Kabanata 21

66 8 6
                                    

Kabanata 21

Bakit



"Fiiiiire!" matinis na sigaw ni Valerie nang makita akong pumasok sa room ng 6-Generosity.


I smiled warmly as I approached her. Kaming dalawa lang kasi sa No Name ang naging magkaklase dahil sina Ariadne, Tracy, at Alec ay magkakasama sa Purity habang si Janice ay nasa Obedience.


"Buti naman, dumating ka na. Walang matino dito eh," aniya at sumulyap sa mga magiging kaklase namin ngayong taon.


Mayroong tatlong bagong mukha akong nakita, pero 'yon na iyon at halo-halo na lang mula sa bawat seksyon dati. May mga dati akong kaklase na kaklase ko ulit na nakakumpol sa isang lugar at natigil ang mata ko sa isang lalaki.


Si Gian.


Noong bakasyon ay madalang na kami mag-usap. Pero dalawang beses kaming nagkita noong Miyerkules at Biyernes ng Holy Week. Nag-usap kami sumandali bago mag-umpisa ang prusisyon, tungkol sa mga bagay na nangyari noong natapos ang klase.


I'm happy with that. Hindi man kami madalas mag-usap, alam kong malapit pa rin kaming magkaibigan.


Magkaibigan.


I sighed. Nilapag ko ang bag ko sa isang upuan at nagpaalam na kay Valerie.


"Una na ako, may practice pa kami eh," bati ko at bumaba na.


Sa ngayon, isa akong Vice President External sa Student Council Organization ng school. Dito kasi, there are two kinds of Vice President: Internal and External. Sa Internal, siya ang mamamahala sa internal affairs and activities like intramurals and other programs na sa loob lang ng school. For External, ako ang mamamahala sa external affairs like outreach programs, tree planting activities, pagpunta sa mga orphanage, and such.


Tumakbo ako noon, una dahil I've always wanted to be part of student council. Pangalawa, based sa handbook namin, may malaking point sa ECA (extra curricular activities) kung mananalo ka sa SCO. Pangatlo, I don't wanna fail those who believed in me.


"Good morning! Practice na," saad ko nang makababa ako sa may acacia tree kung saan namin napagkasunduang magkita at mag-practice ng sasayawin namin mamaya para sa flag ceremony. Pinractice na namin ito noong bakasyon nang isang beses kaming magkita-kita dito sa eskwelahan para tumulong sa pag-aayos ng mga classrooms.


Hindi naman nagtagal ay natapos kami sa pag-practice at pumunta na kami sa mga room na naka-assign sa amin upang papilahin ang mga estudyante. I'm assigned to my own room and I'm fine with that.


"Gene, pumila na raw para sa flag ceremony," malakas kong saad sa mga kaklase ko.


Kanya-kanyang pagpila ang ginawa nila kung kaya't inayos ko pa. Natapatan ko si Gian at nginitian.


"Hello, Cross," nanunuya kong ngiti sa kanya.


"Hi, bitch," natatawa niyang tugon. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng pila. Maya-maya naman ay pinababa ko na sila nang bigyan ako ng hudyat ni Ivannah, na President ng Student Council ng elementary.

Forgotten (NNS #1) (EDITING)Where stories live. Discover now