ka diyan. Ayaw kong makipag-usap sayo!"

"You are angry and I don't know why!"

"Pumunta ka sa Obando at kausapin mo ang mga poon do'n. Itanong mo sa kanila kung bakit!" nanggigigil niyang sigaw dito. Damn this guy!

At teka, bakit nga ba abot-langit na ang inis niya na may nakita siyang kasama nitong iba?

Napansin niya na hindi na ito nagsalita pa. Ilang sandali pa ay narinig niya ang tunog ng papalayong motor nito. She opened the door and peeked outside. Wala na nga ito.

Nalaglag ang mga balikat ni Pia. Siya naman ang maysabi na umalis ito pero nanghinayang pa rin siya na hindi ito nag-effort na amuin siya. Siguro ay babalik na ito sa iniwan nitong babae.

Bahala siya!

Inayos na lang niya ang mga gamit. Pero nagkakagutay-gutay ang plastic dahil iyon ang pinanggigigilan niya.

"Subukan pa ng France na 'yan na ayain ako sa date at malilintikan siya!"

May ilang minuto na rin siyang tahimik na nag-a-ayos ng pinamili. Nasa may kusina siya kaya marahil hindi niya narinig ang tunog ng paparating na motor dahil nakatayo na si France sa gitna ng salas. Nakapameywang niyang hinarap ito.

"Sino'ng maysabing pwede kang pumasok?"

May inilabas ito galing sa likuran. It was a bouquet of flowers. Pinasadahan lang niya iyon ng tingin.

"Ano yan?" mataray na baling niya dito.

Nagkamot ito ng ulo. "Peace offering."

"Hindi mo naman alam kung bakit ako nagagalit sa'yo, eh."

Ngumisi ito. "I think I know already. Nagseselos ka."

Nagseselos nga ba siya?

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Feeling! Bakit naman ako magseselos kung nakita kita na may kahalikang ibang babae sa katirikan ng araw?"

"Hindi ko nga rin alam sa'yo kung bakit ka nagseselos, eh. At kung ano man yung nakita mo, there's nothing to it."

Wala lang pala 'yung may hinahalikan ito'ng babae sa harap niya. Lalo siyang nainis. 'Di bale sana kung hindi niya nakita.

"Saka kinakapatid ko yung babaeng nakita mo. Gano'n lang talaga 'yun maglambing. Wala kang dapat ipagselos," patuloy nito.

Naglagitikan ang mga ngipin niya sa tindi nang panggigigil niya dito. "Hindi nga ako nagseselos. Ipapakulam na kita, ang kulit mo!"

He waved the bouquet in front of her. "'Yun naman pala eh. Tanggapin mo na 'yung peace offering ko."

"Hindi naman nakakain yan," tuloy pa rin siya sa pagsusungit.

Lumapad ang ngisi nito. Naglabas ito ng hilaw na mangga at bagoong. Naglaway si Pia pagkaamoy sa mangga. She loved unripe mangoes.

"Nahihiya ka pa. Kunin mo na."

Hinablot niya ang plastic na hawak-hawak nito. Pasalamat ito at nahuli nito ang weakness niya. Napansin niya na pangiti-ngiti ito sa kanya. Lalo siyang nainis.

"What?" she snapped.

"Nothing. I just realized something good today."

Ngising-ngisi pa rin ito nang magpaalam. Drat the guy! He could make her go from up to down and up again in the short time it took for her to blink an eye.

Pia was not sure if she liked the feeling.

One-Week Date ProjectWhere stories live. Discover now