Chapter Two

3.4K 107 9
                                    

"Bakit ka nandito?"

Nagpalinga-linga si Pia at naghanap ng ibang tao. Wala. Then she looked at France directly.

"I was supposed to talk with the head editor."

"The head editor is actually currently out of the country. Ako muna ang acting head editor ngayon. So you will be discussing the manuscript with me."

Napansin ni Pia na hindi na-sorpresa si France nang makita siya. Well, of course. Nagpasa nga pala siya ng resume sa company na 'to. Hindi lang talaga niya mapigilan ang magulat nang makitang si France ang makakausap niya ngayon.

Of all people!

Pero hindi niya maiwasan ang titigan ito saglit. He was wearing a moss green long-sleeve polo shirt and a matching neck tie. Nakasalamin ito, barely hiding his dark eyes which were his best assests.

And France was smiling. The kind of smile that would lure sirens from under the sea. Puwera siya.

Ito pala ang dahilan ng lahat ng hinagpis niya!

"So you were the one who kept on rejecting my manuscripts!" akusa niya dito. Sandaling nakalimutan na nasa loob nga pala siya ng opisina nito.

"Well, yeah. Sort of. And you said you wanted to discuss it with me?"

Pia held her head defiantly. "What's wrong with my writing?" diretsa niyang tanong dito.

"I already told you, there's nothing wrong with your writing, Sophie."

Hindi nakaligtas sa kanya ang pangalang itinawag nito sa kanya. Sophie. No one had used that name on her ever. Pinilit niyang iwaksi iyon. Nag-concentrate siya sa ipinunta niya dito.

She smiled mockingly. "But the problem lies in me. Yeah, yeah. Right. As if maiintindihan mo ang kaibahan ng magandang pagsusulat sa panget." Kung acting head editor lang ito ay malamang na hindi rin ito competent sa trabahong iyon. "Baka naman gumaganti ka lang dahil may isang babaeng b-um-asted sa 'yo at hindi matanggap ng ego mo iyon?"

France raised an eyebrow. "Walang kinalaman ang personal kong buhay sa trabaho ko, Miss Arguilles. And that was already five years ago para alalahanin pa. Are you questioning my competence?"

"No, Sir. I'm asking you to explain it clearly para maintindihan ko kung ano'ng mali," she said through gritting teeth. Hindi siya papayag na basta-basta na lang siya laitin ng palikerong ito na wala namang alam sa pagsusulat.

May kinuha si France sa drawer at ipinatong sa harap niya.

"Baka maintindihan mo 'pag nabasa mo ito."

Kumunot ang noo ni Pia habang binabasa ang nasa harap niya. It was a manuscript probably written by one of the most prominent romance writers of the company.

"It's the scene where the hero meets the heroine," patuloy ni France. "Maybe it will give you an idea of what's wrong with your work."

Tinatamad na binasa ni Pia ang ibinagay sa kanyang part ng manuscript. Wala siyang kahilig-hilig sa romance. Lalong hindi siya nagbabasa ng romance pocketbooks. Nagkataon lang na Love Dreams ang pinakamalaki sa lahat ng publishing houses na pwede niyang pasukan kaya dito niya naisip isugal ang future niya.

Pero habang tumatagal ay na-e-engganyo si Pia sa eksena na binabasa niya. Simple lang ang eksena ng unang pagkikita ng dalawang bida. Pero pakiramdam niya kaagad ay nagkakagustuhan na ang mga ito. There was chemistry between them, and it was like watching a scene from a movie.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may isa pang ipinatong si France sa harap niya.

"And this is a part of the last manuscript you submitted. The scene where your heroine meets the hero."

One-Week Date ProjectWhere stories live. Discover now