Chapter Six

2.5K 90 1
                                    

Na-disappoint si Pia nang pagdating niya sa labas ng fast food chain na sinabi ni France na hihintayin siya ay wala pa ito. Lunes na Lunes ay late ito. Darn!

She looked at her clock. Five minutes after 6.

Hindi kaya ay hindi nito itinuloy ang project at niloloko lang siya?

Pwes, humanda siya sa'kin.

Nagsisimula na siyang maglakad paalis sa lugar nang may motor na pasalubong sa kanya. Naka-bukas ang eye protector niyon at nakatingin sa kanya. Natigilan siya sa paglalakad. Hindi niya ugaling makipagtitigan sa mga taong nakakasalubong niya kaya hindi niya alam kung bakit iyon mismo ang ginagawa niya ngayon.

She just couldn't take her eyes off the driver's eyes. Those eyes were like magnets. At parang ang mga mata niya ay bakal na kusang naaakit nito. There was sensuality in those eyes. Nararamdaman niya ang pagkatuyo ng lalamunan niya. Ang mga tingin nito ay kusang nanunuot sa buong pagkatao niya that she felt like the driver could see through her very soul.

The motorcycle stopped a few meters away from her. Hindi pa rin inaalis ng driver nito ang tingin sa kanya. Pagkatapos ay bumaba ito ng motor. And to her horror, he started walking towards her. He had so much grace in him as he seemed to be gliding across the cemented floor. All the while, he was holding her gaze and keeping her in place.

Hindi alam ni Pia kung saan ibabaling ang mga mata. Her heart was beating rapidly on her chest. Hindi na siya magtataka kung biglang tumirik ang mga mata niya sa sobrang tensyon.

Tumigil ang mismong driver sa tapat niya. Pagkatapos ay inalis nito ang helmet. France was smiling widely at her.

"How was the first meeting, Miss Arguilles? Did I make your heart thump wildly?"

Doon lang siya biglang natauhan. Ramdam na ramdam niya na nag-iinit ang mga pisngi niya. Wala sa loob na napahawak siya sa dibdib. She was literally palpitating. Daig pa niya ang nag-jogging ng limang ikot sa acad oval sa UP.

"Ano'ng ginawa mo?" baling niya dito.

"Bakit? Ano bang nararamdaman mo?"

"Mahihimatay!" singhal niya dito. Hawak-hawak pa rin ang dibdib. "Paano kung may sakit ako sa puso? 'Di namatay na ako sa sobrang tensyon." Dahil sa nerbiyos ay napaamin tuloy siya na apektado siya sa nangyari.

France chuckled softly. "It had that kind of effect, huh?"

"Tse! What was that all about anyway?"

"How it should be like when the hero meets the heroine," France replied. His eyes were dancing in silent laughter.

That was when it hit her. That was the beginning of the project.

"So?" untag ni France sa kaniya. "Katulad ba iyon no'ng isinulat mo?"

Alam ni Pia na nang-iinis lang ito pero hindi niya magawang kumontra. It was indeed very different from what she had in mind. Ni sa hinagip ay hindi niya kailanman naisip na posible palang makaramdam nang ganito sa isang taong noon mo pa lang nakita. Hindi niya alam. But when those eyes looked at her with so much sensuality, parang gusto niyang matunawan ng buto sa mga tuhod. Pakiramdam niya kasi ay parang siya lang ang babaeng pwedeng makita nito.

The hero looked at the heroine as if she's the only person in the world...

Pagkaisip sa lahat ay hindi niya maiwasan ang mapangiti. She had to give credit to France. He was really very good. Sanay na sanay na nga siguro ito sa mga paraan nang pang-aakit. With those beautiful eyes of his, he can even cause the earth to shake and nobody will complain.

Namamangha na siya nang tumingin dito. Ngayon lang niya naisip na may pakinabang ang pagiging palikero ito. Mukhang matutulungan nga siya nito sa manuscript niya.

"It was different. In fairness, France. You were effective!"

Matama siyang tinitigan nito. Nailang naman siya.

"Bakit?"

"You just called me by my name."

"Sorry, Mr. Buenca—"

"France. Call me France from now on."

Ngumisi siya. It was as if a giant wall separating them had been crushed.

"Natuwa lang ako. I didn't know that you were this good. Your eyes were really something back there!"

Humalakhak ito. "Oo naman, syempre. Years of experience 'yan." Pagkatapos ay sumeryoso ito. "But I didn't do it for the sake of acting."

Hindi na naintindihan ni Pia ang huling sinabi nito dahil may napansin siya na kakaiba dito.

"You look different..." Pagkatapos ay pinag-isipan niyang maigi. "You aren't wearing your glasses!" So that was why those eyes seemed to be working overtime.

He shrugged his shoulders. "I wore my contacts instead. Sagabal lang iyon sa pupuntahan natin."

May pupuntahan pa sila?

"Wait. Hindi ba at ok na? I already have the details of the first meeting."

"Nah. Bonus lang iyon. This is supposed to be our first official date after all."

Pagkatapos ay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo nito.

"Something wrong with me?"

"You look perfect, Pia. It just that those shoes won't do."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. She was wearing a 3-inch platform shoes to match her jeans.

"Ano bang balak mo? Mountain climbing?"

Hinila siya nito. "Ride with me."

She horrifyingly looked at the big Ducati in front of her.

"Oh, no, Francisco Buencamino. You couldn't make me ride in one of those." Takot talaga siyang sumakay kahit sa scooters. Maraming motorcycle-related accidents ngayon. Wala siyang balak isugal ang buhay niya sa motor.

"Trust me, Sophie. I won't let anything bad happen to you."

"Ayoko pa rin. Hindi ko matatapos ang manuscript ko 'pag namatay ako nang maaga!"

Tiningnan lang siya nito. Pagkatapos ay walang sabi-sabing inangat siya at isinakay sa motor. Pagkatapos ay ito naman ang dali-daling sumakay at hinawakan ang kamay niya para ikapit sa baywang.

"Kumapit ka nang mabuti."

"Wait, France! You can't do this! Bitawan mo ako!" Pilit niyang inaalis ang kamay niya na nakakapit sa baywang nito. Hawak-hawak pa kasi ni France iyon. "Bababa ako. Teka lang."

Lumingon ito paharap sa kanya at inilagay ang helmet sa ulo niya. Pagkatapos ay mabilis nitong pinaharurot ang Ducati.

"I swear I'll kill you!" Nanggigigil niyang sinabi habang hinihigpitan ang kapit sa baywang nito. Wala siyang choice. Ayaw man niyang gawin iyon ay mas ayaw naman niyang mahulog siya. "Promise. 'Pag namatay ako, hindi ka papatahimikin ng kaluluwa ko!"

"Loosen up a bit. Masyado kang guarded."

"Nag-iingat lang ako. Paano kung ma-aksidente tayo?"

"I told you I won't let anything bad happen to you. You have to trust your man."

"You are not my man," angil niya.

"I am. For a week, at least. Kung natatakot ka talaga, isandal mo 'yang ulo mo sa likod ko."

Iyon nga ang ginawa niya. Pero wala iyong nagawa para payapain ang pakiramdam niya dahil naamoy niya ang bango nito. Humahalo ang natural na amoy nito sa amoy ng pabango. It was intoxicating. He smelled of lime and pine trees and freedom. Mas lalong nililigalig no'n ang isip niya.

What is happening to me?

One-Week Date ProjectWhere stories live. Discover now