Chapter One

5.1K 111 6
                                    

"'Return'again?!" naiiritang bulalas ni Pia pagkabukas ng E-mail niya.

Nasa loob siya ng isang coffee shop sa mall at kasalukuyang nakiki-Wifi. Napalakas ang boses niya kaya nagtinginan ang ilan sa mga tao. Nakangisi siyang nag-peace sign sa mga ito bago ibinalik ang attention sa laptop. Buong araw na niyang hinihintay ang resulta ng manuscript na ipinasa niya sa Love Dreams, isa sa mga pinakatanyag na publishing houses ng mga romance pocketbooks.

Bata pa lang ay mahilig nang magsulat si Pia. 'Nong high school ay isa siya sa mga pinagagawa ng school plays. Isa rin siya sa regular contributor sa feature section ng college newspaper nila kahit na nga ba Business Administration ang kinuha niyang course.

Kahit hindi romance ang mga isinusulat niya noon, naisip niya na wala namang ipinagkaiba ang romance genre sa lahat ng mga naisulat niya. Oo at hindi pa siya nagkaka-boyfriend. Pero ang paniwala niya ay hindi naman kailangan ng first-hand experience para magsulat.

Ano pang silbi ng manunulat kung hindi niya kayang paganahin ang kanyang imahinasyon?

Kaya hindi niya maintindihan kung bakit nire-reject lagi ang mga manuscript na isinusumite niya sa Love Dreams. Pang-ilan na ba ito sa mga ipinasa niya? Pang-apat? Pang-lima?

"Kung may katanungan po kayo sa resulta ng manuscript, maaari niyo po kaming tawagan o konsultahin ukol dito,'" she read the clause irritatingly. "Agh! I am really so pissed right now!"

Noong una siyang nag-submit ng manuscript at natanggap ang e-mail na "Return" ang resulta, hindi siya nagtanong. Siguro nga ay may mali sa manuscript niya kaya gumawa ulit siya ng bago. It was also rejected. So nag-submit ulit siya. Paulit-ulit siyang nagsa-submit pero gano'n pa rin. Return pa rin. Kung 'Revised' sana ang resulta ay magagawan pa niya ng paraan. But a 'Return' note was just too much. Para bang sinasabi ng mga ito na magpakamatay na lang siya dahil wala siyang kwentang magsulat.

Kung tutuusin, pwede naman niyang subukang magpasa sa iba pang publishing houses. But Love Dreams was a big and prominent company. Sayang naman ang credentials na mapupunta sa pangalan niya kapag nai-ugnay siya dito. Kahit na wala siyang experience sa romance writing, the idea of writing one thrilled her.

Isa pa, mientras na inaapi siya ay mas gusto niyang patunayan na may ibubuga siya.

At ang pinakamabigat na dahilan sa lahat ay kailangan niya ng pera. Ang Love Dreams ang pinaka-malaking magbayad ng manuscript. She just resigned three months ago from one of the top banks in the country. Pang-apat na ito simula nang magtapos siya ng kolehiyo sa loob lamang ng tatlong taon. It was a bit late when she realized that corporate jobs bore her. Napilitan lang siya na Business Administration ang kunin na course dahil gusto ng mga magulang niya na siya ang mamahal sa catering business ng mga ito. Only child siya kaya siya lang ang inaasahan ng mga ito. Hindi lang siya pinapauwi sa probinsya nila sa Quezon dahil alam ng mga ito na may maganda siyang trabaho sa Manila.

Pero sa oras na malaman ng mga magulang niya na nauubos na ang ipon niya, tiyak na pauuwiin siya ng mga ito at ibuburo sa probinsya. That was the last thing Pia need. She wanted to be free. She wanted to explore the world and write about the things she saw. Kung matatanggap siya bilang isa sa mga exclusive writers ng Love Dreams, at least ay may pera pa rin siya, sapat para hindi siya dependent sa mga magulang niya. Hawak pa niya ang oras niya.

Ngunit ito nga at tatlong buwan na siyang nagsusulat at wala pa ring positibong resulta. She was starting to become desperate. Nagdesisyon siyang tawagan ang numero na matatagpuan sa ilalim ng e-mail. Tatlong rings bago may sumagot.

"This is Love Dreams, hello." Boses ng babae ang sumagot sa kabilang linya.

"Pwede ba'ng makausap ang head editor niyo?" diretso niyang sabi sa kausap.

One-Week Date ProjectWhere stories live. Discover now