Chapter 29

728 31 11
                                    

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Nauna pa akong dumating sa dining area kaysa kay Ashton.

A lot of thoughts bombarded my head last night. Hindi matanggal sa isip ko ang mga narinig mula sa kaniya lalo na ang mga napansin ko kahapon.

Nakatanggap ako ng tawag mula kay Mamita kagabi ngunit hindi ko nasagot kaya nagpadala na lamang ito ng mensahe.

Kinukumusta ako nito at mistula itong nag-aalala dahil gusto pa nitong puntahan ko sila ni Dada upang makita nila ako.

This just raised my curiosity about what's happening. I don't even know if I'm still safe here.

Nanatili akong nag-iisip doon habang nakaupo at hinihintay na maayos ang hapag.

Kasalukuyan pa lamang na nagluluto si Ate Lala kaya naghihintay pa akong matapos siya.

Mae helps in preparing the table. Nahuhuli ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin. Sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ay saka lang ito mabilis na umiiwas ng tingin at natatarantang lumalayo sa akin.

I seriously feel something weird about her. Idagdag pa na mukha talaga siyang pamilyar sa akin.

"Oh? Anong nakain mo at maaga ka ngayon?"

Ashton entered the dining area which made me avert my eyes away from the maid. I scrunched up my face upon smelling his perfume.

Lahat na lang siguro ng tungkol kay Ashton ay naiirita ako.

"I haven't eaten yet. They're still cooking. Can't you see?"

I pointed out dahil kita naman nito na hindi pa talaga ako kumakain. Wala ba siyang common sense.

"Funny.", sarkastiko lang nitong saad.

Umupo na siya sa tabi ko.

I've been wanting to talk to him about what's bothering me but I only refrained myself since we're not alone in the dining area. I just reminded myself to talk to him some other time.

Maya-maya ay sinerve na sa harap namin ang niluto ni Ate Lala.

"Sumabay na kayo sa amin. Let's eat.", aya ni Ashton sa dalawa.

Hindi ko na siya pinigilan.

Maids in the mansion, both in the house and Dada's, don't usually eat with us on the dining table. May sarili silang maliit na dining area sa maids' chamber.

Pero dahil apat nalang naman kami dito, sabay sabay na din kaming kumakain. But this only happens when Ashton is here. I usually eat in my room in front of my laptop when it's just the three of us left.

Saka lang ako walang magawa kundi kumain kasama nila dahil gusto ni Ashton kumain nang may kasama. He said that he's used to sadly eat at their house alone and so he would always bugged me to not eat by myself.

Umupo na si Ate Lala sa kaharap kong upuan pagkatapos niyang ilapag ang mainit na gatas sa tabi ko.

Umayos na ako ng upo at tinanggal ang pagkakakrus ng mga braso ko sa dibdib para abutin ang mug.

I sipped from the cup when the hot liquid suddenly poured all over my top. Napatayo ako agad sa gulat at init.

What the hell?!

Tumili si Ate Lala dahil sa nangyari at mabilis na lumapit sa akin.

"S-Sorry p-po! S-Sorry po!"

Taranta at takot ang nahimigan ko sa boses ni Mae. Palapit na siya kanina sa mesa para ilapag ang bacon nang matisod siya at matabig niya ang baso ko kaya ito nabuhos sa akin.

Wicked WitchWhere stories live. Discover now