Kabanata 40

40 2 0
                                    

Play the media above. This is the soundtrack of the whole chapter. Enjoy reading!


Kabanata 40

Lifetime



Gian wasn't around for following days. Madalas ay naririnig ko ang pag-uwi niya bandang alas-onse nang gabi, at bago pa man mag alas-sais nang umaga ay wala na siya sa unit. Halos 'yon lang ang abangan ko buong maghapon dahil hindi ako mapakali sa pag-iisip na ang bagay na dalawang taon kong tinago sa kanya, na naging dahilan din ng sunod-sunod niyang pagkasira, ay nalaman niya sa loob lang nang maikling panahon.


Palaisipan sa akin kung sino'ng nagsabi sa kanya, lalo pa't alam kong hindi 'yon sinuman sa mga kaibigan ko, kapamilya, at lalong hindi si Aphriam. He made a pact with me years ago, when I first met him after knowing Aaron's 'death'.


Matagal bago ko natanggap 'yon. Mid-college, I think? I was just supposed to ask him kung nasaan ang puntod ni Dane. We met, but after he told me the exact place, he invited me to his clinic. Nabahala siya dahil nang ayusin ang files nila sa bahay, nakita niya ako sa special cases na itinabi ng tatay niya, Dr. Jason Silvero.


Before I started working, pinakita niya sa akin 'yon. He also gave me the worst-case scenarios. Ang tuluyan kong pagkalimot sa lahat, ang mga masasaktan ko sa oras na mangyari na 'yon. When he shared it to me, he also shared some information about Dane. Aniya, there are some instances na may nakakakita sa kanya sa ibang lugar, kahit pa alam niyang nasa bahay o 'di kaya'y nasa trabaho siya nang mga oras na 'yon. That made him doubt everything. Ilang araw pagkatapos ng meeting namin, binalitaan niya ako na nag-umpisa na siyang magpa-imbestiga.


When he came home from Davao after we did, pinuntahan niya ang lugar kung saan may lead na sila. Until now, I haven't heard anything from him. Not that it's my problem to begin with, since I'm already facing a lot on my plate right now, but he became a very dear friend and I want to be with him while he faces his brother, which we believed that is already dead.


On my almost a week of observing Gian's activity without him noticing it, ngayong araw ay hindi siya umalis bago mag-alas-sais nang umaga. Nag-abang ako bandang alas-siyete, pero hindi pa rin siya umaalis. Binalot ako nang pagtataka.


As far as I remember, umuwi siya kagabi. Hindi rin naman siguro siya umalis nang mga bandang alas-tres dahil, saan naman siya pupunta? Pinakiramdaman ko ang unit niya. Nang walang aktibidad na sa tingin ko ay nangyayari, I made my way to the kitchen. Gumawa ako ng agahan at kumain na rin. On my second to the last spoonful of food, nakarinig ako ng katok. Napakunot ang noo ko. Who'd be bugging me this early?


I dropped my spoon and walked to the door. Nang mabuksan, my eyes widened. Gian standing in front of me was enough for a reason. He's giving me a warm smile. Inilandas ko ang paningin sa kabuuan niya, only to find him wearing a white basic Stussy shirt, black shorts, and a pair of black slides. Nakasuot ang isa niyang kamay sa kanang bulsa ng kanyang short. Ang buhok niya'y magulo ngunit bumagay sa kanya 'yon. I almost melted.


"Good Morning!" anito at umiwas ng tingin sa akin, suot pa rin ang ngiti. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang ngiti.


It's been a week since our last talk and I can't help but miss him. Hindi pa ako nagiging totoo sa sarili ko mula nang makabalik dito mula sa Davao. Hindi ko pa naaamin sa sarili ko kung gaano ako nangungilala sa kanya sa loob ng dalawang taon. Hindi ko pa nababawi yung mga oras na pinilit kong pigilan ang sarili ko na alamin kung anong nangyayari sa kanya. Hindi ko rin nabilang kung ilang beses kong naisip na bumalik nalang sa kanya, at sabihing mahal na mahal ko pa rin siya. Na hindi totoong hindi kami para sa isa't-isa, dahil katulad niya, kung hindi nga ay pipilitin ko.

Forgotten (NNS #1) (EDITING)Where stories live. Discover now