Kabanata 1

247 21 7
                                    

Kabanata 1

Sino

Nagising ako nang wala na ang lalaking tinatawag nilang 'Gian'. Nandoon na rin ang mga magulang ko, kasama ang dalawa kong kapatid. Nandoon pa rin ang mga kaibigan ko, kumpleto at nasa normal na anyo na para bang walang nangyaring komosiyon kanina.

"Sapphire, you okay?" ikatlong beses na pang-uusisa ni Daryl Vern, tinatawag naming Daryl o Dave, na siyang naiwan dito nang samahan ni Vladimir si Ariadne sa comfort room, habang si Herman at sinamahan si Tracy para bumili ng pagkain at para na rin magpaalam sa mga magulang nila. Si Valerie ay pumunta sa ibang room dahil naospital daw si Cheena, bunsong kapatid niya. Ang pamilya ko naman ay umalis din para magpahinga sa aming bahay at ipinagkatiwala akong muli sa mga kaibigan ko, pagkatapos nilang kausapin ang mga ito.

Tumango ako. Hindi na masakit ang ulo ko, pero sa tuwing maaalala ko ang nangyari kanina, kumikirot ito. Kumikirot ang ulo ko, kasabay ng puso ko. Bakit gano'n ang naramdaman ko?

Bumaling ako kay Daryl, na ngayo'y nakatingin din sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Dave..." tawag ko sa kanya.

"Yeah?" he said.

I've been thinking about this since I woke up. I really should ask someone. This is something that shouldn't be ignored.

"Sino si... G-Gian?" tanong ko. Natigilan siya r'on.

Nangunot din ang noo niya sa'kin bago umiwas ng tingin.

"Hindi ako ang dapat magsabi nito sa'yo, Fire. Hindi ko din kasi alam kung paano sasabihin sa'yo. Pero eto lang ang tandaan mo: naging malaking parte ng buhay mo si Gian. Gawa nang malaki ang bahagi niya sa'yo, naging malaki din ang epekto no'n sayo, maging sa mga taong nakapaligid sa'yo," makahulugang saad niya. Magtatanong pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Daryl. Nilingon niya ako at nginuso ang phone niya. Tumango lang ako bago nag-isip ng itatanong pa sa kanya.

"Bro," banggit niya. Siguro ay isa sa aming kaibigan. Napukaw no'n ang atensyon ko.

Kumunot ang noo niya at nakita ko ang iritasyon. Why?

"What?! Bakit ba ang kulit niya? Sumasakit nga ang ulo ni Sapphire pag nakikita siya!" halos pasigaw na saad niya. Bumaling ako sa kabilang parte para makinig na lamang. Ramdam ko din ang kirot ngunit sumabay do'n ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sumunod na winika niya.

"Gian! Wake up! Damn it, hindi ka nga naaalala ni Sapphire. Hindi mo ba maintindihan 'yon? She can't remember you! She can't, Gian. She can't!" sigaw ni Dave sa kabilang linya.

Mariin akong napapikit bago tumagilid sa kabilang banda at doon tumulo ang aking mga luha. That. Name. Again.

Bakit masakit? Paanong nasasaktan ako sa simpleng pagbanggit ng pangalan ng taong hindi ko naman kilala? Nang taong hindi ko naaalala?

Bakit siya lang ang nakalimutan ko? Bakit nakalimutan ko siya, gayong sinabi sa akin ni Dave na naging malaking bahagi siya ng buhay ko?

Tahimik akong umiyak habang nakikinig sa usapan nila.

"Anong nagpapanggap? Gago ka, Gian! Sa tingin mo ba itutulak ka ni Ariadne kung hindi 'to totoo? Sa tingin mo ba sisigawan ka nila Tracy at Valerie kung nagpapanggap lang kami? Sa tingin mo ba sasakit nang ganoon ang ulo niya kung niloloko ka lang namin?" 

"Tanggapin mo na lang kasi! Hindi mo lang sinasaktan ang sarili mo! Sinasaktan mo din si Sapphire! Sinasaktan mo siya dahil sa presensiya mo. Dahil pilit niyang inaalala kung sino ka, at kung bakit ka naging malaling bahagi ng buhay niya. Give her time, Gian. Just please, give her time," mahabang litanya ni Daryl.

Ngayon ko lang siya narinig na magsalita nang ganoon kahaba. Hindi ko kailanman iniisip na may kapasidad siyang magsalita nang gano'n. Doon ko natanto na sobrang halaga ng kung anumang nangyayari ngayon. Sobrang seryoso nito sa punto kailangan niyang magsalita nang masasakit laban sa kaibigan niya, para lamang tanggapin nito. At nasasaktan ako sa sitwasyong 'to.

Namayani ang katahimikan sa loob ng silid. Narinig ko ang buntong hininga ni Dave.

"Narinig mo, 'di ba?" aniya. Hindi naman siguro siya tanga para hindi maramdamang gising ako.

Dahan dahan akong bumaling sa kanya bago punasan ang luha ko.

"Yeah," sagot ko. Naalarma siya nang makita ang pag-iyak ko.

"A-ah, 'w-wag mo ng isipin 'yon. Magpagaling ka na lang para makalabas ka ma dito," saad niya bago nag-iwas ng tingin.

Pero bakit nga kaya? Bakit nakalimutan ko si Gian? Bakit sa lahat ng kaibigan ko, siya ang nakalimutan ko gayong malaking bahagi siya sa buhay ko?

Pumikit ako at pumihit muli patalikod sa kanya.

"Labas ka muna, Dave," saad ko.

"Will you be okay here?" tanong niya. Nagkibit balikat nalang ako.

"Maybe yes, maybe no," sagot ko at maya maya pa ay hinila akong muli ng antok.





"Alam na po ba niya, Tita? Baka mamaya, magulat ho siya." ani ng boses ni Tracy.

"'Yon nga, iha. Hindi namin alam kung paano sasabihin sa kanya, o kung masasabi pa ba namin sa kanya." sagot ng boses ni Mommy.

Saglit na namayani ang katahimikan at didilat na sana ako nang marinig ko ang boses ng isa sa kaibigan kong lalaki.

"Kailangan niya pong malaman, Tita. Hindi po pwedeng itago na lang natin sa kanya ang lahat." ani ng boses ni Herman.

Narinig ko ang paghinga nang malalim ng kung sino man.

"Alam namin, Herman. Pero paano kung pilitin niya ang sarili niya na alalahanin si Gian? Paano kung lumapit o puntahan siya ni Gian kapag wala tayo sa paligid ni Sapphire?" ani ng boses ni Daddy.

Ilang saglit pa nang sumagot si Vladimir, "Pero tito, hindi naman po siguro gano'n kadesperado si Gian? I mean, 'di ba po sinaktan niya si Sapphire? Edi parang okay lang po sa kanya 'yon?"

"Hindi naman sinadyang saktan ni Gian si Sapphire. Alam kong mahal na mahal niya ang anak ko. Sadyang hindi lang talaga tama ang pagkakataon nila." sagot din naman ni Daddy, "Tsaka malay ba natin kung gano'n na nga kadesperado si Gian? Paano kung gano'n ang gawin niya habang wala tayo? Hindi naman pwedeng kay Sapphire lang umikot ang mundo niyong lahat sa ngayon dahil may sari-sariling buhay din kayo." dugtong niya.

Doon ako gumalaw. Ginalaw ko ang daliri ko kasabay ng ulo ko at maya-maya ay dumilat. Napatingin silang lahat sa akin.

"Sapphire!" tawag ni Valerie.

"U-uy, Val," saad ko at medyo napaos pa, "Nakabalik na kayo?" tanong ko.

Nag-abot ng tubig sa akin si Daryl at agad din naman silang lumapit sa akin. Lumabas muna sila Mommy, Daddy, at Kuya, kasama si Herman na may kausap na sa telepono. What a fuckin' act.

"Kamusta? Masarap ba tulog mo?" Tracy asked after a little while.

Tumango ako. "Oo. Feeling ko nga pwede na akong lumabas bukas," ngisi ko na ikinatawa nila.

"Kung pwede ka lang lumabas na bukas eh." tawa ni Vladimir.

Napangiti ako nang mapait. "Oo nga pala, bakit nga pala hindi pa ako pwedeng lumabas? Hindi naman ako nagka amnesia or what 'di ba?" I chuckled.

Hilaw ngumisi ang lahat.

"Ah, hindi! Ano ka ba! Naaalala mo pa nga kami, 'di ba? Kung may amnesia ka, e 'di hindi mo kami makikilala?" depensa ni Ariadne.

Liars.

Tumango ako. Pero tinanong pa rin ang nasa isip para isipin nilang wala akong alam.

"Eh, sino y-yung Gian?"



Doon sila natahimik lahat.

Forgotten (NNS #1) (EDITING)Where stories live. Discover now